Kabanata 8
Minsan talaga, in the middle of the night, mapapaisip ka na lamang kung ano nga ba talaga ang papel mo sa mundong ito. We tend to think things, especially the why's and the how's. Pero hindi natin naisip minsan, na ang kinagisnan o pinaniwalaang katotohanan ay habambuhay na nandiyan o hindi nagbabago.
"I'm trying to understand you, Ellie! Please cooperate with me! Accept the therapy!" Pigil na sigaw ni daddy.
"Wala akong sakit, dad! Hindi ko kailangan ng therapy! Hindi ko kayang mawala si Aidan!" Dabog akong umalis at umakyat sa kwarto.
We've been at the psychologist's office to "check" me out. Everything's normal until the psychologist mentioned Aidan.
"I believe that he's not real, Ellie." Nagpantig ang aking tenga sa narinig. What does she mean he's not real? Of course, he is!
Sinamaan ko ng tingin ang psychologist na nasa swivel chair niya.
"What are you talking about?!" Nilingon ko si Aura na kasama si daddy at Freon sa harapan ko. They were
smiling sadly at me."He's imaginary, Ellie. He is a product of your.. Traumatic experience that has led us to a mental disorder that you are experiencing." Mahinahon niyang sambit.
"What-- I'm not crazy! Believe me, doc! I'm not! Aidan is... He's just outside, yeah. He's waiting for me, outside."
Ngumiti siya sa akin at sumulyap sa mga taong nasa harapan ko bago huminga ng malalim, "Then show him to us, then. I will take a picture of you with him."
Naexcite naman ako laya dali-dali akong lumabas, only to see Aidan by the maroon love seat beside the door.
"How's the check-up?" Aniya while I clunged into his arms.
"Well, the doctor wants to see you!" He smiled but he didn't let it reach his eyes. Ngunit nanumbalik ang excitement ko nang tumango siya.
Finally, Our picture together!
Dahan-dahang inangat ni Aura sa kanyang mata ang Polaroid camera at ngumiti naman ako ng matamis sa kaisipang may madidikit nanaman ako sa room kong film. Gotta buy a wooden clip later.
Ngunit nawala ang ngiti ko nang maipakita sa akin ang blankong pwesto ni Aidan sa tabi ko. Where is he in the picture?!
Paulit-ulit kong ipinapagpag iyon dahil baka resulta lang iyon ng mabagal ba paglabas ng picture ngunit luminaw na't lahat ay wala pa ding Aidan na lumilitaw sa tabi ko.
"Daddy..." Nanghihinang sambit ko nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng mga nagdaang taon, isang aparisyon na hindi pala totoo ang nagsilbing lakas para gumising at mabuhay..
Tulala ako habang nagco-conclude ang psychologist sa kalagayan ko. Daddy said "Aidan" was named after a mental hospital called "St. Aidan Mental Care." Aniya ay doon daw ako nagtherapy noong bagong ampon lamang niya ako, 10 years ago. Siguro'y naisipan ko daw kumuha ng tao para may makausap at maramdaman ang bagay na ipinagkait sa akin buong buhay ko, ang pagmamahal.
Hindi ako baliw!
"Ellie, time to take your lunch. Ilang araw ka nang ganyan." Ani Aura sa hamba ng aking pintuan. Marahas na nilukot ko ang "larawan" namin ni Aidan at hinarap siya.
"HINDI AKO SABI BALIW!" Tinapon ko sa kanya ang unan na inuupuan ko sa sahig pati ang picture frame kung saan kasama ko silang tatlo ni daddy.
"Ellie! Tama na! Tama na!" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa uri ng boses ni Aura...
"Tama na po, amang! Tama na po!"
"Walanghiya kang bata ka at kung saan-saan ka lumalandi ah!"
"TAMA NA!" Bigla na lamang ako humagulhol sa iyak at dumusdos sa pader.
"Aura, what's happening here?!"
"Freon, si Ellie nagwawala!" Nahagip ng basa kong mata ang natatarantang Aura at papalapit na Freon...
I want to end this life.. Hindi ako karapat-dapat na maging ganito. Hindi dapat ganito ang posisyon ko ngayon. Hindi dapat ako si Ellisha na maduming babae, na nagpapakitang Ellie sa panlabas na anyo, na hindi alam kung ano na ang kahahantungan ko bukas.
Gusto kong pumikit habambuhay. Yung hindi na ako makakadilat pa at tanging liwanag na lamang ang bubungad sa akin. Ngunit sa lahat ng nangyari sa akin, baka dilim ang kakamusta sa pagpikit ko, at impyerno ang magiging tirahan ko.
"Ellie, shhh... Calm down, sweetheart." Isang malamyos na baritonong boses ang nagpanumbalik sa akin sa realidad. I wasn't thinking of Aidan pero biglang pumasok ang boses niya sa isip ko. Hindi ko na lamang pinansin ang patuloy na paghagkan ni Freon sa noo ko at pagyakap sa akin habang tinatahan ako.
I wish you're real, Aidan...
Ilang linggo na din ang nakalipas at medyo nakalma na ako. Bumalik na rin ako sa hectic na schedule pero naging mailap ang mga katrabaho ko, kahit ang photographer dahil nabalitaan nila ang nangyayari sa akin. Nalungkot naman ako sa kaisipang iniisip nilang baliw nga talaga ako.
Hindi ako baliw, alam ko iyon sa sarili ko.
Para tuloy akong striktang manager na kapag dadaan ay tatahimik ang buong lugar. Para bang sinasabi nilang hindi ako nararapat sa mundong ginagalawan ko, na dapat nasa mental ako.
Nanlulumo akong humiga sa kama ko pagkatapos ng matrabahong araw. Naginat-inat pa ako para patunugin ang mga buto ko sa likod nang biglang tumulo ang luha ko.
Hindi lumubog ang kama sa tabi ko na dapat ay mangyayari dahil sa pagupo ni Aidan sa tabi ko. He's wearing another cream camisole and pants.
"I'm sorry, I can't be really with you, Sweetheart." Humagulhol ako sa katotohanang sinasabi niya.
"Bakit ba k-kasi di ka na lang naging totoo?" Isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sa akin.
"Because maybe someday, when you reach your goals and fulfilled your principles, someone will come into your life and you will be enlightened why I ain't real."
Tila ba kahit hindi ito direktang sagot sa mga katanungan ko, maraming tinik mula sa dibdib ko ang nawala na parang kisapmata.
Kinabukasan ay paparating ako sa opisina nila daddy para bisitahin siya, kailangan ko ng pagkakaabalahan na mga tao sa paligid ko. Hindi naman kasi pwedeng ako na lang ang palaging kakausapin, kailangan rin daw na ako ang kumausap sa iba sabi ng doctor ko.
Ngunit hindi maipinta ang gulat sa mukha ko nang makita ang isang matipunong lalaki na palabas ng mall sa tabi ng building ni daddy.
Bakit may kasamang batang lalaki si Aidan? Si Aidan nga ba ang nakita ko?
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)