Heart Accident
Ang pinakamalaking pagbabago sa buhay ko hindi nangyari sa bahay. It happened in school that late afternoon of August.
"Yan, samahan mo na ako, please!"
"Marami nga akong gagawin. Saka, ano ba, ang laki laki mo na nagpapasama ka pa."
Wala kaming professor sa subject na iyon kaya tinapos ko na lang ang plate na kailangang ipasa sa Major. At itong si Liam ay kinukulit ako. Kahapon pa niya ako pinipilit na samahan siyang bumili ng regalo sa mama niya.
"Bestfriend mo naman ako e. Sige na..." hirit pa niya.
Kaya nga, sabi ko nga... Dahil bestfriend ko siya, "Sige na nga."
"Yes! Mamayang uwian na, ha!"
Napailing na lang ako. Mukhang bata talaga umasta si Liam. Busy ako sa paglalagay ng shading sa plate ko nang nagulat kaming lahat sa biglang pagbukas ng room. And there, Sebastian Garcia, famously known as Tian showed up. Maayos ang uniform niya pero yung aura niya, para bang kapag lumapit ka, e masasapak ka. Siga. Tss. May hawak pa siyang fruit shake.
Over-confident siyang naglalakad habang ginugulo ang kanyang buhok gamit ang isa niyang kamay. Guwapo siya at alam niya kung paano gamitin iyon. Mag-tumbling man ang Earth, ang mga babae sa room namin ay napapatitig talaga. Bad boy spotted equalled to attracted.
"Tss. Yabang." Rinig kong bulong pa ni Liam sa tabi ko.
Diretso ang lakad ni Tian papunta dito bandang likod, which is sa direksyong kinapupwestuhan namin. Nagkatitigan pa kami with those eyes. Dazzling. Nangungusap na mga mata niya pero wala akong oras para intindihin. Binalik ko ang atensyon sa aking plate. Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng shade at sa isang segundo ng mabilis na pangyayari, may fruit shake na tumama sa plate ko! Kitang-kita ko kung paanong natabunan ng mango flavored drink na iyon ang pinaghirapan ko! Arghhh!
"Takte! Buwiset ka, Angelica! Bakit mo ako pinatid?!"
"Anong pinatid? Excuse me, kanina pa nandyan yung paa ko, ikaw itong shunga na hindi nakita!"
"Anong—" akmang susuntukin na ni Tian si Angelica pero dumating si Noah— bestfriend niya. Hinarang ang kamao nito.
"Tama na 'yan, pare."
Sagad ang pag-init ng ulo ko nang hindi man lang nila napansin na may natapunan ng fruit shake dito!
"Basa ka na, Rian. Tsk, palit ka muna ng PE uniform." Pinupunasan ni Liam ng panyo ang natalsikan kong uniform. Doon lang napansin ni Tian kung ano ang ginawa niya.
"Leche naman kasi, eh! Nasira tuloy yung plate ko!" Naiiyak na ako. Hindi naman kasi madaling makatapos ng plate. Pinaglalaanan talaga ng oras at pagod. Isa pa, ang plate na ito ang ilang araw ko nang tinatapos para maka-perfect tapos ganito?!
"Bakit sa akin ka nagagalit? Itong babaeng 'to yung nampatid sa 'kin," pagdadahilan pa niya.
"Eh, fruit shake mo 'yung nakasira sa plate ko hindi 'yung paa niya!" Nag-iinit na talaga ang mata ko kaya nag-walk out na lang ako. Nasayang yung pinaghirapan ko at swear nakakapanluksa!
"Uy, sorry! Aksidente 'yun!" Rinig kong sigaw pa niya.
Huh! Hindi kita mapapatawad! Asa!
Katabi kong nakaupo si Angelica sa bench habang pinagmamasdan ang mga kaklase naming naglalaro ng tennis. Ito kasi ang PE namin this second sem— Lawn Tennis. Kanina pa kami nagpupulot ng bola at nakakapagod rin. Kung saan-saan napupunta, hahabulin mo tapos ibibigay sa mga kaklase mong hanggang serve lang ang nagagawa. Hindi man lang makapagpalitan ng bola sa ere.
![](https://img.wattpad.com/cover/81517709-288-k302823.jpg)