Simula
"PUTANGINA ANG LANDI MO TALAGANG BATA KA! NAPAKAWALANG HIYA MO!"
"Nay tama na po! Maawa po kayo sakin, nay! Aah!"
"MAAWA?! PUTA KA TAPOS MAAAWA AKO SA'YO?! NILANDI MO ANG ANAK KO! NILANDI MO ANG KAPATID MO, MALANDI!"
*wapak!*
Tunog iyon ng kawayan, na bumabakat ang bawat hampas sa aking balat. Tila ba pati buto ko ay natatamaan sa sakit na tinatama saakin ng aking ina.
Wala akong nagawa. Wala kundi humagulhol at magmakaawa.
"W-wala po a-akong gina-ginagawang masa-masama, I-inay..." Nakiramdam ako mula sa labas ng sako at narinig ko ang halakhak ng ina at ama-amahan ko.
"NAHULI KO KAYO, ELLISHA! UUNGOL KA NA LANG HINAYUPAK KA! UMAMIN NA ANG KAPATID MO, PAKYU KA. WAG KA NA MAGMALINIS PA! ANG MALAS-MALAS NA NGA NG BUHAY KO, DADAGDAG KA PANG, MAKATI KA!" Ani itay na kasabay niyon ay isa pang napakasakit na hampas naman ng kahoy sa aking likod.
Nakakatuwang nasa loob ako ng sakong nakakabit sa puno ng Narra, habang nakatali ang kamay at paa at sisigaw sa bawat sakit na dinadanas ko ngayon. Eto ang rason kung bakit ako nabubuhay. Eto ang rason kung bakit ako humihinga ngayon.
Parausan ng kapatid na hindi ko kadugo, balingan ng sakit sa katawan ng lasing kong tatay-tatayan, at taga-tanggap ng sisi galing sa inang kailanman ay hindi ako tinuring na anak.
"N-ni-rape po ako, Inay! A-ayoko na po! T-tama na! Aaah! Inaaay!" Ngunit hindi sila naniniwala sa akin.
Impit na sigaw ang nilalabas ko sa bawat hampas ng makapal na kahoy at sa kawayan na sabay sinasalubong saakin. Impyerno? Hindi. Ito ang mundo ko.
"SINUNGALING KANG BATA KA! HINDI KITA PINALAKI PARA MAGING GANYAN! PINALAKI KITA PARA UMANGAT KAMI SA KAHIRAPAN!" Narinig kong sigaw ng ina ko.
"MALANDI TALAGA IYANG ANAK MO, CARISSA! ITAKWIL MO NA LANG YANG WALANG KWENTANG BABAENG YAN NANG TUMAHIMIK NA ANG BUHAY NATIN!"
Nakaramdam ako nang pag-asa nang sabihin iyon ni itay. Gusto ko nang makalaya, gusto ko nang makawala sa kanilang mga kamay..
"Aaaah! A-aray ko po!"
Wala na akong malalabas na luha, wala na akong buhay dahil ayoko nang mabuhay pa.
Pagulong-gulong akong sinisipa ng aking ama-amahan ko. Hindi ko alam kung saan kami patungo, kung saan niya ako dadalhin at ano ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos nito. Siguro wala na, siguro patay na ako.
"AY TANGNA, NAHULOG ANG PUTA!" Iyon ang huli kong narinig saka ako gumulong-gulong pababa, siguro pababa ng bangin na hindi ko alam kung ano ang naghihintay saakin roon.
Pilit kong binabalewala ang sakit na dumidikit saakin, habang naririnig ko ang kaluskos ng tinatahak kong daan. Wala akong makita kundi dilim, dilim na nakikita ko sa 15 taon kong pamumuhay sa mundo.
"Shit! Ok ka lang?!" Hindi ako makahinga, ramdam ko ang sobrang sikip na sako kung nasaan ako. Ngunit hindi nagtagal ay napunit ang sako at nakahinga ako ng maluwag.
Naaninag ko ang isang lalaking binubuhat ako at pilit na tinatanong kung ano nangyari saakin, at kung ano ang pangalan ko..
"E-elli..." Hindi ko magawang madilat ang mata ko at ang tangi ko lang nakikita ay dilim.
Ngunit ang dilim na iyon ay alam kong mawawala din.
Dahil hindi na ako si Ellisha Romulo.
I am Elliot Keneshea Montealegre. And no one will ever smash a piece of shit on me.
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)