Ba't Di Nasabi

6 2 0
                                        

Ba't Di Nasabi
Ni aningness

***

Tinitigan ko ang kanyang matatamis na ngiti. Hindi maalis-alis ang ngiting iyon sa kanya. Suot pa niya ang niregalo kong ko sa nagdaan niyang kaarawan, isang bestidang puti.

Sa mall kami pumunta noong kaarawan niya. Namili lang kami ng damit at kumain. Pinili niya ang isang pulang checkered para sa akin. Nahiya ako noon sa kanya dahil siya ang may kaarawan pero nauna pa akong nakabili ng damit. Dinala ko siya sa isang botik ng mga damit at ako mismo ang pumili para sa kanya.

Isa iyong bestidang puti na hanggang tuhod at may maikling manggas. Bagay na bagay sa kanya ang damit. Ang kulay nitong puti ay parang siya, malinis at inosente. Kinuhaan ko pa siya ng litrato. Napakaganda.
May litrato na ako ng nag-iisang babaeng nasa puso ko.

Namasyal muna kami sa Intramuros bago umuwi. Napansin kong nakayuko lang siya at walang imik. Nakakapanibago ang kanyang kilos.

"Jane, may problema ka ba? Ang tahimik mo kasi e," tanong ko.
Nanatili siyang nakayuko at nakita kong nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Wala, Ren. Wala," mahinang tinig niyang sagot.

Nandito kami sa isang putting kwarto. Nakaupo ang kanyang pamilya sa sofa at umiiyak. Nakaupo naman ako sa tabi ng kama ni Jane. Binitawan ko ang kanyang litrato at hinawakan ang malamig niyang mga kamay.

Habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata, buong pagsusumamo akong natauhan.

"Ba't 'di ko ba nasabi? Bakit...."

***
WAKAS.

Ba't Di Nasabi ©2016 by aningness, the original eksdi writer

*****

Pinakaunang dagli na isinulat ko. Way back 2012 pa 'to mga bakla. Ang saya lang na na-treasure ko ito hanggang ngayon.(⌒_⌒;)

Nagkukunwaring babae,
Aning Cruze/Boss A

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon