Kabanata 16
"Ayon kay Plato, may dalawang klase ng mundo: ang world of forms o hyperuranium, at ang material world. Napakaimposibleng isipin na kaya palang magkonekta ang dalawang mundo para tumawid ang isang katulad mo." Ani Lyanna habang hinahalo ang kanyang kape at nakaupo kasama ko, sa isang mahabang sofa sa dayong patio ng bahay niya.
"Pero I'm here, so it's possible." Tumunog ng pa-slurp ang kape ko habang iniinom ito at nakatitig sa namumutlang manunulat na nasa harapan ko.
"Hindi ko alam kung paano tayo mag-uusap, ngayong alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo."
"Kaya siguro ako na lang ang magtatanong ng tungkol sa buhay mo, Lyanna." Napangiti siya sa tugon ko.Siguro kung may magbabasa man ng storya ko, malalaman kung gaano kakomplikado ang buhay ng isang manunulat. Bakit? Sapagkat ang reyalidad at pantasya'y palaging nahahalo, palagi ring napapagbaliktad. Pati mga emosyon ay minsan nang naapektuhan, ang storya ng buhay na malaya pang naibabahagi sa kahit isang kabanata sa libro.
Nakakapagtakang tumagal ako sa mundo ni Lyanna ng limang araw. Minsan pa nga'y inuulit ko ang paggalit ko sa kanya at baka sakaling bumalik ako sa dapat kong kinaroroonan ngunit.. Sa tingin ko'y di pa oras. Sa tingin ko'y naglandas ang aming bituin, hindi para maging katulad ni Romeo at Juliet, kundi maging karamay ng isa't isa.
"Tawagin mo akong Juana, iyon ang tunay kong pangalan..." Tinig niya isang araw habang kumakain kami ng ginataang isda noong hapunan.
Tumango ako at ngumiti, tanda na tanggap kong may istorya sa likod ng kanyang abong buhok at tinatagong pangalan.
Si Juana o Lyanna ay lumaki sa marangyang pamilya hanggang sa siya'y 19. Nalaman niyang ang kinikilalang ama ay hindi tunay pagkatapos siyang magahasa, at mabugblg tuwing wala ang kanyang ina. Sa kamalasang palad ay nagbunga ang kahayupang gawain sa kanya ng lalaki at inakusahan siya sa maling paratang ng kanyang ina at pinaalis. Dahil doon, nagsikap siyang buhayin ang batang nasa loob niya ngunit... Isang blue baby ito noong lumabas, malamig at hindi tumitibok ang puso.
Kaya namang naisip niyang lumihis ng daan at kumapit sa black market. Pumasok siya sa Pegasus, isang sikat at eksklusibong club na para sa mga importanteng tao sa loob at labas ng bansa, nang may makilala siyang lalaking pangalan ay Rowanov, isang kanong traveller na sa kalaunan ay nalaman niyang prinsipe pala ng Sicily, isang isla na rehiyon ng Italy.
Sa kabila ng kanyang pamumuhay ay tinanggap siya nito, at doon niya nasagap ang pasyon para sa pagsusulat, doon niya ako ninais mabuo. Ngunit habang ako'y ginagawa ay nahinuha na niyang mali ang relasyon nila noong nakatayo na siya sa harap ng legal na asawa ni Rowanov. Hanggang ngayon ay pinapahanap siya upang ipatapon sa Sicily, at doon hahatulan ng kamatayan.
"Nasaan si Rowanov?" Tila may humati sa aking puso nang makita ko ang luhang tumakas mula sa kanyang mata.
"Ano pa nga bang gagawin mo kung di mo mahal ang isang taong nadawit sa gulong pangkamatayan?"Ganoon naman siguro palagi. Tutal ay tayo, lalo na kapag tumanda, alam na ang lahat ay may katapusan. Kaya bakit pa susubok kung alam naman na sa bandang dulo, may tuldok pa din? Natatakot nang lumaban pa, duwag na sa ilalabas na lakas na baka ang pagaalayan ay hindi naman karapat-dapat.
"Hindi siya sapat na matapang para ipaglaban ako. Ano pa nga ba ang pipiliin niya kung naghihintay na sa kanya ang trono ng karangyaan sa Sicily, o ang maghirap kasama ako? Napagdesisyunan nilang ipatapon na lang ulit ako rito at hindi na pwedeng bumalik doon." Patuloy niya.
Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang nangyayari sa akin. Should I be thankful because my life isn't shitty as hers kasi fictional lang? Or be mad kasi it is shitty as hers?
Sumasakit ang ulo ko. I don't even know where to start analyzing shits and we're even entering Philosophy. Ano naaaa?!
Magiging okay lang naman lahat diba?
"Ellie..." Bumalik ako sa "reyalidad" noong tinawag niya ako at muling luminaw ang kanyang imahe sa aking mata.
"Kelan ba ako makakabalik sa amin? Kapag ba nakabalik na ako, nakalabas na ako mula sa mansyon ni Zalem? Ni hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa kabila. Lyanna, paano mo to nagawa?"
Ngumiti lang siya ng malungkot at umiling.
Ito ang tanda ng plot twist sa 2018 ko.
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)