SEIK'S POV
First Day of School
"Good morning gwapong Seik" nakangiting bati ko sa sarili habang naka tingin sa salamin.
Maaga pa akong nagising ngayon dahil umalis si Zia kagabi, pupuntahan nya daw ang kaibigan nya dahil na admit sya sa malapit na hospital.
Tumungo ako sa banyo ko at agad namang bumungad sakin ang sulat na nakalagay sa maliit na paper at nakatapik sa salamin ng banyo.
Goodmorning Seik, your uniform is ready, nilagay ko na yun sa cabinet mo habang tulog ka kagabi, I forgot to give kasi, hihi . Btw, goodluck sa First Day of school mo. Mag pakabait ka, Love you.
~Sis Zia
Napangiti ako sa sinulat ni Zia. Kahit kelan talaga ay hindi nya ako pina bayaan.
Naligo ako, pagkatapos nang kinse minutos ay nakalabas din ako ng banyo. Lumabas ako nang naka-topless at naka balot ng tuwalya ang ilalim na parte ng katawan ko.
Pinatuyo ko ang buhok ko saka kinuha ang uniform ko sa cabinet.
Nakabalot sya ng itim na suit cover kaya alam kong bagong bili yun.
Agad akong nag palit ng uniform saka humarap sa salamin, inayos ko ang buhok ko saka nag lagay ng perfum.
Sinuot ko ang school shoes ko saka humarap ulit sa salamin.
Napangiti ako nang makitang mas bumagay sakin ang uniform ngayon kesa nung nakaraang taon.
Tss.. Kahit anong view, gwapo parin.
Bumaba na ako saka tumungo sa dining area, nag breakfast lang ako saka pumunta sa parking hall bitbit ang bag ko.
Maswabe kong minaneho ang sasakyan ko palabas ng bahay.
Nang malapit na ako sa Campus ay naagaw ng babaeng nag lalakad ang atensyon ko, iba kasi ang uniform nya.
Stanford High lang ang pinakamalaki at pinaka sikat na paaralan dito sa Mandaluyong kaya nasanay akong iisa lang ang nakikita kong style ng uniform, ang Uniform ng Stanford.
Naka jacket sya pero nakaway-way ang buhok, nakalagay sa dalawang bulsa ng jacket nya ang kanyang kamay pero diretso lang sya sa pag lalakad.
Binagalan ko ang pag mamaneho ko para maabutan ko yung babae.
Berry!???
Pinaharurot ko ang sasakyan ko dahilan para matalsikan siya ng putik.
Nananadya ba sya!? Sa dami-dami ng pwedeng madaanan bakit sa dinadaanan ko pa!?
Hindi ko alam kung bakit pero kumukulo yung dugo ko pag nakikita ko sya, naiinis ako sa ginawa nya kahapon!
SID DWENICE.
KASALUKUYAN kaming nag hihintay dito sa parking lot ng Stanford High ngayon.
Hinihintay namin si Stanford na dumating, napag usapan kasi naming sabay kami pumasok sa loob.
"Grabe tol, kakaiba talaga yung ate ni Elise. Ang ganda nang katawan tol, pakshet!" Nang gigigil na sabi ni Jinx.
"Type mo?" Tanong ni Skipper sakanya.
YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
RandomSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...