Just Like Summer

167 11 13
                                    



Just Like Summer
Ni aningness

U N E D I T E D

MAHANGIN ang makulimlim na hapon pero may mas malakas na hangin ang dumadating.
Mapapakapit ka para hindi liparin.
Masyadong presko at masarap sapakin.

"Luhence!"

Buong pusong napairap si Alyssa. Magugulo ang cheerdance practice nila para sa nalalapit na SCUAA. Nakasimangot niyang pinagmasdan ang pagdagsa ng mga kagrupo niya sa bagong dating. Tatatlo lang silang nakaupo sa bench dahil ang iba ay nagsilapitan na roon. Mukhang maha-highblood nanaman siya. Linggo at akala niya buwiset-free pero ano 'to?

"Uy, Summer!" gulat na sabi ni Luhence na mas lalo niyang ikinasimangot. Kunwari pa ang lalaking ito. Nagulat daw siya gayong malayo pa nga lang ay sa kanya na ito nakatingin. Buti na lamang talaga at halos dakmain na ito ng mga babae kaya hindi na nakalapit sa kanya.

"Ay, 'teh, magkakilala kayo ni pogi?"

"Sinong pogi? May pogi bang dumating?"

Napangiwi si Alyssa nang hampasin sa braso ng baklang choreographer nila. "Gaga! Bongga ka 'teh, ah. Na-notice ka ni fafa Luhence," kinikilig-kilig pa ito.

"Tse. Dun ka nga, Kira. Ang init-init makikisiksik ka pa."

Tumalima naman ang kausap at nakisali na rin sa tumpok ng mga babae at beking nakapaligid kay Luhence. Siyang-siya naman ang binata dahil syempre, ang mga tulad niyang GGSS ay ine-enjoy ang atensyon. Iba sa mga babaeng nagkakandarapa sa sa lalaki, si Alyssa ay ayaw makita ni anino niya. Sa tuwing nasisilayan niya kasi ito ay kinikilabutan siya.

"Summer, Summer, Summer. Simula ngayon, Summer na ang tawag ko sa 'yo..."

Puwedeng-puwede naman niya balewalain ang pagiging KSP ni Luhence pero kasi kapag naririnig niya ng tinatawag siya nitong Summer, ay gusto niya itong sapakin. Paanong hindi? Minsan siyang kinantahan ng binata ng, Hot summer, a hot hot summer~ Parang sinasabi nito na hot siya! Hindi iyon nakakatuwa at mas lalong hindi nakakakilig! Napakamanyak!

"Okay, guys! Adjourn na tayo. Text ko na lang ulit kayo para sa susunod na practice. Go, uwi na," pag-announce ni Kira. Napailing siya. Maglalandi lamang ito.

Chineck niya ang kanyang wristwatch, 15:37. Madali niyang sinukbit sa balikat ang sling bag. Uuwi na siya para makapagpahinga. May klase nanaman bukas at kailangan niyang mag-aral mamaya. Nagsimula na siyang maglakad sa malawak na open field nang may humablot sa braso niya.

"Leche naman 'to! Ano nanaman ba?!" sikmat niya kay Luhence.

"O, inaano ka? Maka-nanaman ka dyan e dalawang linggo nga tayong 'di nagkita."

"Sana in-extend mo na until forever ang hindi mo pagpapakita 'di ba? Naku, mamahalin kita kapag ginawa mo iyon."

Napangisi ito. " Sus. Na-miss mo lang ako, mamahalin agad? Masyado kang nagmamadali. Ligawan mo muna ako." Nilapit siya nito sa kanyang dibdib at inakbayan.

Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. "Argh! Luhence! Kilabutan ka nga. Kadiri! Ewww!" aniya saka tinanggal ang pagkakaakbay nito. Halos takbuhin niya ang distansiya papunta sa gate. Narinig pa niya ang malakas na halakhak ng lalaki. Tukmol talaga!

"GOOD JOB, Alyssa!" Napangiti siya sa pagpuri ni Kira. May practice nanaman sila. Two weeks from now ay SCUAA na. Gaganapin sa PUP ang opening at doon sila magpe-perform. She's always been dedicated to dancing pero iba kasi ngayon. Wala namang bagong nangyari sa araw niya pero sobrang gaan ng loob niya.

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon