Kabanata 5

55 1 1
                                    

Kabanata 5

"More poses, people! More poses!" Sigaw saamin ng photographer habang nagpopose para sa The M Clothing. Ngumiti si Lennox at humarap saakin sabay hapit saaking baywang.

"Loosen up, Elliot. Don't be afraid." Nagpakawala ako ng hangin at ngumiti kasabay niya. Nahagip naman ng tingin ko ang isang babaeng nakayuko sa likod ng photographer. She was wearing a long dress, but not fitting her cardigan and her shoes. She has no accesories and I can see from here that she's looking at Lennox who held my waist tighter.

"Good, good! And.... Cut! Pahinga muna then change clothes." Lumapit saakin si Aura at pinunasan ang tumutulong pawis sa aking noo. Pinanood ko naman si Lennox na nilagpasan ang babae na parang hindi nageexist. I almost thought she was a ghost pero hinawakan niya ang braso ni Lennox kaya napatigil ang huli sa paglalakad.

"Don't touch me, Terra." Dinig kong sambit niya sa babae at iniwanan ito para makapunta sa dressing room. Isina-walang bahala ko na lang iyon at nagtungo na rin sa isa pang dressing room.

Nang matapos ay binati ako ng malamig na hangin ng Puerto Galera. It's fun to see nature to relax, though I didn't come here to relax. I'm still stressed with the pressure of the photographers and the staff.

Ilang sandali pa ay tinawag na ako ng isang staff na magsisimula na ulit.

"Stay still, Ellie." Ani Lennox at biglaan akong binuhat!

"Ayan! Great pose!" Nagustuhan naman ito ng photographer kaya hindi na ako umalma. Ilang sandali na lang din at matatapos na ang kakangiti ko para sa bagong collection na ilalagay ang iba sa lookbook o di kaya'y sa billboards at magazines.

"We're off!" Nakahinga ako nang maluwag. Another busy day for me!

Nagpahinga muna ako sa folded chair kung saan nakabukas ang aking laptop. Nagtipa ako ng mga salitang gusto kong iparating sa mga kababayan kong pilipino:

Ang Inang Bayan ang tumulong saatin upang magbukas ng mga bagong bagay na dagdag sa ating intelektwal na katauhan. Ito ang ating daang patungo sa moderno at matalinong mundo na ating tinitirhan ngayon.

Natutunan ko, na ang daan patungo sa kapayapaan at kalayaan ng ating lahi ay hindi sa mga protesta o gyera. Ito ay ang pagiging tapat saating pagsasalita ng filipino. Paano natin maiaangat ang sarili natin kung ang mismong bagay na tumutugon sa ating lahi ay kinakalimutan. Hindi cool at nakakarich kid ang pag-e-english, hindi old-fashioned ang filipino, hindi sophisticated language and french, at mas lalong hindi tayo mga amerikano para ipalaganap ang ingles.

Maaring "English is the Universal Language", ngunit hindi iyon rason para talikuran ang sariling wika at yakapin ang ang teknolohiyang nagpapababa ng ating kaalaman sa realidad. Ang wikang pinabangon at minulat ng libo-libong pilipino noon ay dapat na isabuhay ngayon. Hindi pagbabago ang palaging sagot sa kaunlaran, ito ay ang pagmamahal ng sarili at pagpapalaganap na ikaw ay "proud" sa pagiging pilipino, hindi man nila maintindihan ang sinasabi mo. Kung mahal mo ang sarili, ito ang magpapataas saiyo patungo sa dapat mong kinaroroonan.

Huwag tayong matuto na makibagay sa iba at makikapit sa kinakapitan ng iba, dahil iyon ang tatawag saating pabigat. Huwag din tayong umasa sa iba, sapagkat may sarili tayong bansa na dapat itayo mag-isa. Hindi natin kailangan ang ibang tao upang makaangat, determinasyon at pagmamahal sa lahi at makakamit din natin ang mithiin ng ating mga bayani.

(Quick note: it was personally made, as well as the other lits that Ellie posts in her blog. Please, if you want to copy it, ask me a permission first. Plagiarism is a crime. Maaari kayong matrace at isang pindot lamang ay malalaman na kung sino ang kumuha ng walang paalam. Please, don't steal my ideas and my literature. They're my prized possession. Thank you.)

"Magpahinga ka na, Ellie." Sulpot ni Aura sa gilid ko, "Why are you suddenly writing about being a filipino?"

I shrugged, "I don't know, it just came up." Ngumiti ako sakanya ang suddenly saw Aidan beside the photographer, looking at my shots with Lennox. I met his gaze and gave me a thumbs up.

I'll never get tired of that smile..

"Earth to Elliot Keneshea. Hello?" Kumaway-kaway pa si Aura sa aking mukha para makuha ang aking atensyon.

"I'm sorry," nalipat ulit ang tingin ko kay Aidan na pagala-gala lang na parang bata at tumitingin-tingin sa mga rack ng damit at sapatos.

"Aidan!" I called him and he heard. Kumunot ang noo ni Aura at niligpit ang laptop ko. Lumapit ako kay Aidan na nakasandal sa pader. His muscled arms flexed as he extended it to reach my hands.

"I'm so proud of you, sweetheart." I can't help but to blush, "Thanks, Aidan. I'm glad you're here."

Kahit nagtataka ako kung paano siya nakapunta rito ay wala na akong pakielam. Basta't nandito na siya at di na ako nag-iisa.

"Uh..We need t-to go home, El." Singit ni Aura saamin. Lumingon sakanya si Aidan pero nanatili akong nakatingin sa huli. Aidan's lips is pure perfection, how it was shaped and colored and moisturized.

"Go home now, Ellie. I'll be there." Tumango ako at nagpaalam. Kumaway ako nang palabas na kami ni Aura at nginitian niya ako pabalik.

"You should bade your goodbye too, Aura." Sita ko sakanya. Ngumiti na lamang siya at kumaway ng tipid kay Aidan na nakaupo na sa isang monoblock.

"Ellie..." Lumingon ako kay Aura na may gustong sabihin ngunit di natuloy dahil umiling siya at niyakap ako, "I know you can survive this."

"What about surviving?"

Ngumiti siya at kumalas sa yakap, "Let's seek for a psychiatrist again to check on you."

Is she talking about me traumatic experience? But that's ages ago!

Unfortunately, I suffered from a mental disorder caused by the trauma I've been in. Buti na lamang at sinabi ng doctor pagkatapos ng ilang taon sa pagte-therapy ay magaling na daw ako at namumuhay na ng matapang at normal. I can still remember how relieved I was, but knowing that Aidan isn't there when I was in need of him, when I need him for guidance and support aside from Dad, Freon's family and of course, Aura, I was upset and frustrated.

"Stop being a paranoia, Aura. You're treating me like a patient with mental disorder." I chuckled but she remained smiling. So this is getting creepy.

Nakarating kami sa hotel na tinutuluyan namin at nanlaki ang mata ko nang makita si Aidan sa tabi ng bellboy na nakamasid sa sasakyan namin!

"How did Aidan got here so fast?" Tanong ko kay Aura. She just shrugged and got off the car.

Aidan asked me where our rooms are and I answered him the thing he wants, "I want you safe, Ellie. All the time. I'm gonna check in a room beside or even in front of your rooms to guard you."

"Come on, Aidan. There's no one to be afraid of!"

"There's things that you should not know now but you should know when time comes." Kumunot ang noo ko sa binanggit niya. I'm not getting something at all.

Nagbuntong-hininga na lamang ako at pumasok na kasunod ni Aura.

People are so weird today.

Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon