"Hoy thea ano bang ginagawa mo at nakatutok na naman ang mukha mo dyan sa cellphone? Pumarine ka at tulungan mo ako sa pag-aayos ng tinda dito!" Halos mabingi ako sa tinis ng boses ni lola. Paano hindi ko naman napansin na dumating na pala sya galing sa palengke para bumili ng mga ititinda sa sari-sari store namin. Napatayo na lang ako at ni-save ko muna ang bagong picture ni stephen sa phone ko at pinatay ang mobile data bago nilagay sa bulsa at lumapit kay lola.
"La! Di ko po napansin na dumating ka na pala sorry naman!" Paglalambing ko pa sakanya.
Malapit ako kay lola dahil sya na ang nag-alaga sakin simula pagka-bata namatay kasi ang mama ko sa panganganak sakin. Si papa naman ay naka-base na sa switzerland ang trabaho, hindi kami close ng papa ko hindi ko alam kung bakit ganoon. Kinalakihan ko na lang na hindi malapit ang loob namin sa isa't-isa na puro sulyap lang ginagawa nito sakin at kinakausap lang ako kung importante.
Simula nang mapunta sya sa switzerland ay pinapadalhan nya lang kami dito ni lola para sa pang araw-araw na gastusin at kahit na graduate na ako sa kursong hotel and restaurant management ay patuloy parin iyon dahil wala pa akong trabaho. Last year pa ako naka-graduate pero hirap akong makahanap ng trabaho, puro may experience kasi ang hinahanap at kadalasan may discrimination pang kasama. Nagkatrabaho na rin naman ako noon pero palaging dalawang buwan lang dahil palaging pangit ang management na napapasukan ko.
Pero kahit ganun hindi naman ako tumitigil maghanap ng trabaho, dahil alam kong wala akong mapapala kung magmumukmok lang ako at walang gagawin.
"Paano'y nakatutok ka dyan sa cellphone mo kaya hindi mo napapansin! Paano kung magnanakaw pala ako at napasok ka dyan at na-rape paano ka na ha? Ikaw na bata ka! Ano ba kasing tintingnan mo dyan at baliw na baliw ka sa cellphone na iyan?!"
"Lola kalma! Naka-lock po yung main door natin noong dumating ka kaya hindi po kita napansin na dumating wala pong kinalaman ang cellphone ko doon"
"Aysus! Lulusot ka pa! Kitang mong maingay ang gate natin paanong di mo ako maririnig!" Hay ang lola talaga wala na akong lusot.
"Ihh sige na nga po lola! Oo na lang po sa lahat" patawatawa pa ako habang inaayos ang tinda namin.
"Thea.. tumawag ang papa mo makikipag-skype daw sa atin ngayon" sigaw ni lola mula sa sala. Bumuntong hininga ako. Si lola lang naman talaga ang kausap nito at taga set up lang ako dahil hindi naman marunong si lola gumamit ng tablet.
"Opo lola, i-log in ko lang po" bumaba na ako sa sala at hinintay na tumawag si papa. Maya-maya pa ay nagring na iyon at tinawag ko na si lola. Pagkatapos ay pumasok na uli ako sa kwarto ko.
Naka thirty minnutes siguro bago ako tinawag ni lola. Pero pagbaba ko sa sala ay nakabukas pa ang tablet at nandoon pa si papa.
"Kakausapin ka daw ng papa mo..." malumanay na sabi ni lola sakin. Nanlamig ang kamay ko, sa totoo lang mabibilang sa daliri ang mga panahong kinausap nya ako. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko sa kanya, oo at papa ko sya pero ni minsan hindi ko naramdaman na naging ama ko sya. Maliban sa pagpapa-aral sakin ay yun lang masasabi ko na pinanagutan nya sakin bilang anak nya ni katiting wala akong pagmamahal na maramdaman sakanya. Hindi ko alam ang mararammdaman ko sa kanya nalilito ako sa kung ano bang dapat kong ipakita sa kanya.
Para sakin kasi isa lamang syang estranghero na nagmamagandang loob na tulungan ako upang magkaroon ng magandang buhay.
"Thea.." simula nito, pinakatitigan nya ako pagkatapos ay umiling at nagbuntong hininga na lang.
"Nakahanap ka ba ng trabaho dyan?" Hindi ba nagku-kwento dito ang lola?
"Hindi pa po..." hindi matali ang tingin ko sa screen palagi kong ibabaling sa ibang panig ng sala ang paningin ko bago ako uli titingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomantizmPaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...