Crazy For This Girl
U N E D I T E D*******
Grade 10 ako nang sumali sa isang recital. Ako ang vocalist at doon nagsimula ang lahat. Nagpe-perform kami sa aming high school at noon nakilala ang isang Jeremae Gratones.
Ngumiti ako nang tumugtog ang mga instrumento at naghiyawan ang mga schoolmates namin.
"Baliw..!"
Mahigpit kong hinawakan ang mikropono saka pumikit at kumanta.
"Parang gulong
Ako'y pinaikot ikot mo lang
Di maintindihan
Kung bakit damdamin ko'y pinaglaruan..."Gusto ko lang kumanta at gusto ko ito. Iyong naa-appreciate yung music na ginagawa ko. Dumilat ako at tinignan ang audience.
"Nababaliw na ako sa iyo
Ako'y litung lito
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sa'yo..."Pinasadahan ko ng tingin ang crowd at tumigil ito sa isang lalaki sa harap na ngiting-ngiti. Lalong lumapad ang ngiti niya nang magsalubong ang mga mata namin. Napaka-expressive ng hitsura at pananamit niya. Walang dudang nerd.
"...Basura ba pag-ibig ko
Ano nga ba ang gagawin ko? "Nababaliw na ako sa iyo
Ako'y litung lito
Naloloka, nahihibang
Sa kaiisip sa'yo... sa'yoLagi nalang nangangamba
Ako'y puno ng pagdududa haaahh..."Muli kong tinignan yung nerd at nakangiti pa rin siya. Weird, nakakapangilabot!
Iyon ang highlight ng high school life ko ---- Ang maging vocalist ng bandang Lyric. Apat kami sa grupo. Si Kuya Adam ang guitarist, Kuya Joseph ang drummer, Si Caleb ang bassist at ako, nag-iisang babae ang vocalist. Ang cool nang may banda pero kung masaya ba? Oo sana kaso sinong magiging masaya kung maraming galit sa 'yong babae dahil nilalandi mo ang crush nila?
Adam Linares, Joseph Espejo at Caleb Madrigal ---- Mga talented hearthrob kuno na sinosolo ni ako! Kesyo hindi naman daw ako bagay sa banda, malandi raw ako, famewhore, walang talent at feeling maganda! Sinong matutuwa sa ganun? Kung ano-ano ang sinasabi nila sa akin pero kapag may performance kami, akala mo mga fans ko kasi takot na malaman ng groupmates kong may umaaway sa akin. Malalagot sa kanila.
Naglalakad ako sa school grounds papunta sa canteen nang may humarang sa daraanan ko. Kumunot ang noo ko nang mapagsino. Siya yung nerd sa unang performance ng Lyric!
"Hi, JG! Pa-autograph!" Feeling close niyang inabot sa akin ang litrato kong kumakanta sa entablado. Infairness, ang ganda ko.
Tumatawa-tawa akong binalik iyon sa kanya. "Ano ako, sikat? Ang korni naman n'yan. Tsaka na kapag lumabas na kami sa national TV." Umiiling-iling akong nilagpasan siya pero bago ako makalayo...
"Bakit JG tawag mo sa 'kin?"paglingon ko.
Masigla siyang ngumiti. Ayan nanaman yung ngiti niyang punit bibig. Genuine na parang pilit dahil sa braces. Para pang may intensyon na hindi ko gusto. Ang uncomfortable na ngitian ng ganun.
"JG kasi Jeremae Gratones. Ako nga pala si Armando Gregory L. Tuazon." Inayos muna niya ang salamin sa mata bago inilahad ang kamay sa harap ko.
"Ang galing-galing mo kumanta..." Alangan niyang ginalaw ang nakalahad na kamay. Realizing na hindi ko iyon tatanggapin. Akmang ibababa na niya ito pero namataan ko ang paparating na si Caleb sa kanyang likod. Hinabol ko iyon saka shinake.
"Jeremae Gratones, nice meeting you," ngiti ko at sakto naman na maabutan kami ni Caleb.
"O, Jeremae, kaibigan mo?"