Chpater Nine

12K 195 31
                                    

Chapter Nine

"Mommy, Daddy!"

Agad tinakbo ni Zabby ang distansya niya mula sa mga magulang, miss na miss na ang mga ito. Hindi na nga napansin ang dalawang pares na mata na nakatingin sa kanya.

Binigyan siya ng masuyong halik sa noo ng kanyang ama at mahigpit na yakap mula sa kanyang ina.

"Nais ko nga pala ipakilala sa inyo ang aking anak at ang iyong future wife, Yzabella Cassandra Lauchengco." sabi ng kanyang ama, doon lamang niya napansin ang dalawang taong nakamasid sa kanila, labis niyang ikinagulat kung sino ang isa sa mga ito.

Pero tama ba ang narinig niya? Future wife?

She slowly move away from her father and asked him with her questioning eyes. Dahan- dahan niyang inalis ang tingin sa ama at sinalubong ang tila nangangaing tingin ni....

"Galther Sandoval"

Hinding hindi makakalimutan ni Zabby ang devilish and ruggedly handsome face that gave her sleepless nights, ang mga matang kasing kulay ng kalmadong karagatan na labis niyang hinahangaan, hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang muli.

"Cassandra!" ang boses na iyon ang bumalot sa kwartong iyon.

"Kilala niyo ang isa't- isa?" binasag naman ni Cassidy ang tensyon.

"Opo tita, we were classmates before" Galther replied, poker face and still looking at Zabby.

Pero iba ang nakikita ni Zabby sa mukha ni Galther, bakit nakakakita siya ng galit at pagkamuhi da gwapong mukha nito?

"Perfect! In that way hindi na kayo magkakailngan na dalwa." hindi namalayan ni Zabby ang babaeng may kulay abong mata ang nakatayo lamang malapit sa kanya.

"Hi sister-in-law, ako nga pala si Aryah, nakakatandang kapatid ni Galther" sabi ni Aryah na bineso beso pa siya.

Biglang nag sink in kay Zabby ang sinabi nito.

"Sister-in-law? Dad! Ano po ang ibig sabihin nito?" hindi niya mapigilan na hindi mag panic.

"Calm down hiija, to make things shorter; you are marrying Galther one way or the other" ang finality sa boses nito ay nagbigay kay Zabby ng matinding kaba.

"No" she huskily replied.

"Wag kang umarte na walang alam tungkol dito" Galther whispered with anger.

 Buti na lamang at narinig iyon ng daddy niya at itinama naman agad nito ang maling hinala ni Galther. Pero nakakabigla pa rin ang lahat, I just turned down a marriage proposal from Jalton then I am marrying somone and he is Galther! Alam ni ZAbby na this time hindi na niya iyon matatanggihan lalo pa at ang ama na niya ang nagdesisyon. Magiging Yzabella Cassandra Lauchengco-Sandoval na siya.

"Uncle, I've got enough of this! Napakalaking kalokohan nito!" sigaw ni Galther na hindi ma lamang iginalang ang ama at ina ni Zabby.

"Galther, tama na yan. Bigyan mo naman ng respeto ang magiging asawa mo!" Aryah cut him off.

"Aryah hindi ito pwede! Uncle may iba pa po ba kayong option?" tanong ni Galther

A Promise of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon