Kabanata 14

17 0 0
                                    

Kabanata 14

I looked at Zalem annoyingly, "Zalem, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na kasi kanina pa ako naiinis sa titig mo."

Did you know that I almost celebrated my 1st month here in Zalem's house? Pero kahit anong pilit ko, hindi niya ako pinapauwi! I work, I have commitments, I have people worrying about me, and yet ayaw niya pa rin akong pakawalan sa kulungan na tinatawag niyang bahay.

Mamamatay na ata ako sa bagot dito, dahil halos lahat na ng libro sa library niya'y nabasa ko na. Hindi ko naman nakita muli yung misteryosong libro na nasa lamesa niya noong nakaraan, siguro nga guni-guni ko lang yun.

"Do you want to go out?" Aniya

"Ako ba talaga tinatanong mo niyan? Hindi ba halatang kating-kati na ako makaramdam ng init ng araw?" Sarkastikong sagot ko

"Well, I called your father 2 weeks ago. Stepdad, to be exact. Sabi ko nandito ka lang sa akin. Nakatanggap lang naman ako ng frustrated yell at death threat mula sa kanya."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya, "2 weeks ago? Kaya pala simula nun tumahimik ka at mas lalo ako inaasikaso. Now, get me out of here."

"Um.. no, I don't have the energy to argue with you about getting you out but.."

Hindi ko na napigilan ang pagikot ng mata ko sa ka-weirduhan ni Zalem ngayon.

"...we can go out today. You were muttering you want coffee frappe since yesterday so I figured we should drink that today." I squinted my eyes on him.

"Are you asking me on a date?"

"After everything we've been in, yes. I'm asking you on a date——

'Teka lang.' ani ng isang boses galing sa kung sino sa loob ng isip ko.

The following statements will be in 3rd person POV

Kumunot ang noo ni Ellie sa estrangeherong boses ng isang babae na kailanman ay hindi niya pa naririnig pero parang kilala niya.

Napansin niya ding tumigil sa pagsasalita si Zalem, pati ang mga galaw niya'y hindi karaniwan dahil hindi gumagalaw si Zalem!

"Zalem? Zalem, wag ka ngang magbiro ng ganyan!" I'm scared. So scared that I might be into something I cannot think of.

Pero parang tumigil ang oras sa paligid niya hanggang sa literal umikot ang kanyang paligid. Anong nangyayari?

Sa isang iglap, nasa kwarto siya na halatang pambabae. Hindi ito pamilyar sa kanya at lalong hindi niya alam kung anong nangyari!

Iisa lamang ang tanong niya ngayon, "Anong nangyayari?"

Sakto namang pagbukas ng gray na pintuan ng kwarto ay nagpasok ng babaeng... kamukha niya.

Masasabing hindi niya ito kamukha dahil hindi ito kasing-ganda't kinis niya. Maliit ito na maputi, balingkinitan at mahaba ang buhok na kulay abo at itim ang bandang anit. May kalakihan ang kanyang mga pisnging medyo namumula, pati ang matang hindi niya alam kung chinita o malaki, kalat din ang kilay na halatang shine-shave para umarko't gumanda.

Mas tinitigan niya pa ito at nakitang may nunal ito sa kaliwang pisngi, malapit sa ilong, at maputla ang kulay ng kanyang makapal na labi, pati maitim ang paligid ng mata. Nakita ni Ellie ang isang babaeng puno ng dilim ang mukha't aura. Maaaring maganda ito sa unang tingin, pero naramdaman niyang may mali sa loob ng katauhan nito. Kamukha siya nito sa puntong si Ellie ang mas pinagandang features nito sa mukha, yung tipong mapula ang makapal niyang labi, o kaya'y natural nang maarko ang kanyang kilay.

"Ellie.." ani ng babae.

Nanlaki ang mata niya, "K-kilala mo ako?"

"Paano...paano ka nakapunta dito?" Hindi niya sinagot ang babae bagkus ay nilapitan niya. Natapon ang hawak nitong kape sa carpet at napaatras.

"Sino ka? Bakit ako nandito? Anong nangyayari sa akin?" Tanong niya rito.

"Hin-hindi ko alam! Nagtataka rin ako, Ellie!"

"Tinatanong ko kung sino ka!" Ngunit tinitigan lang siya ng maluluhang mata ng dalaga.

Sa kabilang dako ng storya, marahil iniisip niyo kung sino ang babaeng ito. Siya'y nagrerepresenta ng mga tao sa likod ng bawat storyang tinatangkilik ng marami. Sino ba naman kasi ang magtatanong ng kanilang pinanggalingan kung siya'y nakarating na sa pinaroroonan?

Ikaw, mambabasa. Matanong nga kita, sino nga ba ang tao sa likod ng iyong storya?  Nararapat mo bang malaman ang totoong dahilan kung bakit sa ganyan ka napunta? Nararapat mo bang malaman kung sino ang dapat mong sisihin sa mga mahihirap na desisyon mo sa buhay? Kailangan mo bang matukoy kung sino ang sasagot sa iyong kaloob-loobang mga tanong kung sino ka nga ba?

Palagi nating iniisip kung ano ang mga bagay sa buhay natin na nangangailangan ng kasagutan. Katulad ng, "Sino nga ba ako?"

"Ano ang purpose ko dito sa mundong ito?"

"May iba pa bang tumitira sa universe na ito? Bakit hindi sila nagpapakilala sa atin?"

"Bakit ko kailangan magbasa at magsulat?"

"Bakit ko nakakayang magsalita?"

"Bakit maraming mga tao sa mundo? Bakit ako naging tao?"

"Kailangan ko bang tuklasin ang lahat ng sikreto bilang tao?"

"Ano ang ginagawa ko rito sa wattpad? Bakit ako nagbabasa?"

Napakadaming tanong na minsa'y sobrang hirap sagutin, o minsan talaga ay hindi na.

Dito iikot ang mundo ni Ellie... o pati rin ba ang inaakala mong mundo?

Malay mo, may plot twist na mangyayari sa inyong buhay. Malay mo, bukas na pala yun paggising mo.

Kaya bago ito matapos, sino ka nga ba talaga?

Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon