Sinulat ko nung December 14, 2015. Posted and first seen on my facebook account. Maaga kasi ako pumasok nun at tanghali pa ang klase ko. Ayan. Na-inspire sa nakasabay ko sa jeep. Hahaha.
Dahil Gwapo
A Medyo Maharot One Shot Story
May nakasabay ka na bang guwapo sa jeep? Ako kasi marami na. Hindi naman ako baguhan sa guwapo hunting. Maraming guwapo sa school pero iba kasi kapag sa jeep mo nakita. It's somewhat cute. Sa pagkakataong ito, ang nakasabay kong guwapo ay iba. Siya iyong sobra. Nakaupo lang naman siya roon sa dulo at nakayukyok sa cellphone pero nakakabighani na. He's tall, I can see it. Hindi rin siya maputi, sakto lang. Iyong Moreno kaya hindi nakakasawa. Nag-aangat lang siya ng tingin kapg humihinto ang jeep dahil may bagong sasakay. Pasimple ko siyang tinitignan. Square perfect jaw, pointed nose and natural pink thin lips. He's gorgeous. Nalaman kong taga U-belt siya dahil sa kanyang uniform sa sakto ang pagkahapit sa katawan niya. He's wearing a sunglasses that makes him more attractive. Medyo parang tanga nga lang kasi ano bang pinaglalaban niya? Ang kulimlim kaya ng umaga. Maaraw ba sa pagkatao niya?
Medyo maluwag ang jeep. Gusto ko na maraming sumakay para mapaurong ako sa tabi niya pero hindi rin para makita ko siya ng ganito. Kunwari nakatingin sa labas at sa driver pero sa kanya talaga ako nakatuon. Nag-angat siya ng tingin at lumingon sa direksyon ko. I kept my poker face expression. Keber lang pero sa loob-loob ko... Shocks! Ang guwapo talaga! OhmyGod! Umulan ng silverdust at nasusuka ako ng rainbow! Sandali lang iyon pero sapat na para pabilisin ang pintig ng puso ko.
Umayos na ako ng upo at pormal-pormalan. Napansin ko kasi na tumigil na siya sa pagse-cellphone. Nandyan yung pagtingin-tingin niya sa iba pang pasahero. Ewan ko pero kinakabahan talaga ako na excited. Maharot kong pagkatao bakit ganito?
"Bayad."
Inabot ko iyong bayad ng isang pasahero. And of course, dahil nakikiharot ang tadhana, iaabot ko iyon kay Kuyang guwapo at siya na ang mag-aabot sa driver. Pagbaling ko sa kanya ay nakaabot na ang kamay niya. Nakatitig ako sa kanya habang nilalagay sa palad niya ang barya. Grabe, nakakahumaling talaga. Lumingon pa siyang muli sa akin. Naweirduhan siguro dahil mukha akong natanga. Alam n'yo yung hindi ka makatingin sa isang tao? Ito 'yon, eh! Kaya hindi na muli akong tumingin sa kanya. Pinaglaruan ko na lamang ang tag sa bag ko.
Live in the moment akong nakahawak sa bakal na hawakan sa taas ng jeep. Napaisip ako. Bakit ba ang hilig ko sa guwapo? Teenage raging hormones? Hereditary? O dahil natural iyon bilang born fangirl ako? Pero sigurado akong hindi lang ako ang ganito. Lahat naman siguro, or mostly ng mga babae ay mahilig sa guwapo. Siguro dahil sa attraction, sa hatak ng charm at sa sex appeal. Maybe that was it. Nothing personal and deep kasi nung bumaba ako ng jeep, discard na ang kinahumalingan kong kaguwapuhan niya.
Na-realize ko, hindi mo kabibighanian ang isang lalake dahil lang sa guwapo siya. Iyong malalim na pagkagusto ba? Mahuhumaling ka lang sa isang lalake dahil sa mga salita, kilos, at sa mga iniisip niya. That's how it works. Wala sa pambatang crush ang pag-ibig. Iyong guwapo kanina, hindi ko nga nakita ang mga mata niya. Importante iyon when you fall in love. You must see the soul rather than his outside appearance. I am Lorie Ann Sacabon and I won't settle for something like that guy. Hindi sapat ang dahil guwapo to make every girl take their fall. Kaya sa mga crush ko dyan, 'wag feeling guwapo!
=THE END=
COPYRIGHT ©2016 by aningness
No shiz. First year college pa 'ko nito omg. Errr.