Hangang ngayon sariwa pa din sa isip ko lahat
ng mga kababalaghang nangyari sa akin sa
nakalipas na maraming taon. Tuwing ipipikit ko
ang mga mata ko at aalalahanin ko sila, naalala
ko pa din ang mga mukha nila. Maliban sa imahe
nang lolo ko, grade 5 ako nung nakita ko sya,
sobrang liwanag, puti lang lahat nang nakikita ko
pero hugis tao, mabilis lang syang dumaan sa
harap ko sa may kusina namin, alam kong siya
iyon kaya wala akong takot na naramdaman,naki
ta ko lolo ko ilang buwan matapos nang
nailibing sila nang mama ko, sabay silang
ibinurol sa bahay.
Hindi tungkol sa lolo ko ang ibabahagi ko
ngayon. Nauna ko nang naipost ang nangyari sa
akin sa Walled City Dormintory, isa yun sa hindi
ko malilimutang pangyayari. Isang taon din ang
lumipas mula noon, umalis ako ng dorm sya ring
pag hinto ko sa pagaaral. Isa sa dahilan ng aking
pag hinto sa pag aaral ay ang aking karamdaman,
mabilis akong namayat, madali din akong
mapagod at madalas tumutulo ang dugo sa ilong
ko, hangang sa nadiagnose ako na may Chronic
Myeloid Leukemia. Isang kanser sa dugo na
hangang ngayon ay patuloy ko pa ring
ipinapagamot.
dalawang taon akong nagpagaling at bumawi
nang lakas bago ulit makabalik sa pag aaral,
kahit may mga side effects ang chemo ko, kinaya
ko pa din ang Mapua system, hangang sa
natapos ko. (fast forward)
Ngayon nagtatrabahao na ako sa Ortigas at
nagrerenta ako nang apartment sa cubao. Lima
kaming nakatira doon, lahat kami mga
magkababayan at mag kababata sa Zambales.
May dalawang kwarto sa amin, kasama ko sa
kwarto ang dalawang kababata kong lalake, sa
kabila naman ang girlfriend ko at ang bestfriend
nya. Nasa Third floor ang unit namin, at naka
ugalian na din namin na magpatay nang ilaw sa
sala kapag matutulog na.
Isang gabi, habang tinatapos ko ang ginagawa ko
sa autocad, naisip kong bumili muna nang 3 in 1
coffee para may panlaban sa antok dahil tulog
na ang aking mga kasama at halos 2:45 am na.
Sa baba lang nang apartment namin ang
tindahan kaya madali lang din akong nakapanhik
agad.
Pag pasok ko, nakapatay ang ilaw, pero alam ko
na hindi ko yun inoff. Hinayaan ko muna at di
ko muna binuksan dahil may konting liwanag
naman na nangagaling sa kwarto namin, kaya
dumiretso na din ako doon para yayain ang isa
ko pang kasama sa bahay na magkape, pero
tumanggi sya, Pag labas ko nang sala, may
nakatayong babae malapit sa sofa namin, alam
ko na sa sarili ko kung ano ang nakikita ko, pero
nagtataka ako kung bakit hindi naglalaho agad
katulad nang iba kong encounter. Nakasuot sya
nang puting palada at blouse grey. Umupo sya
sa silya, kinikilabutan ako mula sa kinatatayuan
ko, dahil sa nakikita kong itsura nya, nakatukod
ang kamay nya sa kanyang ulo at basang basa
ang damit nya at mahaba nyang buhok. Basa ang
buong katawan nya. Hindi ko na ito kinaya, kaya
tumakbo ako agad sa kwarto namin at sumigaw
nang "SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET!!! SHET! P*+@%
IN@!!!" nagising lahat nang tao sa apartment
namin. "T@n& in@, ano nanaman?" tanong nang
girlfriend ko pag labas nya sa kanilang kwarto.
Inilarawan ko sa kanila ang nakita ko, basang
babae, pero wala naman bakas nang basa sa
silya. Wala kahit patak nang tubig.
Hindi ko na kinailangan nang kape para hindi
makatulog nung oras na iyon. Hindi ko din
natapos ang project ko.