Dahil may teacher's convention... WALA AKONG PASOK!
kaya... may update!
I hope you enjoy this chapter:)
Warning: Wag po kayong maiinis kay Galther! Bow
Chapter Nineteen
Hindi napansin ni Zabby na ilang linngo na pala ang lumipas at ngayon nga ay tatlong buwan na siyang buntis at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam sa pamilya niya na siya ay nagdadalang-tao. Napahawak si Zabby sa kanyang medyo nakaumbok nang puson na tila ba pinoprotektahan iyon. Kaya ko pa kaya itago ito if my hips are becoming rounder and rounder each week.
"Cassandra ok ka lang ba? Namumutla ka na naman ah, baka sabihin nila papa na pinapabayaan kita" bigla na lang nagsalita si Galther mula sa kanyang likuran, ngunit hindi mabakas ang sincerity nito sa kanya. Aloof pa rin ito sa kanya at ramdam niyang may pinipigilan itong damdamin at emosyon na matagal na nitong nais ilabas.
"Oo, ayos lang ako bakit?" tanong ni Zabby
"Sigurado ka ba?" paninigurado naman ni Galther
"Yes"
After how many times of forgotten pleasure he nevere touches her again. Alam ni Zabby na iniisip ni Galther na pag muling sumiping sa kanya ay baka tuluyan na siyang mabuntis. Not knowing that he already did. Ngayon nga ay dinadala niya sa unang anak nila ni Galther at wala pa itong alam. Hindi na talaga alam ni Zabby ang gagawin, kung tutuusin wala siayng dapat ikabahala kung sabihin man niya ito sa kanyang mga magulang ngunit alam niyang mas lalo pa siyang kamumuhian ni Galther pag nalaman nito ang totoo. Minsan nga'y nagsisisi siya kung bakit tinanggihan pa niya ang alok na kasal ni Jalton sa kanya ngunit sa kabilang banda ay alam niyang tama ang desisyon niya. Mas naging lalo itong masaya at kuntento, inspirado.
Ngunit hindi niya pagsisihan ang pasya niyang magpakasal sa lalaking pinakatatangi at pakaiibigin. Wala din siyang anumang pinagsisihan na ibinigay niya ang buong sarili dito na walang anumang pagtanggi.
"Zabby, natutuwa naman akong dinalaw mo akong dito. Kumusta na nga pala ang pagbubuntis mo? Sa katunayan nga ay tatawag na dapat ako sa iyo para ipaalala na din ang monthly check-up mo" natutuwang sabi ni Alexia.
"Ayos naman ang lahat pwera lang na wala pa akong sinasabihan about sa baby" sabi ni Zabby na mababakas ang lungkot sa mga mata.
"Malungkot nga iyon, Zabby. Naranasan ko na rin iyan noon, pero I still suggest na sabihin mo iyon kahit sa mommy mo lang. As time goes by everyone will notice the changes of your body, katulad ngayon you are becoming rounder and ripen. Pasalamat ka nalang nga at hindi masyadong halatang buntis ka, mukha ka lang malakas kumain" sinabayang tawa ni Alexia.
"Napapansin ko ding namumutla ka at haggard din. hindi mo ba iniinum ung mga vitamins na inereseta ko sa iyo?" parang nagtatampong dagdag ni Alexia.
"Iniinum ko naman kaya lang stressed lang talaga ako"
"Zabby, please iwasan mong ma stress dahil makakasama iyon sa baby mo" Alexia said commanding her to lie to the bed then do some check-ups.
"Zabby" Alexia whispered with full of worries on her beautiful face.
"Ano iyon?" kinakabahan namang tanong ni Zabby.
"I will be honest with you Zabby, your pregnancy is not in good shape as of the moment. You see, normal naman na maliit pa ang tyan mo kahit three months na iyan, ang problema ay iyang stress na nararamdaman mo is dramatically affecting your baby" sagot ni Alexia.
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
RomancePaano kung ang lalaking labis mong minahal at labis na nakakit ng iyong damdamin noong kayo ay nasa higschool pa lang ang maging asawa mo sa kasalukuyan? Ngunit bakit ganun, sa tuwing tumitingin ka sa kanyang mga mata; galit at pagkasuklam ang...