He Who Fell Towards My Heart
*****
Every year, on a random day, a star would fall from the sky. It comes to Earth and is believe to be magical. It would grant happiness to someone.
Just one person.One star. One wish.
For one true happiness.
The star would make it happen... Even the impossible...
Totoo raw iyon. Galing ang paniniwalang iyon sa mga sinaunang angkan dito sa Barrio namin. Dumarating daw iyon ng hindi inaasahan at ang tanging nakakaalam ng pagdating niyon ay ang maswerteng tao na napili.
"Tandang Chora, kailan at saan po babagsak ang bituin? Please po sabihin niyo. Ililibre ko po kayo ng Happy Meal."
Sinimangutan ako ng matanda. "Hija, hindi ko alam."
"Pero kayo po ang nagsabi na dito sa Barrio babagsak ang bituin ngayong taon. Saka, ikaw po ang napili noon. Ano po bang senyales kapag babagsak na ang bituin?"
Kanina ko pa siya kinukulit pero ayaw talaga niya magsabi. Wala naman daw kasi siyang masasabi. Siya ang huling pinagpala ng bituin na taga rito sa Barrio kaya siya ang pinagtatanungan ko. Aabangan ko kasi ang bituin. Para mapuntahan ko kung saan ito babagsak; para makahiling ako at magkatotoo iyon.
Matagal niya akong tinitigan saka nagsalita. "Nasabi kong paparating na ang bituin dahil naramdaman ko lang. Hula ko nga lang iyon."
"Tandang Chora naman! Niloloko niyo po ba ako?!" pagmamaktol ko.
"Aba, hija, sinisigawan mo ba ako? Mabuti pa umalis ka na." Tumayo siya at akmang papasok sa kanyang kubo. Pinigilan ko siya sa braso.
"Maawa na po kayo, Tandang Chora. Gusto ko lang po matupad ang hiling ko."
"Lahat naman dito sa Barrio ay may hiling at nagbabaka sakaling sila ang pagpalain ng bituin. Hindi lang ikaw."
"Pero nakasalalay po kasi sa bituin ang lovelife ko! Gusto ko pong magkatotoo si Elijah!" maktol ko ulit.
Poker face si Tandang Chora. Kinabahan naman ako. Baka mamaya sinusumpa na niya ako dahil sa kakulitan. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. Iyong tawang pangmangkukulam. Kinilabutan ako!
"Kathang-isip lang iyon, Hija. Hala, umuwi ka na at nagdidilim na."
Wala na akong nagawa. Habang naglalakad ako palabas ng gubat ay naiisip ko nanaman 'yung kabaliwan ko daw. Sobra kasi ang aking pagkahumaling sa fictional character. Eh, anong magagawa ko? Gustong-gusto ko siya. Minahal ko siya sa Until Trilogy ni Queen J.
How I wish he's real.
Mangyayari lang iyon kapag tinupad ng bituin. 'Yung bituin na kailangan kong abangan talaga. Iyon ang pag-asa ko.
Jubi, Jubi, remember that love conquers all.
You're facing the consequences of taking the fall.
Meron akong nagugustuhan. Kathang-isip siya pero naabot niya ang aking puso. Maaaring hindi siya totoo pero tinuruan niya akong magmahal sa nakakalokang paraan. I can't make him mine for he is not real. I learnt to love a fictional - Absurdity it is that I inevitably embraced. He made me feel love but never own.
For I don't own Elijah Riley Vasquez Montefalco.
Makulay ang mundo ko. Masaya ako. Simple ang buhay, nag-aaral at may mga kaibigan. I am a dreamer. Naniniwala ako sa prince charming at ako ay isang princess. I am still a dreamer pero nagbago ang pagkakahulugan ko roon nang mabasa ko ang Until Trilogy - Nang makilala ko ang Pambansang Baby.