Chapter XV

2.2K 49 1
                                    

Chapter XV




- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -

Point Of View



"Saan ang punta mo?" Kalalabas ko lang ng room ko ng mapalingon ako sa kakabukas lamang na pinto. Pinto 'yun ng kwarto ni Clinton. Katabi ng kwarto ko at dun naman sa kabila ay 'yung kwarto ni Kia. Bali pinagigitnaan nila ang kwarto ko.


"May aayusin lang ako." Sagot ko at siya naming lapit niya.


"Gusto mo bang ihatid kita?" Pagtatanong niya at nagulat nalang ako ng mas lumapit pa siya sa 'kin. T-Teka.. anong ginagawa niya?


Nung makalapit siya ay unti-unti siyang yumuko(since matangkad siya) at akma akong hahawakan. "A-Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Shete! Bigla akong nailang dahil sa lapit ng mukha niya sa 'kin.


"May tatanggalin lang ako," aniya at may kinuha sa ulo ko. Nakita ko na feathers 'yun. Oo nga pala, nagpillow fight pala kami ni Kia kagabi at natuwa kami sa nagliliparang balahibo ng manok o ibon? "Hayan, wala na." Nakangiting pahayag niya pa sa 'kin. Napaiwas naman ako ng tingin.


Bakit ba bawat galaw nito akala mo nagmomodelo? Kung sa bagay modelo nga siya at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magiging magkapatid kami. Idol ko 'to sa pagiging model, eh. Parang dati lang napapanood ko lang siya sa tv at nakikita sa mga magazines.


"S-salamat." Ani ko at saka siya tinalikuran pero tinawag niya ako.


"Alexi--este Freya!" Napalingon ako sa kaniya. "'Yung alok ko sa 'yo h'wag mong kalimutan ah. Sayang 'yun, baka 'yun na ang pinakauna at last oppurtunity na darating sa 'yo." Paalala niya pa sa napag-usapan naming kagabi.


"Alam ko. Salamat ulit." Bahagyya akong ngumiti sa kaniya at saka nagpatuloy na sa pagbaba. Dinaanan ko si tito para magpaalam muna at saka ako umalis.

.

.

.


Nandito na nga kami ni Zenwel sa maido cafe na pinagtatrabahuhan ko. Tapos na ang shift ko kaya naman pwede na akong makipagdaldalan sa kaniya.


"Masaya ako at may nakilala kayong malapit na kaibigan ng mga magulang mo." Komento niya matapos kong ikwento si tito Will.


"Ganun din ako, Zenwel. Marami siyang kwinento about kina mama at papa." Kinuha niya 'yung cafe na inorder niya at saka ito ininom bago nagsalita.


"So, 'yun na ba ang gusto mong sabihin sa 'kin?" Pagtatanong niya. Naku, ito na nga. Baka hindi siya pumayag. Patay tayo niyan kapag nagkataon!


"Ano kasi Zenwel eh. Ano." humugot muna ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kaniya. "Plano niyang ampunin kami at ituring na mga anak." Pagpapatuloy ko. Ginawa na naman niya 'yung signature move niya na paghawi sa bangs gamit 'yung ring finger niya. Kinakabahan naman ako sa sasabihin niya. Kaya uminom muna ako ng coke.

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon