Kabanata 11
"Elisha.."
"Don't call me that. I don't know who's Elisha." Ngumisi siya at lumapit papunta sa malaking kama na hinihigaan ko ngayon.
"Kamusta na? Masakit pa ba ulo mo?" Umiling ako at pumikit. I'm tired of this life, "Nagpaluto ako ng kare-kare kila Poti, I was busy guarding you."
Guarding me? Am I some prisoner who's going to try to escape when he wakes up?
Tila nalaman naman niya ang iniisip ko kaya agad niya itong binawi, "No, I mean, baka mamaya kasi may pumuslit ditong mga tao ko at matiyempuhan ka. I haven't announced to them that you aren't one of the women we took. I just want to keep you safe." Bahagya pang pumula ang pisngi niya at hindi nanatili ang tingin, bagkus ay inayos na lamang ang comforter hanggang sa aking leeg at hinaplos-haplos ang aking ulo, dahilan para maantok muli ako at matulog.
"Poti, wag ka ngang atat. Mamaya na paggising ni boss saka tayo magpapaalam!"
"Para namang hindi ka rin nagpipigil, Marlo!" Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mga boses, saka naramdaman ang bigat ng isang malaking braso sa aking dayong tagiliran. Humarap ako at nakita ang kunot-noong si Zalem na padilat na. Bigla namang natahimik ang dalawang tauhan ni Zalem nang makita ang papunga-pungas pa nilang amo.
"Anong ingay ang naririnig ko?" Inosenteng tanong ni Zalem pero nakita ko pa din ang nanginginig na labi nina Marlo at Poti bago sumagot, "K-kami po yun, bossing."
"Ah! O-oo nga po. Gusto po kasi naming hintayin yang babaeng yan pagkatapos mo kaso po kasi si Poti hindi na makapigil.." nagising ang buong diwa ko sa higpit ng hawak ni Zalem sa braso ko at hinila ako lalo palapit sa kanya. Lumingon ulit ako sa aking likuran para makita ang madilim niyang mukha tila isang leon na handa nang kumain ng tao.
Dahan-dahan siyang bumangon habang mahigpit pa rin ang hawak sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magtatago ba sa ilalim ng kumot o manonood sa mukha niyang tila hinulma ng napakagaling na skulptor, nang mapunta ang tingin niya sa akin.
"Bakit niyo hinihintay si Ellish--"
"Ako si Elliot Keneshea Montealegre, hindi Elisha." Ngumisi siya at tinanggal ang kamay sa aking braso saka hinaplos ito.
"Nakakasawa na yung mga babae sa baba, boss. Hindi na kami makahintay sa kanyang mak--"
"At may balak kayong gawin sa kanya ang di ko pinapagawa sa inyo?"
"W-wala po boss.." nahimigan ko ang pagnginig ng kanilang boses habang kinakalikot ang mga daliri. Isang tango lang ni Zalem na gumigiya sa kanila sa pintuan ay agad na nilang sinunod.
Ako naman ang nanginig nang bumaling siya sa akin.
There will always be things around us that will never be clearly understood. Minsan, palihim na lang tayong humihindi kasi hindi pwedeng may makaalam. Minsan naman, katulad ngayon, hindi ko na lamang maiintindihan kung ano yung rason ng katawan ko para manigas ng ganito. Tila ba nanghahalina ang aura niyang sambahin ang lahat ng sa kanya sa isang titig niya lang.
Si Zalem lang iyan, Ellie.
Sa puntong ito, hindi ko man lang naisip ang daddy ko na naghahanap sa akin, o si Freon na tumatawag na sa hukbong sandatahan para ipacheckpoint sa lahat ng kalsada sa Pilipinas kung nasaan ako. Ang tanging naisip ko lamang ay ang aking nakaraan na pilit kong kinakalimutan ngunit ngayo'y nandito sa harapan ko.
"I was looking for you for years.." aniya
"Hindi ako mahirap hanapin.." sagot ko at umiwas ng ulo para hindi ko malanghap ang amoy niya sa unang hinihigaan ko.
Pumikit siya saglit bago lumapit pa sa akin hanggang sa ka-lebel niya na ang aking sentido, "Kinalimutan mo ma kung sino ka, Ellisha."
I scoffed, "Sino ba namang gugustuhing manatili sa ganoong buhay? Hahahahaha!"
Biglang lumitaw ang malungkot na mukha ni Aidan sa aking isip, tila lumilipad ang utak ko patungo sa mga alaalang hindi naman totoo.
"You were born to be this way, Ellisha.."
Napangisi ako sa alaalang nabuntis ng maaga ang aking ina, nanggaling sa mayamang angkan ng mga Yalenhuite, angkan mula sa isang bughaw na dugong galing Britanya na naubos noong WWII. Ang ina ko'y isang hapones at briton na napatapon dito sa Pilipinas noong siya'y 17 na gulang, bilang prinsesang hindi na nahanap pa at hindi na rin nasagip ang buhay sa kahirapan ng bansa. Doon siya naisahan ng ama kong isa sa mga traydor na kawal ng pamilya nila na kumuha ng kanyang puri. Walang pagmamahalang naganap sa mga magulang ko kundi pang-isahang gabi lamang. Doon ako nabuo, at doon rin nagsimula ang impyerno ng buhay ko.
Pagkatapos noon ay tinago ni inay ang katauhan niya sa pangalang Carissa Romero, na hindi lehitimong pangalan niya dahil siya'y dapat na prinsesang Antonia Yalenhuite VII.
Sa akin napunta ang sisi, ako ang pinalunod ng buhay ng puno ng galit at poot sa mga nasayang na buhay, lalo na sa ina kong prinsesa noon.
At ngayon, hanggang sa aking pagdalaga't pagtanda, dala-dala ko ang kasamaan ng aking ama at pagkasuklam ng aking ina sa mundong makasarili.
Sa mundong ito, hindi nila alintana kung saan ka nanggaling. Mas pipiliin nilang puriin ang lupa kung nasaan ka man ngayon, hindi ang lupang tinahak mo upang magtagumpay. Kaya kung makakabingwit ka ng isdang aahon sa iyo sa gutom ng tagumpay, walang makakapansin noon at kung mayroon man, ika'y tatraydorin at sila'y makakakain ng isdang hindi sa kanila.
Nabaling ang tingin ko sa kamay ni Zalem na humahaplos sa aking braso, tila ako'y hinehele mula sa bangungot ng realidad. Milagro man kung sasabihin, ako'y kumalma mula sa paninigas ng katawan, gawa ng pagala-ala sa nakaraan.
"I was there when you had your nightmare, Ellisha. Huwag mo akong iwan doon.. dahil ikaw, ako mismo ang nag-alis sa iyo upang makaahon."
Napangisi na lang ako nang mapagtanto kong may nakahuli na sa akin sa karagatan.
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)