May mga tao palang nambabasted tapos pag may
lumapit na ibang babae, sabay sasagutin.
Ako kasi yung tipo ng babae na pag may
nagusuthang lalaki, siguro lalandiin ko muna,
tapos kung medyo napupunta na sa usapang sex,
eh ako na bahala mang-aya---sa mga
mambabasa, wag niyong tularan, dahil hindi
dapat kayo ganito para makapag-secure ng isang
relationship.
Nakilala ko siya sa facebook, dahil inadd niya
ako. Nagsimula kami mag-usap, tungkol sa mga
hilig namin... tapos isang araw hindi ko inaakala
na makakatabi ko siya sa comp shop. Ayun nga,
araw araw naglalaro, tapos nagkacrush ako sa
kanya. Gabi gabing chat yun, at nakarating sa
punto na sex na uli ang usapan. Siyempre ayaan
na. (to add virgin pa si crush nun)
May isang gabi na nakitulog ako sa dorm nila
dahil malakas na ang ulan at hindi na ako
makauwi, mga dalawang araw akong nakitulog
dun dahil nag-aya pa sila ng inuman, dun nga,
may nangyari, medyo lasing kami, kaso sandali
lang din naman (wala pa nga sigurong 20
minutes) kasi tinawag siya ng mga kadorm niya
kasi may importanteng sasabihin. (Pero syempre
nakuha ko din virginity niya. haha.)
Hindi ko alam bakit, pero mukhang iniiwasan
ako ni crush. Yung parang walang nangyari.
Lahat ng kadorm niya, mukhang may tinatago
sakin. Siguro, medyo naloka ako sa kanya, kasi
hindi ako nasatisfy sa nangyari samin or siguro,
umasa pa ako na pwede maging kami.. yung
ganun. Kaya pala umiiwas, kasi sinagot na siya
ng girl na nambasted sa kanya dati...
Kaya ayun. naging bitter ako ng ilang linggo,
tapos yung kadorm naman niyang isa ang
nakakausap ko--pareho kaming nasawi sa pag-
ibig. Ayun, nagkagusto din ako siguro sa kadorm
niya na yun. To the point na naging boyfriend ko
siya. (nakuha ko din virginity nitong isa.) Wala
kaming isang buwan. Magulo daw utak niya---
hindi niya alam kung mahal niya daw ba ako..
Yung ganoong excuses. Edi nagoffer ako ng cool
off (yung tipong magpaparamdam ako pag
sabihin saking okay na). Alam ko nang wala nang
pag-asa yun nung 2nd day na natiis niya na
hindi ako kausapin. Ayun, kinausap ko uli, wala
na pala talaga.
Isang araw bago ang birthday ko, bigla ko nalang
nakita na yung kinkwento niyang finriendzone
siya, sinagot na siya.