Love In The Bookstore

44 8 5
                                    

Love In The Bookstore

Inlove ako sa boyfriend ko. Mahal ko si Harry pero kapag mga libro at fictional characters na ang pinag-uusapan, nawawala ko siya.

All smile kong kinukuha ang mga fiction novels from Wattpad. Napahinto ako sa isang shelf at in-scan ang mga libro at binasa ang synopsis. I was engrossed in reading.

"Matagal ka pa ba?"

"Harry, nandito ka pala!"

Kumunot ang noo niya. I put my thumb in his eyebrows and calm it. Seriously, nakalimutan kong kasama ko siya. Ito kasi ang unang beses na sinama ko siya sa pamimili ng libro dito sa National Bookstore.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo 'wag ka na sumama e."

"So ito pala talaga ang pinagkakaabalahan mo? Dito mo nabibili 'yung mga lalaking mahal mo?"

Napatawa ako dahil pinagdiinan pa niya ang mga lalaki. Pinagseselosan niya kasi ang mga iyon.

Nagseselos ang boyfriend ko sa fictional characters.

"Oo," I said dreamily. "Halika, ipapakita ko sa 'yo ang mga gawa ng writers na gusto ko."

Salita ako ng salita. Sa bawat librong nadadampot ko ay may trivia akong sinasabi. Ganito kasi ang gusto ni Harry. Sabi niya, ipakilala ko sa kanya ang kinababaliwan ko. Ito iyon.

Nakikinig siya pero obvious naman na walang interes. Hindi naman kasi siya mahilig magbasa. Ayaw nga niya ng Wattpad, baduy daw. Sa tuwing magkasama kami at nagkaka-moment of silence, nagbabasa ako ng Wattpad story sa phone at siya ay naglalaro ng COC o anumang laro na wala akong interes.

I'm a reader and he's a gamer. I'm a dreamer and he's a player— not the player who breaks heart. Opposite din ang ugali namin pero nagkakasundo kami. Ang issue na ito lang ang iba.

"Ito 'yung sinasabi kong paborito ko! Grabe." Impit akong napatili habang yakap ang libro. "One day you'll beg for my kiss!" I qouted.

"Meron ka na niyan 'di ba?"

"Oo. Sabi ko nga basahin mo e. Ipapahiram ko sa'yo tapos basahin mo para maka-relate ka sa pagmamahal ko sa hero."

Sa tuwing nababanggit ko ang pinakamamahal kong fictional character, gusto kong magwala. Hindi ko napigilan ang panggigigil at nakurot ko sa braso si Harry.

"Yieee!" Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. I really am in love with a fictional character!

"Tss, akin na nga." Hinablot niya sa akin ang libro at binalik sa shelf. "Mas gwapo naman ako sa kanya."

Tumaas ang kilay ko. "Hala! Mas gwapo siya. Base sa description at mga kilos niya, napaka-cool at sobrang attractive. Sweet pa, mahal na mahal niya 'yung heroine. Masama ang ugali pero ang swerte ng kapatid niyang babae at ng babaeng mahal niya.

"Ikaw, hind ka naman sweet. Ako lang. Hindi ka nga nag-a-iloveyou ng personal sa akin kasi nahihiya ka o sadyang ma-pride lang talaga."

Natutop ko ang bibig. He looked hurt. Bakit ba sinabi ko pa iyon?! Totoo pero hindi ko na dapat pinaalam.

Tumalikod siya at agad naman akong kumapit sa kanyang braso.

"S-Sorry. Mas mahal pa rin naman kita e. Kahit kinikilig ako sa kanya, mas kinikilig naman ako sa once in a blue moon mong sweetness. Kahit hindi mo nagagawa ang mga expectation ng imagination ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Pinagtitinginan kami ng mga staff at ibang customer ng National Bookstore. Kiber ko. Ang mahalaga magkabati kami ni Harry.

Hinila niya ako papunta sa likod ng dulong shelf. Iyong tagong part.

"Mas gusto mo ba talaga 'yung mga lalaking nababasa mo? Paano ako?"

"Mas gusto at mahal nga kita! I'm a girl, a fantast, natural na maging affectionate sa ganito pero sa 'yo pa rin naman ang puso ko."

I sighed. "Anong gusto mong gawin ko?"

"Bawasan mo iyang sinasabi mong pagkakandarapa sa fictional characters. Nandito naman ako. Ako na lang."

Mahal niya ako pero hindi niya tanggap ang bahaging ito ng aking pagkatao. Bakit ako? Tanggap ko siya at pilit ko namang iniintindi ang mga interes niya. Napaka-unfair lang.

"Alam mo, Harry, let's break up."

I walked out. Lumabas ako sa bookstore at dumiretso sa comfort room ng mall.

Nakipag-break ako! Naiiyak ako. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin niya ang pagiging fictionzoned ko. Noong mga panahong crush ko pa lang siya ay mahilig na akong magbasa at minsan naaalala ko siya sa character.

Pero talaga namang kinilig ako sa "Ako na lang niya."

Oa ako mag-react sa stories at nakakainis ang ka-oa-yan ko kanina. Wala na kami ng super ultimate crush at mahal na mahal ko ngayon!

Kinalma ko ang sarili sa harap ng salamin at tinimbang ang susunod na mangyayari. Nabuhay ang loob ko sa pag-iisip. Mahal ako ni Harry kaya babalik siya sa akin, right? Right. Kasi ganoon sa mga kwentong nabasa ko. Papatahanin ko lang ang alon and everything between us will be alright.

Paglabas ko ay bumalik ako agad sa National Bookstore. Bibilhin ko pa 'yung mga librong napili ko. Nang malapit na ako sa counter ay humarang si Harry.

May hawak siyang sketchpad, pentel pen at lapis na mukhang kakabili lang niya dito at ginamit kaagad.

"Ikaw talaga, nag-walk out pa. Hindi mo muna ako pinatapos." Inabot niya sa akin ang sketchpad. "Kung mas gusto mo pala iyong nababasa mo, isusulat ko ang sarili ko."

Pagbukas ko ng sketchpad ay sulat-kamay niya gamit ang pentle pen ang tumambad sa akin.

Magkandarapa ka man sa iba, sa akin ka pa rin babagsak dahil mas mahal kita.

Hindi man ako nakakakilig tulad nila,
Kaya naman kitang samahan kahit pa nahuhulog ka sa kanila.

Ako lang naman si Harry Suarez, simple at boring, pero walang uubra na ako lang para sa 'yo at akin ka.

Nag-init ang pisngi ko. Sobra. Para akong nilalagnat.

Paglipat ko sa susunod na pahina ay isang sketch.

Isang babae at lalaki sa bookstore. Nakangiting nakatingin sa libro ang babae habang nakangiti namang nakatingin sa kanya ang lalaki.

"I love you, Ellen Santos," aniya sa harap ko at ng mga nakikiusyoso.

-----
Written on May 2k16

Parang siraulo si Ellen nung nakipag-break siya bigla, 'no? 'Di ba!

Anyways, ang pangalang Harry ay nakuha ko sa childhood crush kong namatay. Ang rinig ko noon, patay na raw. Hindi sigurado kung paano, pero it involved baha. Bagyong Ondoy nung 2009. Si Harry... hays. RIP.

Ellen naman issss Ellen Adarna? Oo hahaha. Ganda niya kasi, e. Trip ko lang.:)

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon