Crazy For This Girl 2
*******
Sixteen years old ako nang nangyari ang dramang iyon. Dati, wala akong panghihinayang kasi wala naman talaga iyon. Pero sa paglipas ng panahon, hindi ko iyon nalimutan. Ang katotohanang bumabagabag sa akin ay ang pagmamahal ni Armando Gregory . Sinayang ko ang pagmamahal niya. At minsan, ang sarap nun pagsisihan.
Kung anong nangyari kay Armando? Hindi ko rin alam. Nabalitaan ko, a week after that night, nag-migrate na raw ang pamilya niya sa America. Hindi ko na siya muling nakita ngunit nitong bakasyon lang, pumunta raw siya sa bahay at kinumusta ang tatay at nanay ko. E nagbakasyon ako nun sa bahay ni ate sa Bulacan kaya hindi ko siya nasilayan. Ang sigurado lang ako ay nagbalik na siya. With vengeance or none, I wanna see him. He's back and I'm waiting. I need to apologize.
***
"Praktis daw tayo kila Ashton," ani Rex. Nakatambay ako sa student lounge ng west wing nang mag-materialize siya sa harap ko.
"Okay." Niligpit ko ang mga gamit ko saka sabay na kaming umalis.
Second year college na ako ngayon at may bagong banda. Disbanded na ang Lyric noon pang nag-grade 11 ako. Grumaduate na kasi si Kuya Adam at si Kuya Joseph ay focus na sa pag-aaral dahil graduating na siya. Ayokong isipin na dahil sa pambi-bitch ko kaya kami nagdisband. Pero hindi ko ikakaila na nagkaroon iyon ng epekto para lalo akong kamuhian ng mga schoolmates ko. I didn't mind at first pero naapektuhan pa rin ako. My last two years in highschool was a mess. I was bullied. Kaya laking ginhawa ko nang grumaduate ako.
"Anong oras nga ulit bukas?"
"1 pm ang simula ng orientation pero 'pag 4:30 na tayo magpe-perform."
Freshmen orientation kasi bukas at naimbitahan kami ng Admin na mag-perform. Maganda iyon dahil publicity na rin. May gig kami minsan sa mga bar pero hindi kami ganun kakilala kaya walang suking nag-iimbita. Siguro kasi ako ang vocalist, babae, kaya wala masyadong interesado. Hindi naman lingid sa akin na mas patok kung lalaki ang vocalist. Babae rin ako and I admire the bands with a good charismatic boy vocalist. Mas may dating kasi at kahit mga lalaki ay magugustuhan ang kanta.
"Ikaw na lang ang sa vocals, Rex." Mas okay kasi iyon kaysa makulelat kami bukas.
"Sus, ayan ka nanaman. Ikaw na 'di ba? Ikaw na, 'wag mo na ako ipilit dyan," simangot niya.
"Pupunta rin ang ibang banda galling sa ibang university bukas. Haven't you heard? Maraming nakakakilala, magagaling kaya maraming titili para sa kanila. Kung ako..."
Matagal ko nang ipinaglalaban ito sa banda ko pero ayaw nila makinig.
"Ano naman? Mas magaling ka naman dun."
Pinanghihinaan kasi talaga ako ng loob. Kung noong highschool ay nag-uumapaw ang confidence ko, ngayon wala na akong maapuhap sa sistema ko. Kahit may mga galit sa akin noon, napanindigan ko ang banda dahil alam kong magaling ako, may ibubuga. Ito ang pinakanaapektuhan ng pambu-bully sa akin dati. I lost my confidence. Ang babaeng vocalist na tulad ko ay hindi aangat sa music industry. Kung makilala man, panandalian lang. Walang karisma unless artista ako na nagbabanda. Hayyy....
***
"Sure ka na dito, JG?" paninigurado ni Raven. Siya na ang vocalist from now on. Maganda ang boses niya at sa una naman talaga ay siya na dapat ang sa vocals.
"Oo naman."
"E di ba gusto mo talaga ang maging vocalist?" Kita ko ang pag-aalala niya. Maging sina Ashton at Rex ay inaalala iyon.
"Naging vocalist naman na ako. Time na para sa instruments ako mag-focus." Ngiti ko. There's no way na ipapaalam ko sa kanila ang insecurities ko. Binigyan ko na rin ng stage name ang pangalan ko na JG. Para kung may makarinig man tungkol sa akin galing sa dati kong school, hindi nila maiisip yung Jeremae na bitchessa. I wanna be better than of my highschool immature self.