Where Do Falling Hearts Go?

45 8 4
                                    

Where Do Falling Hearts Go

May mga bagay na gusto mo pero sadyang hindi para sa 'yo. Hindi ako naniniwala roon. Kapag gusto ko ay buo ang aking prinsipyo na para iyon sa akin. Saka ko lang sasabihing hindi iyon para sa akin kapag sinukuan ko na, kapag ayaw ko na.

There was a time in my life I fell for someone named Alexis Rivera. Naniwala akong para siya sa akin pero humantong ako sa puntong timeout na, suko na ako.

Buo ang desisyon kong tigilan na ang pagkakandarapa sa kanya pero ang tanga kong puso, ayun, nasa akin naman pero patuloy na nahuhulog maski banggit lang ng pangalan niya.

Ako itong todo drama dati dahil kadrama-drama naman talaga pero heto ako, parang hindi nasaktan. Parang walang komplikasyon sa parte ko itong pagbabalik sa dating gawi. Siguro dahil na rin kinasanayan ko na.

"Sigurado ka bang dito sila pupunta, Jerick? Eh, naikot na natin ang buong mall pero ni kamukha ni Alexis ay wala!"

"Huwag ka ngang maingay diyan. Baka nasa sinehan ang mga 'yun."

Hinawakan ko siya sa braso at hinila. "Edi tara, punta tayo ng sinehan."

Nanlalaki ang butas ng ilong niya at masama ang tingin sa akin. Tinaas ko ang kamay ko like surrendering to the police. "Okay, hindi na."

Padabog akong nagmartsa lampas sa kanya. Napaka-serious mode talaga! He is Jerick Crisostomo, Alexis' bestfriend. Simula't sapol ay utang ko sa kanya ang pagkakakilala namin ni so-called love of my life. Dati pa man din, siya na itong isinasama ko sa pag-istalk sa bestfriend niya. Unang-una kaibigan ko siya mula highschool at isa pa, kinukuntsaba ko siya dati na paselosin si Alexis. Ngayon nga ay kasama ko nanaman siya sa aking comeback.

Pumasok ako sa National Bookstore at nakasunod siya sa akin. Dumiretso ako sa PSICOM Books section. Tuwang-tuwa ako nang makita ang published book kong "Farewell Review".

"Jerick, sabi ko sa 'yo bumili ka ng copy nito at basahin 'di ba? Ayan, bilhin mo."

Mayamaya pa ay tuluyan akong nilamon ng pagtitingin ng mga libro at pagbabasa ng mga synopsis nito. Nabalik ako sa Earth sa paghila sa akin ni Jerick sa likod ng shelf.

"Hoy, bakit?"

"Nandyan sila Alexis."

"Talaga?!" Sumilip ako at hinanap sila. Namataan ko sila kaagad dahil masyadong kapansin-pansin ang not so picture perfect— Handsome guy dating an obvious lesbian from hair to shoes. May sinasabi 'yung lesbian kay Alexis habang hawak ang latest novel ni Maggie Stiefvater.

"He's dating someone who reads?" baling ko kay Jerick. "I am a girl who writes! Why not me?!"

Nghihimutok na ang loob ko ngunit hindi na ako nag-rant pa. Ito kasing kasama ko, walang pakialam na nakatingin lang sa akin. Nakakainis minsan pero ayan siya, eh.

"Tumigil ka na 'di ba? Bakit naman kasi bumalik ka pa?" aniya saka hinila ako papunta sa counter.

Naka-abante ako ng kaunti at nakaakbay siya sa akin. Hindi na ako nag-inarte at nagtangka pang lumingon pabalik. Takot ko lang na ma-beastmode na itong katabi ko na mukhang mas problemado kaysa sa akin.

Dumiretso kami sa Jollibee para mag-lunch. At kung sinuswerte at minamalas nga naman ako, muli kong natitigan si Alexis na pagpasok niya sa kainang kinaroroonan namin.

Ayan nanaman, nahuhulog nanaman ang puso ko.

Hindi sinalo at hindi sasaluhin pero hindi ko mapanindigan ang pagsuko. Nandito 'yung bitterness pero hindi ako natututo dahil hindi pa naman nababasag ang aking puso.

Bakit 'yung lesbian ang kasama ni Alexis? Ako dapat, eh. Gusto ko siya, gustong-gusto pero hindi ako ang gusto niya. Medyo, medyo kumikirot na ang laman sa kaliwang dibdib ko.

"Ahhh," tinapat ni Jerick ang cheese burger sa bibig ko.

Atubili akong ngumanga at kumagat.

"Huwag mo nang tignan. Para ka ring tanga, eh," aniya. Medyo hard.

Pinokus ko ang atensyon sa pagkain. "Buti pa ang burger na 'to cheesy."

Hindi ko maiwasang isipin na si Jerick ang lagi kong kasama kapag mababasag na ang puso ko. Hindi natutuloy dahil idi-distract niya ako at kapag tumanggi ako sa kanyang distraction ay mag-aaway kami ora mismo. Kaya bumabagsak pa rin na na-distract nga ako sa pagdamdam tungkol kay Alexis.

Lagi niya akong sinasalo sa mga eksenang ganito.

"Pwede bang saluhin mo ang puso ko?"

"Magpapasalo ba?"

Nagsukatan kami ng tingin at mayamaya ay sabay na tumawa.

"Ang korni mo!" sabi ko.

Pasimple akong sumulyap sa table nina Alexis. Masaya silang nag-uusap ng girlfriend niyang gumegewang ang kasarian. Wala na yata talaga akong pag-asa. Mukhang mabo-broken hearted na ako.

"Where do broken hearts go?" wala sa huwisyo kong tanong kay Jerick.

"Ewan. Hindi ko pa naman nararanasan. I'm still falling. . ." seryosong sagot niya.

"Falling? Inlove ka? Kanino?"

Nagkibit-balikat lang siya at nagtanong. "Where do falling hearts go?"

Where do falling hearts go? Ngayon ko lang narinig iyon. Ang puso kong nahulog kay Alexis, saan napunta?

Tumigil ako sa pagsubo at pagnguya. "Saan nga ba?"

Malalim na bumuntong-hininga si Jerick at matamang tumitig sa akin. Tumatagos sa buto, nakakapanindig-balahibo at nakakamanhid sa kaba ang tingin niya. "It chases, Denise. Hindi mo ba nakikita? I'm chasing. . . you."

At hindi ko alam kung paano pupulutin ang puso kong nahulog sa taong nasa harap ko.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. Pagtingin ko sa kanya ay nakayuko siya at namumula ang buong mukha pati ang tenga.

Alam ko na ang sagot.

"Falling hearts not to be broken, it must be catched. Para sa akin, falling hearts find its way towards someone who will catch. Sasaluhin mo ba ang puso ko?"

Malaki ang ngiti niya at nahawa ako.

"I will with all the please."

----

Written on May 2k16

Alexis. Type ko ang pangalang Alexis. And Jerick, nakuha ko yun sa Kpop fanboy na I found gwapo that time. That time lang, somewhen in 2016. And Denise like Denise Laurel, ayun. Ganda ni Denise, e. Tho hindi ako sure kung ganyan ba talaga spelling. Hahaha. Corny ng story, 'no? Hahahahaha.

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon