SEIK.
Matapos ang nangyari kanina ay hindi pa kami nag papansinan ni Ezi. Wala kaming professor ngayon kaya mas lalong naging awkward.
Sa harapan umupo si Ezi habang kami naman ni Jinx ay dito umupo sa likuran.
"Boss, parang wala yata sa sarili yang bestfriend" pagtukoy ni Jinx kay Ezi.
Yeah, Hindi halata pero he's my bestfriend for almost 11 years kaya alam kong may mali sa kanya.
"What the hell is his problem? Parang ibang Ezi yung nakakausap natin" sabi ko saka lumingon sa gawi ni Ezi.
Nakaupo lang sya at tulalang naka tingin sa bintana habang naka salpak ang headset sa mag kabilang tenga.
"Kausapin mo na kaya" suhestiyon ni Jinx kaya kunot noo naman akong tumingin sakanya.
"Labin-isang taon ko syang naging matalik na kaibigan Jinx, alam kong kailangan nya nang katahimikan para makapag isip kaya hindi ako lumalapit sakanya, pero nag aabala parin naman ako" sabi ko saka tumingin ulit kay Ezi.
Ano bang meron Ezi?
Ilang oras din kaming hindi nag pansinan hanggang sa si Ezi na mismo ang lumapit.
"Bro, pumunta tayo sa cafeteria" sabi nya kaya agad naman akong tumayo.
Naiwan si Jinx sa classroom kasama ang mga babaeng kong classmate habang kami naman ni Jinx ay nag lalakad papuntang cafeteria.
"Bro, whats the matter with you?" nag aalinlangan pang tanong ko.
"Wala, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko kanina" matamlay nyang sagot saka nag buntong hininga.
"Ahh, akala ko napaano kana eh" sagot ko.
Hindi na kami nag pansinan hanggang sa naka rating kami sa Cafeteria.
"Anong gusto mo? Treat ko" tanong nya saka kumindat sakin.
Binabading yata tong kaibigan ko eh.
"Bobo, wag na! Mapag kamalan tayong mag shota eh" natatawang sabi ko kaya tatawa-tawa nya naman akong sinuntok sa balikat kaya hinabol ko sya sa loob ng cafeteria.
"Mr. Maxwell Stanford and Mr. Ezikel Venencia, you are inside the school cafeteria so please behave" suway samin ng nag mamanage ng cafeteria kaya umayos kami ng tayo.
"Gago ka" bulong ko kay Ezi at tumawa naman sya.
Umorder na kami ng makakain, at tulad ng sinabi ni Ezi ay nilebre nya ako kahit may pera naman ako.
Tatawa-tawa kaming bumalik ni Ezi sa classroom hanggang sa mag seryoso na sya.
"Bro, namiss ko yun" sabi nya habang naka tingin sa pagkain nya.
Nagulat ako sa sinabi nya dahil kahit kelan ay hindi nag sasabi ng mga ganong salita si Ezi.
"Yeah, ako rin. Sana ganon nalang lagi" sabi ko.
"HEP! HEP! BROMANCE MGA TOL!? BAT KAYO LANG? HA!? INIWAN NYO NANAMAN AKO? PASALAMAT KAYO AT SANAY NA AKONG MAIWAN!" Panunukso ni Jinx nung maka pasok na kami ni Ezi sa classroom kaya nah tilian din ang mga kaklase namin.
"Stupid" nasabi ko nalang saka umupo sa upuan ko.
Bumalik na rin si Ezi sa kinauupuan nya at mabilis naman akong sinundan ni Jinx sa pag kakaupo.
"Boss, ano daw sabe? Ha? Galit ba sayo? Ano? Aalis na daw ba sya sa grupo?" sunod-sunod na tanong ni Jinx dahilan para uminit ang ulo ko.
"Could you please shut the fuck up?" tanong ko kaya hindi na sya muling nag tanong.
YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
AcakSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...