The Making of FanFiction Story and Last Author's Note

2.9K 26 2
                                    

The Making of Fanfiction Story and Author's Last Note

Wiiwww~ ^0^ salamat sa pagbabasa, sana nagustuhan nyo, yung epilogue ang chaka! Yun lang ang epilogue na naisulat na sobrang haba. Kadalasan kasi ang epilogue ko ay 1 page lang sa watty pero yun umabot ng 4 hehehehe. Sorry kung wala akong prologue, fanfic kasi ang story na ito kaya minabuti kong h'wag nalang lagyan. Hehehehe.

Masaya ako na natupad ko ang isa sa mga dreams ng isa sa mga idol kong authors. Salamat po talaga ms.Stellarechizen. Mas gagalingan ko pa talaga sa susunod para matupad din dreams ko na ifollow ako ng mga idol kong authors. *0* (etchoss lang~ ^^ matagal pa yan mangyayare mwuhahahaha~)

Gusto nyo bang malaman kung paano ko sinulat ang Fan fiction na ito?? (Bukod sa alam nyong pinindot ko ang keyboard ng lappy ko) Ito ang kwento sa likod ng 'Kalokohan' ng fanfiction na ito.

Una kong nabasa sa kwento ni ms.Stellar ang "Freya's Slave" supah nagandahan ako sa kanya pero nalungkot ako kasi ang bilis natapos. Ako kasi kapag gumagawa ng story hindi ko sya tinatapos sa parte kung saan naging sila na ng bida. Gusto ko hanggang sa nagkaanak sila o kaya hanggang sa namatay XD.

Binasa ko pa ang mga ibang kwento ni ms.Stellar, basta nabasa ko lahat ng story nya, (umaasa lang po ako sa softcopy at kapag nagustuhan ko ang isang story na nabasa ko syaka ko lang sya hinahanap sa watty at nagbovote lang ako at pinafollow ang author. Minsan lang ako magbasa online eh.) Pinaka nagustuhan ko ay yung "Playback" nya which is si Nieder ang bida.

Tapos nadalaw ako sa website ni ms. Stellar at nagcomment ako dun, nabasa ko na pangarap nya na magawan ng fan fiction ang isa sa mga story nya. Naisip ko na gumawa para ipahag na naappriciate ko ang story nya. Bilang pasasalamat na rin.

Binasa ko ulit yung mga kwento nya at ang gusto ko talagang gawan ay ang 'Playback' since ito ang pinakanagustuhan ko, ang kaso ang hirap para sakin na gawan ito dahil sa tingin ko, ang bawat pangyayare sa istoryang yun ay paulit-ulit lang. I mean, Playback ng playback kaya nga nagustuhan ko sya kasi hindi ko kayang madugtungan.

Bumagsak ako sa Freya's Slave, tutal ito naman ang una kong nabasa at ito rin naman yung story ni ms.Stellar na nabitin ako kaya minabuti kong ituloy sya. Ang cool kasi ng mga personality ng bida eh. Nakakainlove si Zenwel. XD

Bago ko pa pinost ang unang chapter ng fanfic ko ay nakakangalahati na ako sa pagsusulat nito. Kaya wag kayong magtaka kung mabilis akong mag-UD.

Ako kasi yung taong ayaw na napepressure, kapag napressure ka walang magandang resulta ang mga gagawin mo kaya bago ako nagpopost ng story sa wattpad meron na akong mga 10-15 chapters na naisulat. Pero matapos kong ipost ang mga chapters na uyan ay tinamaan ako ng authors block at hindi ko magawan ng kadugtong. X((Huhuhuhuhu~ buti nalang saglit lang yun at nagkaroon ako ulit ng idea. Hehehehe.

Sa istory lang na 'to ako naoauthor's block. Pa'no ba naman kasi lahat ng naiisip ko ay common na at nabasa ko na sa ibang story dito sa wattpad kaya nga wala na akong maisip na bago eh. Kaya nagkanda sakit-sakit yung ulo ko sa pag-iisip ng unique na mangyayare. :D

Natapos ko sya ng maaga sa itinakda kong date ipapasa ko n asana kay ms.Stellar ang soft copy ng story-ng ito kaso lang nasira si floppy (pangalan ng laptop ko) kaya ayun! Hindi ko naipasa sa kanya at kinailangan ko pang magcomputer sa com.shop para makapag-UD at maipasa ang SC. Hanggang ngayon nga sira pa rin sya kaya mawawala na siguro ako sa watty ng matagal. (Y___Y) Babye, sana sa pagbabalik ko may bago.

Pero to be honest nung sinimulan ko ang Freya's Slave wala akong kaplot plot, ang alam ko lang ganito ang ugali nila tapos meron akong ending which is yung nabasa nyo nga sa 'Fanfic Finale'. Nagustuhan nyo? Hehehe kung oo salamat, matagal kong pinag-isipan yun.

Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon