Chapter XVIII

2K 47 1
                                    

Chapter XVIII




- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -

Point Of View



"Freya, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na dito." Nakangising tinapik pa ang space ng kama sa tabi. Kung makahiga siya akala mo iniendorse niya 'yung masterking size bed naming and yeah, kama. Nandito na po kami sa kwarto NAMIN.


"H'wag kang mag-alala Freya, promise! Hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na magpapaakit sa 'yo. Alam mo naman, ako si Zenwel Ashfortz. Gwapo na, yummy pa! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!~"


Bwiset!!! Bakit ko ba kasi nasabi 'yun?! 'Yan tuloy inaasar niya na ako. Huhuhuhuhu~



FLASHBACK


"BASTOS!!!"


"What? Ano na naman bang ginawa ko?" Maang pang tanong ni Zenwel. "Wala naman akong ginagawang masama ah." Dagdag niya pa at akmang lalapitan ako kaya agad akong napaatras.


"H-h'wag kang l-lalapit." Panduduro ko pa sa kaniya. Piling ko kapag nahawakan pa ako ngayon ni Zenwel mas lalo akong mag-iinit. Bakit kasi nilikha pa ang salitang 'urges'? At ang malupit ako talaga ang nakakaramdam? Konting kahihiyan naman para sa 'kin!


"Bakit ba Freya? Ayan ka na naman sa paglayo sa 'kin eh. Talaga bang pinandidirihan mo ako?" eto na naman ang speech niyang 'Pinandidirihan mo ako' ARTE MASYADO!!! SASAPAKIN KO ITO ULIT EH!!


"H-hindi sa g-ganun!"


"Eh bakit ka lumalayo sa 'kin? Wala naman akong sakit sa balat na nakakahawa ah. Ikaw Freya ah, naging model ka lang nagiging maarte ka na."


"Hindi nga kasi--WHAAAA~ H'WAG KA NGA SABING LALAPIT EH!!!" Sigaw ko ng akma na naman siyang lalapit. Sa kakaurong ko, korner na ako rito sa wall. Paglumapit pa sya, wala na talaga akong tatakbuhan. Huhuhuhuhu~


"Bakit ba kasi? Ganiyan tayo eh! Bahala ka nga sa buhay mo." Agad akong tinalikuran nito kaya wala na naman akong nagawa kundi ang yakapin siya upang pigilan. Oo, niyakap ko sya mula sa likod. Ang arte kasi nagtatampo na naman siya kaagad.


"Bitawan mo nga ako! Parang kanina lang pa h'wag-h'wag lalapit ka pa diyan tapos ngayon nangyayakap ka. Tsk!" Cold treatment again. Hinawakan niya ang kamay ko para tanggalin sa pagkakayakap sa kaniya pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap ko sa kaniya. Bahala na nga!!


"Zenwel naman eh! Ayoko lang na magsama tayo sa isang kwarto o lumapit ka sa 'kin. Lalo na kapag nagiging sweet ka at ganiyang mga gesture ang ginagawa mo. Piling ko kasi inaakit mo ko eh. NANGSESEDUCE KA EH!!!" Pagtatapat ko na. Oh ayan na ah!!

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon