MTMS Chapter //: 32
- Clinton Watson -
Point of View
NASA ospital ako ngayon. Dinalaw ko lang 'yung isa sa mga staff ko na naaksedente. Nagkaroon kasi ng banggaan sa kalye eh at may napahamak pang babae na tumatawid lang daw. Nakapagbigay na ako ng tawad dun sa pamilya ng biktima at nagbigay ng tulong at pakikiramay.
Medyo okay na 'yung dinalaw kong staff kaya pauwi na ako ngayon. Bakit ba ang problema kung dumating sabay-sabay? Damn!
Pagliko na pagkaliko ko ay may nabunggo ako. Natumba siya sa lakas ng impak ng pagkakabungguan namin.
"Ah miss, I'm sorry." Hingi ko na kaagad ng sorry kahit siya naman talaga ang may kasalanan. Eh hindi tumitingin sa daan eh. Hayaan nalang.
"Okay ka lang ba miss? Anong nangyare? May masakit ba sa 'yo?" Pagtatanong ko nang hindi siya magsalita. Nakatungo lang siya at hindi gumagalaw.
"Pakiusap.. pa-parang awa mo na.. tumawag ka ng d-doktor. Please.. sabihin mong tanggalin 'yung puso ko. Ang sakit!! Ang sakit sakit na!!!" Pagmamakaawa niya at matapos nun ay humagulgol siya ng iyak. Dun ko lang napagtanto na si Freya ang nakabangga ko.
"Freya.." Pag-aalala ko. Iyak siya ng iyak na halos hindi na siya makahinga sa sobrang hikbi. Pukpok siya ng pukpok sa bandang kaliwang dibdib niya. 'Yung masakit ang parteng yun kung na saan ang puso nya. Ano na naman bang nangyare?
Inalalayan ko siyang tumayo, agad siyang yumakap sa 'kin at sinubsob 'yung mukha niya sa dibdib ko. Malamang ayaw niyang makita siya ng iba na sobrang hina niya at nag-iiiyak.
"Halika na. Uuwi na tayo." Malumanay na sabi ko sa kanya at giniya ko siya papuntang parking lot. Sa byahe ay iyak pa rin siya ng iyak. Gusto kong magtanong sa kanya kung ano bang nangyare pero hindi ko magawa. Kapag ganitong umiiyak siya, mas mabuting hayaan lang muna siyang maibuhos ang lahat ng nararamdaman niya bago siya kausapin.
Nung makarating kami sa bahay(mansyon) ay hinatid ko siya sa kwarto niya. Tumigil na siya sa pag-iyak pero humihikbi pa rin siya at tulala. Ayan na naman siya sa pagiging tulala. Natatakot ako kapag ganyan siya eh. Nag-aalala na talaga ako.
"Magpahinga ka na muna Freya. Kalimutan mo muna ang mga nangyare at bukas nalang natin pag-usapan ang lahat." Sabi ko sa kanya at akmang tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa side ng kama niya pero hinawakan inya ako sa braso ko para pigilan.
"Peke lang ang kasal namin." Nanghihinang sabi niya. Halos wala nga atang lumabas na boses sa bunganga niya eh. Pero naintindihan ko. Alam niya na? DAMNIT!! Ito na nga ba ang iniiwasan ko eh. Ang masaktan siya ng ganito. Kaya pala ganun nalang kung umiyak siya.
Ngayon tuloy ay nagpaplano na ang utak ko kung paano ko babasagin ang mukha ng walangyang Ashfortz na 'yun! Wala siyang karapatan para ganituhin si Freya! Walang sino man ang pwedeng magpaiyak sa kaniya ng ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/8344662-288-k24070.jpg)
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
Ficción GeneralI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...