CHAPTER 18

316 9 2
                                    

Kate.

Linggo, ngayon. As usual, 'higa-kain-ligo-facebook-kain-hig-higa-higa' lang ang ginawa ko.

Since umuwi si Sky sa Laguna, ipinatawag kasi siya nina tita kaya wala na rin akong choice kundi paalisin siya.

Alas tres na nang hapon, masyado na akong na bored sa loob ng apartment kaya napag isipan kong lumabas at mamasyal.

"Manong?" Tawag ko sa lalaking nasa tapat ng bahay at nag lilinis ng maka labas na ako, napatingin siya saakin. "Nasan po ba yung pinakamalapit na mall dito?"

Hindi siya nakasagot agad. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko mula ulo hanggang paa.

Im wearing  a black leggings and pink sleeveless top wear at may gray na jacket.

"Naku malayo pa iyon hija." Sabi ni manong na nakatingin parin sa suot ko. "Bago ka ba dito?"

"Opo" nginitian ko siya.

"Kay gandang bata" nakangiti rin niyang sagot.

Hindi na kami nag usap ni manong, naisip kong baka nakakadistorbo na ako sa paglilinis niya kaya nag libot-libot muna ako sa subdivision kung saan ako nag aapartment.

Sa sobrang pag lalakad ay nakatating ako medyo madamong parte ng subdivision.

May nakita akong malaking fountain ngunit hindi gumagana. May tirang tubig sa loob at kitang-kita ang mga baryang naroon.

Umupo ako sa gilid at binasa ang nakaukit sa gitna ng fountain.

"Wishing fountain?" Biglang nasabi ko. "How creative.."

Kumuha ako ng isang barya sa aking bulsa. Kagaya ng wishing well, nag wish muna ako habang hawak-hawak ang piso sa kamay ko.

'Kung sino man ang naka tadhana para sakin, sana siya na'

Naramdaman ko ang iilang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata.

How can I close my heart for others dahil lang sakaniya?

Itinapon ko ang piso sa fountain. Pagkatapos kong itapon iyon. Isa lang ang nasisigurado ko.

Mahal ko parin siya. Ang lalaking matagal ko ng minahal. Ang lalaking sinasandalan ko noon. Ang lalakong pinagkatiwalaan ko sa lahat ng bagay. Ang lalaking sumira sa puso ko. Ang lalaking iniwan ako.

Pinahid ko ang mga luhang nagsisimula nanamang mangiligid.

Napa buntong hininga nalang ako.

Kailan ko ba siya maaalis sa sistema ko?

Napaupo ako sa gilid ng wishing fountain, napatulala ako soon sa sobrang kaiisip kung pano ako naging tanga. Kung pano ako umasang magiging akin siya.

Ilang sandali pa ay nag si datingan na ang mga bata. Yung iba ay dumiretso sa wishing fountain, at yung iba naman ay dumiretso sa kung saang parte ng damuhan.

Marami din palang pumupunta dito?

Lumabas ako ng damuhang iyon saka nag ikot-ikot pa. Pumasok ako sa park ng subdivision, agad kong namataan ang Japanese shih tzu na nakaupo sa gitna ng park.

Agad akong tumakbo papunta sa asong iyon, "Aw...so cute. Wala bang nag babantay saiyo?"

Dinilaan ng cute na aso ang kamay ko matapos kong haplusin ang balahibo nito. Wala bang nagmamay ari nito?

Nag puppy eyes siya sakin at agad naman akong napangisi, "Aw...If only I could take you home, cutie puppy"

"You can't take her home"

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now