Kabanata 12
Tahimik akong pumuslit sa bahay namin at patakbong umalis para pumunta ngayon sa mansyon.
"Psst!" Agaw ko ng atensyon sa lalaking nagbabasa ngayon ng libro sa kaniyang bintana. Naghagis naman ako ng dalawang maliliit na bato bago niya ako napansin at maagap kong nakita ang pagliwanag ng kanyang mukha.
"Elisha! Teka lang, bababa ako." Tumango ako sa kanya saka sinipa-sipa ang iba pang maliliit na bato sa kanilang pathway sa backyard nila. Bawal kasi akong pumunta dito kaya sa mga taniman nila ako dumaan, pinagbawal ng kanyang lola na alam ko'y nasa patio ngayon at nagkakape dahil magtatanghali na.
Nakarinig naman ako ng kaluskos sa likuran ko saka hinarap para makita ang isang matipunong binata na may suot na ternong pajamas at nakasalamin pa. Ngumiti na naman siya sa akin kaya nakalimutan ko ang dapat kong rason para pumunta rito.
"Ellisha, dapat hinintay mo na lang akong pumunta sa inyo. Ang layo-layo kaya ng rancho sa bahay niyo!" Salubong niya sa akin.
"Hayaan mo na yun, Zalem. Nagandahan naman ako sa mga tanim niyo at nakausap ko pa si Mang Tani doon sa maisan na nadaanan ko. Natanggap ko nga pala yung text mo sa akin kagabi, anong ibig mong sabihin?" Tuloy ko sa cellphone kong bigay niya at tinago ko mula kina inay dahil baka ipabenta niya lang sa akin.
Ngumiti siya ng malungkot, "Aalis na daw ako, sabi ni grandma. She said I will be with dad and mom sa Australia. I don't know when will I come back."
Hindi ko akalaing ganito kasama ang mararamdaman ko na mawawalay ako sa isang kaibigang nagpoprotekta sa akin mula sa dahas ng magulang at kapatid ko. Nag-iisa na lang si Zalem, iiwan pa niya ako?
Alam ko kasing hindi makakalaban sa kanya sila inay dahil alam nilang makapangyarihan ang angkan ng Mozakowski. Anuman ang mangyari kay Zalem at nalamang sila ang may pakana, baka hindi lang pagpapaalis sa lupang pinagaarian ng lola ni Zalem ang mangyari sa bahay namin.
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi, "Don't worry, we'll stay in touch. Pangako ko iyan. I'll be updated with your whatnots, at I'll just be a call away. Hindi mo mararamdamang wala ako kasi nandyan naman si Granpa Tani para protektahan ka sa pamilya mo. Babalik ako at kukunin kita sa kanila, ok? Sandali lang ako mawawala."
"Zalem... ayokong umalis ka.." pinunasan niya ang tumakas na luha ko at hinalikan ako sa noo.
"Shh.. wag mo nang bilangin ang mga taon kasi babalik ako agad. Babalikan kita." Tumango ako at naramdaman agad ang init ng yakap niya sa akin.
"Zameus! Nasaan na ba yung batang iyon?!" Napalingon kaming dalawa sa papalapit na boses ng lola niya. Agad akong lumingon sa mukha niya at minemorya ang bawat anggulo't parte.
Ito na ba ang huli kong tingin sa kanya?
"I'll better get going, Ellisha. I promise you, babalikan kita." Hinalikan niya ulit ang noo ko at tumakbo na sa loob ng mansiyon nila.
Paano na ako ngayon? Mag-isa na lang akong lalaban sa nakakapagod na laban na ito.
Bakit mo pa ba idadamay si Zalem sa mundo mong magulo, Ellisha?
"..I will be with mom and dad sa Australia.."
Napatingin ako sa lawak at hekta-hektaryang bukirin na pagmamay-ari ng angkan ni Zameus Lexionn Mozakowski... at sa suot kong maduming bestida na medyo maliit na sa akin.
Hindi siya nababagay sa mundo ko.
Napabalikwas ako ng tayo at di ko napansing umaapaw na ang tubig sa basong nilalagyan ko.
"Ay!"
"Seems like you're having a little flashback in there, Ellie." Pinigilan kong lingunin ang baritonong boses na iyon at inubos ang basong may tubig saka nilagay sa lababo.
Zalem made it clear to his men that I won't be sent off to different perverts or in a club. Sinabi niyang kilala niya ako at dapat din akong respetuhin. Ayaw ko mang mangyari iyon sa mga babaeng kasamahan ko sa pagdakip nila, wala rin akong magagawa kundi yumuko. Hindi ako superhero, wala ako sa apakang kailangang luhuran ng mga tao para sundin..
"Why am I still here? Kung hindi na pala ako kasama sa mga babaeng dinakip niyo, bakit ayaw niyo pa ako itapon sa kung saan ako nanggaling?"
Napailing na lamang siya at dinala ako sa taas. Kahit magpumiglas pa ako, alam ko namang kayang-kaya ako ni Zalem kaya sinunod ko na lang siya kung ano ang gusto niya para sa akin.
Hanggang makarating kami sa isang malaking kwarto na maraming sofa at malaking TV.
"Go watch.. whatever you want. I'll be somewhere for a while. My men will watch and guide you from outside. You'll be safe here." Aniya na nagpakunot ng noo ko. So when did he become Mr. Control Freak now?
Nagbuntong hininga na lamang ako at namili ng mga papanoorin sa mga shelves doon na puro DVD hanggang sa may mapili ako.
I scoffed at myself when I realized I picked a romance film of Adam Sandler. Sa nangyayari ngayon, hindi ko pa alam kung saan ako makakapulot ng pagibig mula sa ibang tao, lalo na kung pang-habambuhay.
Naaawa ako sa babaeng hindi nakakaalala kung anong nangyayari sa kanyang kahapon. She keeps on living the same routine on different days, with same people. But on the other side, I envy her. Buti pa siya't may mga taong handang magsakripisyo para ang sa kaligtasan at kasiyahan niya. Pero ako? Ni pusa ay walang pakielam sa akin.
Her story reminded me of my collections of stories in my head, but never will be typed nor written in reality. Para bang pinipilit ako ng isip ko na huwag takasan ang realidad kung nasaan ako ngayon. That no fantasy of mind can save me from the hits of reality. God, I hate my life.
"Are you still good?" Medyo nagulat ako sa baritonong boses niya at napalingon sa kanyang gawi.
"No."
Then there's Zalem in my life...
BINABASA MO ANG
Sincerely yours, Ellie. #Wattys2018
General FictionDear You, Why don't you read my story? - Ellie :)