Into Your World

4 2 0
                                    

Into Your World

***

Huminto ang mundo ko nang iwan ako ni Noah. My love for him was so deep and felt like it should last forever but fate disagreed. Because of an unfair trick, I lost the the first love I had.

There is something about tragedy that drew me in. Tumatagos sa akin ang bawat movie at kwentong tragic ang ending. Nang maranasan ko mismo ang tragic ending ng love story ko, I found out that it really a heart-piercing, mind-wrecking and soul-weakening.

Losing Noah imprisoned me in agony. My love's tragic ending hurts so much that I can't forget it. Sobrang sakit na mawala iyong mahal mo. Na kahit maghintay ka pa ay hindi na siya babalik, hindi na siya darating para sa 'yo. Wala ka nang magagawa dahil patay na siya.

At ako ang may kasalanan.

Ako ang dapat na mahi-hit and run ng nagkakarerahang bus. Nakita kong ako ang nasa sitwasyong iyon. Ako dapat iyong duguan at nawalan ng buhay. Ngunit nagising ako isang araw na siya ang nagkaganoon imbes na ako.

Nawalan na ako ng pakialam sa iba, wala na ang mundo sa akin. Para akong lumulutang, literal. Wala siya— iyon lang ang alam ko. Hindi ko naiwasang alalahanin ang pag-uusap namin noon.

"You are my everything, Marien. Kilig ka naman?"

"Heh! Ikaw ang dapat kiligin dahil ikaw ang mundo ng magandang si ako."

And everything broke into pieces because the world died.

Sa treehouse na ginawa niya sa nag-iisang punong nasa tuktok ng burol sa gilid ng ilog sa may Rizal ay kinulong ko ang sarili. Nandoon ang mga alaala naming masasaya. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak sa lugar na iyon. It was our paradise, our heaven and now my safe haven in this world without Noah.

Lalong bumuhos ang luha ko nang makita ko siyang pumasok sa treehouse. Nakangiti siya— tulad ng dati— parang walang nangyaring hindi maganda. Sa imahe niyang nakatingin sa akin, bumalik ang lahat ng pag-ibig na pinuhunan ko.

Mahal na mahal kita, Noah.

Mabilis siyang dumalo sa akin gamit ang mga matang laging umaalala at nagmamahal sa akin. Sa sulok ng treehouse na kinaroroonan ko ay niyakap niya ako.

"'Wag ka nang umiyak, Marien. Nandito na ako. Hindi kita iiwan."

Naramdaman ko muli ang pag-ibig ko. Nandito siya sa aking tabi at ayoko nang pumikit. Baka mawala siya. Hindi maaari.

Hindi siya nawala. He stayed. Saksi ang treehouse sa pagbabalik ni Noah. Para siyang totoo. Malinaw sa paningin ko na siya ang Noah ko bago pa man mamatay. Nararamdaman ko siya, hindi na ako nangungulila pero umiiyak pa rin ako palagi.

"S-sana totoo ka na lang. Sana buhay ka pa at hindi mo ako iniwan," hikbi ko sa kanya.

Alam kong isa itong kahibangan. Pinaglalaruan lang ako ng aking isipan. Marahil ay nababaliw na ako.

Umiling-iling siya at nagsusumamong nilahad ang kamay sa akin. Nag-aanyaya ang mga mata niya na tanggapin ang kanyang inaalok. Kapag hinawakan ko ba ang kamay mo isasama mo ako? Sa kung saan man tayo mapunta ay magkasama tayo magpakailanman?

Sa munting pangangarap na nakasalalay ang kasiyahan ko ay tinanggap ko ang kamay niya. Iyon pala ay para magising ako sa katotohanang hinihila na ako ng kamatayan ngunit niligtas niya ako. Ibinalik niya ako sa aking katawan.

Tatlong araw akong walang malay mula sa aksidente ayon sa aking ina. Lumuwang ang aking paghinga na panaginip lamang pala iyong pagkamatay ni Noah.

"Ma, si Noah?" tanong ko nang ilang oras na pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Malungkot siyang tumikhim at nakita ko na lamang ang sarili nakaupo sa wheelchair sa tapat ng chapel.

Memorial for Noah Cruz
June 28, 1993 - February 24, 2016

Totoo pala na wala na siya. Totoo pala lahat ng iniyak ko. Noong wala akong malay at nakasama ko siya sa treehouse, iyon na pala ang huli.

Noong na-hit and run ako, nakasunod pala siya para ako ay iligtas. Ngunit hindi niya nagawa dahil pareho na kaming tumalsik. Ako ang naunang humiwalay ang kaluluwa pero ako pa itong nabuhay. Pinili niyang iwan kami para siya ang magbalik sa akin. Namatay siya para mabuhay ako.

Bumuhos ang lahat ng damdamin ko sa pagpalahaw ng iyak. Pumailanlang sa buong lugar ang hinagpis ko.

"Sabi mo hindi mo ako iiwan?!" ani ko sa imahe niyang walang reaksyong nakapikit sa loob ng parisukat na nagdedeklara ng katapusan ng isang tao.

Tumindig ang balahibo ko at tumagos sa puso ang marahang hanging dumampi sa akin. Nandito lang siya sa paligid. Nandito siya para sa pangako niya sa akin.

Hindi niya ako iiwan. . .

Nagpatuloy ako sa buhay. Siguradong malulungkot si Noah kapag nagpabaya ako. Hindi ko siya naririnig at hindi ko nadadama ang haplos niya ngunit magaan at panatag ang aking loob. Iyong puso ko, nadarama siya sa aking tabi.

Pinaglalaruan ko ang mga daliri habang hinihintay huminto ang mga sasakyan at nang makatawid ako sa crossroad. Napaabante ako nang konti nang may gumitgit sa akin. Paglingon ko ay isang babae na may hawak ng berdeng rosas.

Napatitig ako sa bulaklak. Napakaganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganoon.

"You know what they say about green rose?"

"Huh?" taka ko sa estranghera. "Hindi."

"Green rose means noble love that only exists in heaven," aniya saka inabot sa akin ang berdeng rosas.

Naglakad siya patawid at wala sa huwisyo akong sumunod. And the next thing I knew, May 29 of 2016— I met my fate. And the woman just a seconds ago was Lady Fate.

Nakita ko ang sarili sa malawak at magandang hardin na puno ng berdeng rosas. Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Sa fountain sa gitna niyon ay nakatayo sa tabi si Noah. Malaki ang ngiti niya sa akin.

"Noah!"

"Marien!"

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Ganoon din siya sa akin. Sabik na sabik. Nang magkatapat kami ay nilahad niya ang kamay sa akin.

Finally, this everything will be in the arms of her world again.

Our tale did not ended, it just paused. This is it, the continuation of my and Noah's love story. For eternal... here in heaven.

End.

***
Into Your World ©2016 by aningness, the original eksdi writer
All right reserved.

*****

Sabi ni Charotera101 at DyslexicParanoia ay bawasan ang mga salita sa mga panugungusap para magkaroon ng dating at maramdaman. I-revise ba. Nakulangan din nh emosyon si Kizzymackz sa mga pangungusap.

Written on: May 29, 2016

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon