This story is mine! Do not copy:))
Thank you po sa mga nagbabasa at nagsasabi ng kanilang thoughts about sa story.
I really appreciate it!
enjoy!
Chapter Twelve
"Napaka ganda naman ng aking bestfriend!" bulaslas ni Cassey.
Ngayong araw na ang pinakakahinhintay nilang araw. Ang pag iisang dibdib nila Galther at Zabby. Pilit ang mga ngiting pinapakita ni Zabby sa mga taong nag-aayos sa kanya.Pakiramdam niya ay ang araw na iyon ay kanya ng kamatayan dahil sa mga banta ni Galther sa kanya.
Nakatayo si Zabby sa malaking salamin na kita ang buo niyang ayos. Napakaganda nga niya. Tila ibang Zabby na siya, ibang iba sa noong simple at manang na si Zabby, hindi niya inaasahan na may itinatago siyang ganda. Magaling ang make-up artist na nag ayos sa kanya, hindi siya hinyaan na isuot kanyang salamin, sa halip ay pinag suot siya ng contact lens para mas lalong makita ang kanyang maamong mukha. Ngayon ay mukha siyang dyosa, ngayong araw ng kanyang kasal.
"Naku, salamat Cassey, nasaan nga ba sila mama at daddy?" tanong ni Zabby.
Matapos ang naging pagkompronta kay Zabby ng kanyang daddy tungkol sa mga pictures nila ni Jalton ay hindi na siya kinausap nito. Kakausapin lang siya nito kung tungkol iyon sa kanilang kasal o sa mga importanteng bagay. Naging malamig na ang dating may lambing at apeksyong pakikitungo sa kanya nga ama. Kahit papaano ay naiintidihan niya ang galit nito, naglihim siya dito ay nagkaroon siya ng ugnayan sa anak ng kaaway nito. Mahalaga para sa kanyang papa ang pagkakaibigan, lahat ng umaapi sa mga kaibigan nito ay hindi nito pinapatwad. Lao pa ng nalaman ni Zabby na ang ama pala ni Galther ang pinakamatalik na kaibigan ng kanyang ama.
Isa lang ang dapat gawin ni Zabby, ang tuluyan ng putulin ang lahat ng komunikasyon na mayroon siya kay Jalton, pero hindi niya hahayaan na hindi ito magiging masaya.
"Tara na sa bridal car, male late na tayo."
Wedding bells are the music are the music around the whole place. All of the decorations meticulously arranged. Ramdam na ni Zabby ang simoy ng hangin, white and ivory ang motif ng kasal nila Zabby at Galther.
Nang makalabas na si Zabby sa bridal car ay tuluyan ng kumabog ng malakas ang kanyang puso, kinakabahan na siya ng todo. Umagaw ng pansin ang taong kumausap sa kanya.
"What a beautiful bride" Gavannah said sardonically.
"Gavannah"
"Kung iniisip mong nanalo ka dahil ikaw ang papakasalan ni Galther, ay nagkakamali ka. Ala, kong alam mong ang relasyon namin ay umabot ng walong taon hanggang sa bumalik ka! Hindi ako papayag na sirain mo iyon ng tuluyan. Zabby humanda ka, dahil gagawin kong miserable ang buhay may asaw mo. Hindi ka niya mamahalin kagaya ng pagmamahal niya sa akin. Pauna pa lang iyong mga pictures, marami pa akong kayang gawin." iyon lang at umalis na ito.
Pati ba naman si Gavannah!
The wedding took place; nasa harapan na ang taong magpapalitan ng kanilang mga huwad na pangako.
"I, Galther Drake Sandoval, takes you Yzabella Cassandra Lauchengco as my lawfully wedded wife, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer until forever, until death do us apart" sabi ni Galther at inilagay ang singsing sa palasingsingan ni Zabby.
"I, Yzabella Cassandra Lauchengco, takes you Galther Drake Sandoval as my lawfully wedded husband, from this day forward I promise to love, to cherish and to shower you with love until forever, until death do us apart" sambit ni Zabby sa pinaka sinsero niyang tono.
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
RomancePaano kung ang lalaking labis mong minahal at labis na nakakit ng iyong damdamin noong kayo ay nasa higschool pa lang ang maging asawa mo sa kasalukuyan? Ngunit bakit ganun, sa tuwing tumitingin ka sa kanyang mga mata; galit at pagkasuklam ang...