Sorry po for the late update
Hindi naman po busy sa school, pero pagod lang ako na hindi na ako makapag type:))
so I hope you enjoy this chapter
Restricted!
Chapter Sixteen
"Nagagawa mo ng maayos ang mga trabaho mo dito Zabby. Natutuwa ako para saiyo" papuri sa kanya ni Ms. Jane.
"Salamat po sa inyo" sagot naman ni Zabby
"Not a problem, kamusta naman ang buhay may-asawa?" tanong nito.
"Mabuti naman po" pagsisinungaling ni Zabby na nahalata naman ng matanda.
"Talaga?" may hinila sa tono nito.
"Yeah"
Ibinalik na lamang ni Zabby ang atensyon sa harap ng kanyang computer screen at kunwa'y abala sa pagtitipa sa keyboard nito.
"Seryosong seryoso ang drama natin ah"
"Cassey! I miss you sooo much!" Zabby said
"Na miss din kita bestie!"
"Tara!"
"Teka, saan naman?" tanong ni Zabby
"Sa salon, alam mo dapat matagal ko na itong ginawa sa iyo eh. You need a total transformation para lalong maakit sa iyo ang asawa mo!" panunukso ni Cassey ngunit seryoso ito.
"Hindi ko na kailangan nun noh."
"Of course you do, kaya tara na!" hindi na muli pang nakapalag si Cassey tapos na din naman kasi ang trabaho niya. Ang totoo ay nagbabakasakalin siyang sunduin ng kanyang asawa.
Pumunta sila sa isang sikat na salon sa loob ng isang mall. Ginawa nila ang lahat para magmukhang sopistikada at kaakit akit si Zabby sa mga mata ng sinumang makakasalubong niya. Kung noong prom nila ay maganda siya ng isang gabi lang, iba na ngayon dahil permanente na ang ayos niya. Hindi na siya mahihiyang ipakita sa kanyang asawa na kaya niyang makipag sabayan sa mga babaeng nakikilala nito araw-araw.
"Ang ganda ganda mo!" sabi ng beautician na nag-ayos sa kanya.
Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nagulat si Zabby sa kanyang nakita. Totoong napakaganda na niya. Ano kaya ang masasabi ni Galther sa transformation niya?
Nang nasa daan na sila pag-uwi ay biglang binuksan ni Cassey ang isang seryosong topic.
"Alam kong may problema ka Zabby, care to tell me?"
"Oo, hindi kami normal na mag-asawa Cassey, pwera na lang sa kama" ikinagulat na iyon ni Cassey at bakas do kay Zabby ang lunkot habang sinambit iyon.
"Mahal na mahal mo pa rin siya no?" tanong ni Cassey sa pinakamatalik na kaibigan.
"I do and forever will, Cassey I am crazily inlove with my husband and I cannot help it!" tuluyan ng naiyak si Zabby at agad naman siyang inalo ng kanyang kaibigan.
"Hindi ko sinsadyang paiyakin ka Zabby"
"I know"
Ilang minuto pa at nasa harap na sila ng bahay nila ni Gather.
"Sino ka?!" hindi talaga siya nakilala ni Galther dahil sa kanyang ayos.
Hinawi niya ang buhok upang lalo siyang makilala ni Galther at hindi siya nabigo.
"Cassandra!?" hindi makapaniwalang sabi ni Galther ng makita ang asawa.
"Dinala ako ni Cassey sa salon kaya eto, napagtripan niya kasi ako eh" she said anxiously mabilis siyang lumakad palayo sa kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
RomancePaano kung ang lalaking labis mong minahal at labis na nakakit ng iyong damdamin noong kayo ay nasa higschool pa lang ang maging asawa mo sa kasalukuyan? Ngunit bakit ganun, sa tuwing tumitingin ka sa kanyang mga mata; galit at pagkasuklam ang...