Puso Ni Esang

45 8 5
                                    

Puso Ni Esang

Kada uwian galing sa eskwela ay dumadaan ako sa ilog bago dumiretso ng bahay. Simula nung araw na nakilala ko ang dalagang sobrang putla at pagod na pagod ang mukha... si Esang.

Maganda si Esang kahit ganoon siya. Kung siguro'y naiba ang sitwasyon, lalabas ang tunay niyang ganda. Hindi naman siya madungis ngunit ang damit niya ay may bakas ng putik. Panay niyang suot ang isang kukupasing bestida.

Ang hindi ko malimutan ay ang malamlam at walang buhay niyang mga mata. Ramdam ko ang kanyang lungkot. Iyon yata ang dahilan kung bakit ko siya binabalikan. Gusto kong pagaanin ang kanyang loob. Pawiin ang lungkot niyang nadarama ko. Kung anuman iyon, handa ko siyang tulungan ng walang pag-aalinlangan.

"Sigurado ka ba sa binibitawan mong salita, Marwin?"

Pasado alas-kwatro na ng hapon at nasa damuhan kami sa paligid ng ilog.

"Oo, Esang."

Ewan ko pero parang may kung anong di makitang pwersa ang tumama sa akin.

Pagkatapos kong mangako kay Esang ay umuwi na rin ako.

Alas-diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ako nilulubayan ng naramdaman kong kakaiba matapos kong mangako kay Esang. Tama kayang tulungan ko siya? Kahit pa... pinagkakamalan ko siyang multo?

"Posible bang makausap ang mga patay?" usal ko sa kawalan.

Hindi ako natatakot kung totoo man. Si Esang, walang katakot-takot sa kanya. Kung namatay na siya, ang matahimik ang kanyang kaluluwa ang maitutulong ko. Para makatawid na siya... Mawala na dito sa mundo na hindi siya bagay.

Lumipas ang ilang araw. Ganoon pa rin ang buhay ko. Papasok sa eskwela, pagmamasdan si Esang na walang muwang na nakaupo sa damuhan at uuwi ng bahay.

"Ang ganda talaga ni Rosel," wika ng kabarkada kong si Nico.

Pinagmasdan ko ang dalagang nakaupo sa kabilang bench at nakikipagtawanan sa ibang babae. Maganda nga siya. Blooming. Kung buhay pa kaya si Esang, gaano kaya siya kaganda?

Pagkatapos ng huling klase, tinahak ko ang daan papunta sa ilog.

"Pa'no kita matutulungan?"

Ganoon pa rin ang mga mata niya. Malamlam. Malalalim. Hindi mabasa.

"Maniwala," madiin niyang wika. "Gusto kong maniwala ka sa lahat ng makikita mo. Gusto ko, hindi mo ako pagdudahan. Magagawa mo ba 'yon?"

Tumango ako.

Napansin ko na lang na sobrang lapit niya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at sa isang iglap ay naramdaman ko ang malamig niyang labi sa labi ko. Naipikit ko ang aking mata at tulad ng isang pelikula, nakita ko ang dahilan kung bakit ito ang hitsura ng Esang na nakilala ko.

Nakita ko si Esang sa isang kwarto kasiping ang isang binata na kaedad niya, kaedad namin.

"Mahal kita, Roy," bulong ni Esang.

"Mahal na mahal din kita, Chrinesa," tugon ng lalaki.

Biglang nag-iba ang sitwasyon. Sa harap ng salamin ay masayang tinititigan ni Esang ang kanyang sarili suot ang isang damit na pang-sagala. Sa paligid ay ang pamilya niyang masaya ring nakatingin sa kanya.

Sunod na eksena ay isang umagang namumutla si Esang sa kanyang higaan at hinahaplos-haplos ang tiyan.

Kinabahan ako nang si Esang ay naglalakad sa talahiban ng mag-isa. Nakaramdam ako ng ibayong kaba. Napansin ko kung gaano siya kaganda. Makinis, perpekto ang linya ng kilay, mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Iyong labi niya, napakapula. Taliwas sa labi ng Esang ngayon.

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon