MTMS Chapter //:34
- Clinton Watson -
Point of View
"AHAHAHAHA! Hindi ko akalaing magiging ganito kadali ang lahat." Masayang sabi ni Dad ng makatanggap ng tawag galing kay mr.Liam Ashfortz about sa pagpayag nito na ibenta kay Dad ang Ashfortz company.
"Napakaganda ng plano mo Alexis, tama nga na unti-untiin nating kunin ang lahat sa mga Ashfortz upang mas maging masakit 'to para sa kanila." Pagpuri ni Dad kay Freya na ngayon ay prenteng nakadikwatro sa mahabang sofa na inuupuan nito.
Kung susuriin siya malayong malayo na siya sa Freyang nakasanayan ko. Napakaganda niya na ngayon. Light lang ang make up with red lipstick pero malaki na kaagad ang kinaganda niya. Idagdag pa ang ayos ng pananamit niya. Wala na 'yung bakas nung Freya na nakilala ng lahat noon. Napakalaki na talaga ng mga pinagbago niya.
"Maraming salamat tito." Ani Freya at itinaas ang hawak na kupita upang makipag-cheers. "Uminom tayo para sa tagumpay ng mga Watson kasabay ng pagbagsak ng mga Ashfortz." Ani pa nito at itinaas din naman ni Dad 'yung hawak naming kupita at matapos 'yun ay sumimsim ng alak.
Habang sumisimsim ako ng alak sa sarili kong kupita ay hindi ko maialis ang tingin ko kay Freya. Nilamon na ba ng galit si Freya? Alam kong hindi. Galit man siya kay Zenwel alam kong mahal na mahal niya pa rin ang g@gong 'yun!
*FLASHBACK*
"Alexis, hija! Sa wakas ay umuwi na rin kayo ni Nathalia rito. Lubos ang pag-aalala ko sa biglaan niyong pag-alis." Tuwang-tuwa si Dad nang bumalik ang magkapatid sa mansyon.
Matapos noon ay kinausap ni Dad si Freya upang magpaliwanag dito tungkol doon sa narinig nito noong nag-uusap kami ni Dad noon.
"Alexis, tungkol nga pala sa mga narinig mo. Hindi 'yun tulad ng iniisip mo hija. Ang mga Ashfortz, hindi sila tulad ng pagkakakilala mo. Masama sila, mas masahol pa sila sa hayup kapag nakilala mo."
"Kilala ko sila, tito. Tutulungan ko po kayong makapaghiganti." Walang emosyon na ani Freya na siya ring kinagulat ni tito.
"W-What? H-Hindi hija, ayokong masangkot ka pa sa gulong 'to. Tama nang kami nalang ng kapatid mong si Clinton ang bahalang umayos ng gulong 'to."
"Tutulong ako tito, hindi niyo naitatanong ay close po ako sa dalawang lalaking Ashfortz. Maare akong makakuha ng impormasyon sa kanila."
BINABASA MO ANG
Married To My SLAVE [✔]
Fiksi UmumI, Freya Alexis Gonzales, a janitress at Willford Academy MARRIED TO MY SLAVE, Zenwel Ashfortz who actually the brother of the owner of the WA. Isang Janitress na may Slave? At isang mayamang lalaki na naging SLAVE? Parang baliktad ata. Pero hindi...