Silent Vow

37 7 4
                                    

  Author's note: Entry ko sana ito sa Pen Wars Short Story Writing Contest 2016 ng Team Syka pero hindi ko napasa. Nagwawalang huhuhu talaga. π_π Ni-post ko pa rin para happy lang ang pagkatao ko.(^▽^)

SILENT VOW

Shiver. You always made me shiver then. Kapag naiisip, kausap at kasama kita ay nakakapanindig-balahibo. Nakakamanhid ang pinatunguhan pagmamahal ko sa iyo. Literal.

Nagsimula ang lahat sa isang linggong pagbabakasyon ko sa Laguna— sa bahay ng aking lola. Sa tuwing dadaan ako sa tindahan kung saan lagi kang nakatambay ay nagkakatinginan tayo. O tamang sabihin na nahuhuli kitang nakatingin na sa akin. Naaalala mo pa ba? At kapag nakalampas na ako ay maririnig ko ang panunukso sa iyo ng mga kaibigan mo.

Isang gabi nang nagpa-load ako at pabalik na sa bahay ay may humila sa akin! Ikaw pala!

"Shhh." Hinawakan mo ako sa braso. "Ako si Jepoy. Ikaw, anong pangalan mo?"

Kumaripas ako ng takbo sa bahay ni lola. Medyo natakot ako. Binulabog mo ang aking pagkatao. Sabi ko, siguro ay may pagtingin ka sa akin. Sa tingin ko ay hindi ako nagkamali.

Lumaki ako na bilang lamang sa mga daliri ang kakilala. Wala nga akong kaibigan na maituturing. Kaya talagang niyakap ko ang kahulugan ng nawindang nang hinarang mo ako para hingiin ang cellphone number. Tinitignan kita kapag may pagkakataon dahil sa loob ko, malinaw na gusto kitang makita. Ngunit sino ka ba? Hindi tayo magkakilala pero pinasok mo ang tahimik kong mundo.

Tanga ba ako? Marahil ay pinagtatawanan mo ako dahil binigay ko ang aking cellphone number. Mayroon sa aking sistema na gusto ang ginawa mo at natuwa ako sa malaki mong ngiti dahil nagtagumpay ka. Hinayaan kong mangyari kahit pa alam kong kagagalitan ako ni Mama at Papa kapag nalaman iyon.

Nag-iisang anak ako ng parehong abogado. Lumaki akong sarado ang mundo sa ibang tao dahil ganoon ang pagpapalaki ng aking mga magulang. Panay paalala at pangaral ang sinasabi nila sa akin at kapag sumuway ako ay kagagalitan. Walang puwang ang pagkakamali— iyon ang pinamukha sa akin. Ang dapat kong gawin ay makinig at sumunod. Nananahimik ako sa takot na magkamali. Literal.

Naging mag-textmate tayo. Hanggang sa pagbalik ko sa Maynila ay tuloy iyon at tumatawag ka pa nga. Inamin mo pang gusto mo ako. Bakit ang bilis? Totoo ba? Sabi mo pa ay liligawan mo ako. Hindi ako pumayag, hindi rin tumanggi at hindi ka naman nagpapigil.

Sa tuwing naiisip kita ay napapangiti ako. May kung anong nakakakiliti sa aking tiyan sa bawat text mo. Mas matanda ka sa akin ng dalawang taon at hindi sumagi sa aking isip na baka ako ay iyong niloloko. Sa mga text at tawag mo kasi ay natutunan kitang pagkatiwalaan. Isa kang totoong tao. I kept you. Kasehoda pang pagalitan ako ng aking mga magulang sa oras na malaman nila.

Natutunan kitang mahalin. Napakababaw ba? Ikaw kasi. Ikaw ang may kasalanan. Pinanginig mo ang sistema ko sa iyong mga salita.

Pumatak ang Hunyo at 2nd year college na ako. Sa kaaaatupag ko sa iyo ay napabayaan ko ang aking pag-aaral. Ayoko na mag-aral. Ikaw na lang ang aking gusto dahil sa pinapasaya mo ako.

Naaalala mo ba noong minsang tumawag ako sa iyo nang umiiyak? Tinatanong mo ako kung bakit pero hindi ko sinabi. Ang totoo niyan, nasagot ko ang aking Mama. Pinagalitan niya ako dahil hindi man bagsak ay mababa ang mga grado ko. Narinig ko nanaman ang mga pangaral niya— tungkol sa aking kinabukasan, sa sinasayang kong sakripisyo nila at sa kahihiyang idudulot ko sa kanilang pangalan. Alam ko naman. Tama siya pero sa pagkakataong iyon ay maling-mali sa akin. Masakit at hindi ko na kayang manahimik tulad ng dati.

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon