Kabanata 15
Nanatiling magkatitigan ang dalawang babae sa loob ng silid na iyon, isa'y nagtataka at isa'y nagugulat, marahil ay hindi makapaniwala sa nangyayaring halos imposible pero nasa kanyang harapan na.
"Ellie.."
"Sino ka?" Patuloy pa din ang naguguluhang titig niya sa babaeng halos kamukha niya.Nawala ang pagkagulat nito sa mukha at ngumiti, ngunit kitang-kita rin naman ni Ellie ang nanginginig nitong labi.
"Ako si Lyanna, Ellie. Ako ang gumawa ng storya mo."
"HINDI TOTOO YAN! HINDI!" Sumugod si Ellie patungo sa babaeng Lyanna at sinampal ito! Napunta sa kanan ang mukha nito, nagulo ang buhok, at namuo ang dugo sa pisngi.
"Aaah!"
"AAAAH!"
"Ellie! Wake up!"Una kong nakita si Zalem na hawak-hawak ang braso ko habang hinihingal din tulad ko.
"Ellie, you fainted! Bakit?"
"I...I don't know.."Siguro'y naramdaman niyang kailangan ko ng pahinga saka ako pinapunta sa aking kwarto. Ganun naman dapat diba? Kapag pagod ka na, kailangan mong magpahinga. Bakit? Para saan? Napatingin ako sa buwan na napapaligiran ng dilim, at mumunting liwanag mula sa mga bituin. Bakit nga rin bang kailangan ng gabi, kung pwede namang palaging araw?
Kasi nga nakakapagod din gumawa ng isang bagay na paulit-ulit na lang.
Napangiti ako ng mapait habang papahiga, nang maalala ko ang nangyari sa akin pagkatapos mawala ng parang bula si Zalem. Ano sa tingin mo ang mangyayari, kung may isang taong sinasandalan mo, iyong doon ka dumidipende sa halos lahat ng bagay kasi gusto mong sumaya siya, at gusto mong nandiyan lang siya palagi. Ano sigurong mangyayari kung mawala yung taong pinagkukuhaan mo ng lakas, mula sa lahat ng kahayupang ginagawa sa'yo ng mundo?Para kang patay na gusto pang mabuhay, o patay na naglalakad pa din. Para kang mansanas na bulok, hindi na mapapakinabangan pa. Para kang tumititig lamang sa kawalan at nag-iisip ng mga, "Paano na?"
Alam ng lahat na mahirap maiwanan, pero di lahat nakakaalam kung gaano kahirap. Puwes ito, isipin mong susubo ka ng pagkain tapos gutom na gutom ka na, ngunit ang pagkaing sinandok mo'y biglaang nahulog sa sahig at iyon na lang ang nagiisang subong natira para sa'yo. Mas gugustuhin mo pang pulutin ang pagkain mula sa maduming sahig, pero may mga daga, pulubi, at asong nag-uunahan na palang sumalo sa pinagkainan mo. Wala ka nang magagawa kundi manghinayang, manghinayang sa mga pagkakataon na dapat mas inayos mo ang pagkakasubo mo para hindi ito masayang.
Tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata, ngunit nandiyan naman pala ang unan para saluhin ang mga ito. Ang talukap ng aking mga mata'y bumibigat na, kasabay ng aking pakiramdam. Kailan kaya gagaan? Nandiyan na naman ulit si Zalem, ah? Nandiyan na ulit siya pero bakit masakit pa din? Kasi alam kong hindi na maibabalik pa ang mga oras na dapat siya ang sumasalo ng mga luha ko?
Katulad ng gabi, ang dilim ay sumanib na rin sa loob ng aking kwarto, at loob ng aking wisyo.
• • •
Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang sarili kong nakaayos sa harap ng salamin. Zalem and I will be having a date. Akala ko'y isang panaginip lamang iyon pero pagkagising ko ay hinain na sa akin ni Zalem ang plano niya para sa araw na ito.
Ibig sabihin rin ba noon ay totoo ang—— hindi, hindi iyon totoo.
"Ellie..."
Pinilig ko ang ulo ko upang mawala ang boses na iyon at nagpasyang bumaba na. Nadatnan ko naman roon si Zalem na nakatayo sa dulo ng magarbong hagdanan at inaayos ang cuffs niya, habang si Poti at iba pa niyang tauhan ay nanggugulo sa sala, habang naglalaro ng video game.
Umangat siya ng tingin, sakto sa dress na aking suot. Paborito ko na ito, velvet kasi ang tela at bodycon pa ngunit di gaanong hapit. Napangiti siya nang makitang siya ang bumili ng damit na ito.
Sa wakas makakalabas na rin a——
Ang video game na nilalaro nila Poti ay biglang tumigil, pati na rin ang mga babaeng sumasayaw-sayaw, hindi natuloy ang pagkahulog ng juice mula sa kamay ng isang katulong, lalo na ang segundong kamay ng orasan sa dayong ibabaw ng pintuan ay tumigil rin. Napatingin ako kay Zalem na nakangiti't nakalahad ang kamay ngunit di na gumalaw pa.
Mauulit nanaman ba?
Isang hingang malalim, at nasa ibang lugar nanaman ako, ngunit hindi ito kwarto. Mansyon pa din ito ni Zalem... O sa kanya nga ba talaga?
Ang maayos na red carpet sa magarbong hagdanan ay punit-punit, na may hawa pa ng anay sa bandang dulo. Ang lumulupaypay na kurtina ay nawala sa bintanang malaki, ang sofa ay tanging monoblocs na lamang at walang tv, at walang naghihintay na Zalem sa dulo ng hagdan.
"Ano nanaman ba ito?"
"Ellie!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Ang kanyang abong buhok na hanggang baywang ay umaalon sa bawat takbo niya papunta sa akin."Ikaw si Lyanna diba?"
Halatang mang kinakabahan, ngumiti siya, "Oo, ako nga."Kailanman ay hindi ako natitigan ng isang tao na para bang ang ganda-ganda ko, na walang halong kabastusan sa iniisip, ngunit ngayon, nandito ako sa harap ng isang babaeng nakatitig sa akin na para bang ako na lang ang taon natitira sa mundo, puno ng admirasyon ang kanyang mapupungay na mata na may kasamang maliit na ngiti, "Palagi kitang iniisip kung ano nga ba ang itsura mo, at hindi ako nagkamali sa paglarawan sa'yo."
"Sino ka ba talaga?"
Tumawa siya ng mahinhin, "Nakaktuwang manunulat ka pero ikaw mismo hindi malaman-laman kung ano man ang nangyayari sa'yo ngayon."
"Hindi, imposible yan dahil kailanman, ang piksyon ay mananatiling piksyon—""Ngunit hindi ka nanatiling piksyon, Ellie. Kaya nga nasa harap kita ngayon, bunga ng lahat ng pagpupuyat ko pagkatapos ng mahabang araw. Bunga ng mga araw na puro poot at daing, ay ikaw, Ellie. Sa'yo ko naibigay lahat ng hinanaing ko, lahat ng dinadala ko. Ikaw an sumalo sa lahat ng problemang inaakay ko—"
"At ako ang pinili mong pahirapan ng buong buhay ko? Sa akin mo binigay yung buhay na lahat ng tao, mas pipiliing mamatay? EH DUWAG KA PALA EH!"
"E-Ellie, hindi ganun.. Walang sinuman ang gugustuhing magbigay ng miserableng buhay sa iba. Hindi ko aakalain na magiging totoo ka, Ellie maniwala ka."
"Sana ganun na lang pala kadaling magpasa ng kahinayupakan ng mundo, ano? Gagawa ka lang ng storya, at ibibigay sa kanya ang lahat ng bagahe mo. Salamat, Lyanna. At dahil sa'yo, sana magkaroon ka na lang ng lakas para patayin ako sa storya mo."
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)