Eto na po ang Chapter 8
Thank you nga po pala sa nag comment last chapter
Pasensiya kung minsan medyo delay ang Update, wala po kaso ako sa pinas eh.
Chapter Eight
"Galther!" sigaw ni Gavannah
"Gavannah, wag ngayon ok? Iyong sinasabi mong dinner date natin ay hindi mahalaga kaysa sa kompanya ng aming pamilya na malapit ng bumagsak. Ang mga Aquino, nais nilang isabotahe ang mga prospect clients namin." naiiritang sambit ni Galther.
"So ano ngayon? i- cacancel mo na naman ang date natin!"
"Wag ngayon Gavannah, I will make it up to you next time, ok?" kompromiso ni Galther kay Gavannah.
"Nag-aaway na naman ba kayo?" Aryah Sandoval, Galther's only and elder sister said. Her simple yet commanding tone make the two shut their mouth.
"Aryah, yung kapatid mo kasi eh. I cacancel na naman yung date namin for the 12th time! Hindi na niya ako binigyan time simula ng ma- jeopardize ang company niya!" parang batang pagmamatakol ni Gavannah sa harap ng magkapatid
"Gavannah, please understand my little brother naman. Ang kompanya ay talagang nasa hindi magandang kalagayan sa ngayon. Pero buti na lamang at nandyan ang Lauchengco Construction Firm at handang tumulong."
Aryah Sandoval is a 29 years old independent and a sophisticated woman. kinalimutan niya ang lahat, even getting married and having her own family. Para sa kanya si Galther at and mga naiwang negosyo at mha ari-arian lang ng kanilang mga magulang ang mahalaga at ang importante.
"Sabi ko naman sa iyo diba Gavannah, may malaking problemang kinakaharap ang kompanya kaya wag ka nang dumagdag pa." naiiritang sabi ni Galther.
"Ok, issue closed. Galther tara na, pupuntahan pa natin si Uncle Garner at pag-uusapan na natin ang tungkol sa pagtulong niya sa kompanya. Napakabait talaga niya noh, alam mo bang nais niya tayong maging part ng family niya in some way. he adoringly likes you; sabi nga niya, you are the son he never had." bumakas ang saya sa mukha ni Aryah habang isinukbit ang braso sa matigas na bisig ng kapatid.
"I like him too. He is very much of dad diba?" nakangiti nang sabi ni Galther.
"Philippines" bulong ni Zabby sa kanyang sarili habang inaayos ang kanyang salamin.
Nakabalik na siya ng Pilipinas, sa wakas. Masarap sa pakiramdam ang init na dala ng panahon sa bansang sinilangan. Na miss niya ng sobra ang kanyang mga magulang.
"Zabby, nandito na ata ang Company car niyo" sabi ni Cassey na kanya lamang katabi.
"Oo, iya na nga iyon" pilit na ngiti niyang tugon.
Habang siya ay naglalakad, she felt isolated. Ang bawat tao sa paligid ay tila moderno na kung manamit at mag-ayos. Pero sa tuwing tinitignan niya ang sarili ay tila nangliliit siya, wala siyang sinabi sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ano nga ba ang mapapala niya kung ang lagi niyang suot ay isang makapal na salamin ang tila pang madre niyang mga bestida. Ang buhok na tila prenteng naka ayos at ang kanyang salamin.
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
RomancePaano kung ang lalaking labis mong minahal at labis na nakakit ng iyong damdamin noong kayo ay nasa higschool pa lang ang maging asawa mo sa kasalukuyan? Ngunit bakit ganun, sa tuwing tumitingin ka sa kanyang mga mata; galit at pagkasuklam ang...