Long Run

36 7 5
                                    

Long Run

---------

Hindi ko siya masabayan. Nilakad ko ang distansya namin pero patuloy rin ang kanyang paglakad. Ang layo niya. Sinubukan kong tumakbo at hindi ako nabigo, naabutan ko siya.

"Kakarl!"

Uwian na at nauna siyang lumabas ng classroom. Humihingal akong lumapit sa kanya. Ang bilis niya kasi maglakad at kailangan ko talagang tumakbo.

"Bakit?"

Nasanay na akong kausap siya ng ganito pero hindi pa rin sanay ang puso ko. Dugdug.

"Pwede ka ba sa linggo? Samahan mo naman akong bumili ng libro."

"Ah, titignan ko."

Ngumiti ako. "Sige!"

Crush ko si Karl Herrera. Kaklase ko siya mula first year hanggang fourth year highschool. Sa mga panahong iyon ay siya lang ang pinag-interesan ko. Hindi kami close pero simula nang umamin ako sa klase namin na crush ko siya noong sophomore kami, ay naging malakas ang loob ko. Kahit ramdam kong ayaw niya akong kausap ay kinakausap ko pa rin siya.

I am the typical tweetum highschool girl who admires a boy. I was so into him na niyaya ko pa siya sa kung saan pero matatapos ang araw na hindi naman siya sumama. Pero okay lang. Kahit papaano naman, nakakausap ko siya...

"Josh, nasa'n si Karl?" tanong ko sa bestfriend ni Karl. October 16, first day ng Intramurals pero hindi ko siya nakita.

"Hindi ko sasabihin," binelatan pa niya ako.

Ngumuso ako. "Saan ba kasi siya?" May kailangan kasi akong ibigay.

"Pabayaan mo nga muna 'yung tao, Sara. Huwag kang clingy, hindi naman kayo," pagsingit ni Ales na kaklase ko rin. Gumatong pa ng tawa ang tropa niya.

Inggit lang sila. Palibhasa nasabi ko sa crush ko na gusto ko siya. Malakas ang loob ko. Hindi ang tulad nila ang titibag niyon.

Tinalikuran ko sila. Wala akong mapapala sa mga kaibigan ni Karl na ang sama sa akin. Bago ako tuluyang lumayo, narinig ko pa...

"Pero nasaan nga ba si Karl? Saan kaya sila nagpunta ni Allison?"

Nalaman ko na nililigawan ni Karl si Allison. Si Allison ay taga-ibang section na kaklase ni Karl noong elementary. Narinig ko pa nga sa barkada nila, love team na raw silang dalawa dati pa. Nalungkot ako... nanlumo. Pero hindi ako umiyak. Hindi naman ako broken hearted dahil hindi naman ako in love. Nasa infatuation phase pa lang ako at nakakalungkot talaga. Akala ko kasi, ako ang mapapansin.

Dinistansya ko ang sarili. Tinitignan ko siya sa malayo at todo-iwas siya na magsalubong ang tingin namin. Minsan ay nakikita ko pa siyang kasama si Allison. Buti na lang ay nariyan si Hanna at Kylie, bestfriends ko, na sinasamahan ako para malibang.

Naging mabagal ang usad ng panahon at pangyayari sa akin. Naging mabagal ang lakad ko. Naging manipis ako. Lumipas ang sembreak, pasko at bagong taon. Sa pagsisimula ulit ng klase, nagpasya akong muling tumakbo.

"Kakarl!"

Muli ko siyang tinawag sa pet name ko sa kanya. Madilim pa nang umagang iyon at nakita ko siyang papasok na ng gate. Bibang-biba akong tumakbo palapit sa kanya kaya ang sakit ng pagkadapa ko nang mapatid sa bato.

"Sara!" Dinaluhan niya ako kaagad.

"Bakit ka kasi tumatakbo?"

Tumatakbo ako para maabutan ka. Tumatakbo ako para makasabay ka.

Lumapit sa amin guard. Kahit mahapdi ang tuhod ko ay sinikap kong tumayo.

"Okay lang ako..." sabay ngiwi dahil mahapdi talaga. "Saka, regalo ko nga pala." Inabot ko sa kanya ang paperbag.

One Shot RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon