Sa waiting shed sa tapat ng highschool at malapit sa terminal ng jeep ay kanya-kanyang pwesto ang mga kabataan. Pasado alas-siete ng gabi ay mga estudyanteng nagmi-meeting at mga magkasintahan na nagsilbing kanlungan ng batang pag-ibig ang lugar na iyon. May kahel na postlights pero dahil sa bubong, madilim sa pwestong iyon.
Normal ang dilim na iyon na kumukubli sa pagkatao ng kabataan sa mga daraang nakakakilala sa kanila. Ngunit sa dalawang tao, ang dilim na iyon ay lalong nagpadilim sa buhay nila.
"Buntis ako, J."
Nawalan ng kulay ang mukha ni Joshua. Sa harap niya ay ang humihikbing kasintahan na si Rose Ann.
"J, a-anong gagawin ko?" Anong gagawin natin?"
Nanlalamig ang buong katawan ng binata. Hindi maaari! Isang gabi lang ang nangyari at nabuntis ito kaagad? Itinikom niya ng maigi ang labi at tinalikuran ang dalaga.
"Hindi ako ang ama niyan!"
Natigilan si Rose Ann habang nakaharap sa likod ni Joshua. Kumirot ang dibdib niya sa tinuran nito. Pinagdududahan siya ng lalaking mahal niya.
Nanginginig niyang hinawakan ang braso nito. "Ikaw ang a-ama. Alam mo 'yan, Josh. I-Ikaw."
Kung titignan sa malayo ay animo'y nasa isang madramang teleserye sila na pinapalabas at inaabangan tuwing hapon. Ngunit sa paningin ng 'may-isip' o mature na tao, nakakakunot ng noo at nakakangiwi ang imahe ni Joshua at Rose Ann. Mga naka-uniporme at may isyung nakakaeskandalo!
Dahil sa kawalan ng masasabi at magagawa sa sinabi ni Rose Ann ay tumakbo palayo si Joshua. Pamilyar na siya sa usaping ganito dahil napapanahon ang kapusukan sa kabataan at hindi niya nakita ang sarili sa katayuan ganoon. Pero ano pa nga ba? Nandito na siya sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.
Samantalang nanghihinan namang napaupo si Rose Ann sa bakal na upuan. Parang bata siyang kinukuskos ang mata sa bawat pagluha. Bata pa naman talaga siya hindi ba? Dise-sais. Bata pa siya para magkaroon ng isa pang buhay, isa pang bata sa kanyang sinapupunan.
Hindi pa nasabi ni Rose Ann sa kanyang mga magulang ang kalagayan. Aigurasong kagagalitan siya ng mga ito. Natatakot siya. Hindi niya ginusto ang bunga ng kapusukan nila noon ng kasintahan. Bata pa siya para maging ina. Bata pa siya.
Paano nga ba humantong sa ganito ang buhay ng dalawang 'bata'? Balikan natin.
Isang buwan ang nakararaan lamang ay gusto nang kumalas ni Joshua sa kanilang relasyon. Mula nang may mangyari sa kanila ni Rose Ann ay gusto na niyang kumawala. Nandoon kasi iyong kaba na baka magbunga.
Hindi pumayag si Rose Ann. Ayaw niyang pakawalan si Joshua. Oo, mahal niya ito pero hindi iyon ang alas niya para hiwalayan siya ng binata.
"Papalayain kita kung ibabalik mo sa akin iyong kinuha mo," ani ng dalaga.
Maibabalik ba ni Joshua ang pagkabirhen niya? Hindi.
Walang hiwalayan.
Isang buwan at dalawang linggo ang nakalilipas at kasama ni Joshua ang mga kaibigang lalaki. Habang nagpapahinga pagkatapos mag-basketball ay nagpayabangan ang mg binatilyo. Tipikal na mga lalaki.
Hanggang sa natuon ang usapan sa pagtikim ng babae. Proud na proud si Joshua sa pagkukwento ng experience niya. Natuwa siya sa pagkabilib ng kanyang mga kaibigan.
"Nakuha ko na si R. Binata na ako!" aniya.
"Congrats, bro! Pero sana hindi mo binuntis, ha!" sabi ng isa niyang kaibigan na si Kiko.
Napaisip si Joshua.
Tatlong buwan ang nakararaan, naiwan mag-isa si Rose Ann sa kanilang bahay. Pinapunta niya si Joshua. Ang planong movie marathon ay humantong sa kwarto. Habang tirik ang araw sa labas at wiling-wili ang mga kapitbahay sa panonood ng noontime show, abala ang binatilyo at dalagita sa kanilang bagong tuklas na paraiso.
Nakakabighaning pagdaing at pagpawis na bumuo ng kanilang pagkatao sa ilang minuto.
I-fast forward naman natin ang kaganapan.
Hay naku, batang pag-ibig. Saan sila dinala ng kapusukan? Ayun, naging laman ng chismis. Para bang nakatunghay sa kanila ang mundo.
Ang batang magkasintahan na ang tawagan J at R ay mayroon na ngayong Jr.
Si Joshua at Rose Ann ay parehong nakakulong sa isa't isa.
"Kayanin natin, J."
"Subukan natin, R."
--------------
Bored talaga ako nung sinulat to.XD And well, ayern lang.