Chapter 4

17 2 0
                                    

"Ahhh shet ang sarap!!" May kalakasang sabi ni alex habang kumakain ng mix-in sa jollibee. May ilan tuloy ang napapatingin samin.

"Uy alex, ice cream lang yan" puna ko dito.

"Thea sa tindi ng init sa labas at sa hinaba-haba ng nilakad natin talagang nanam-namin ko ang ice cream na ito!" Umiling na lang ako, pangatlong araw na simula nang asikasuhin namin requirements namin. Nakakapagod at may ilan pang delay sa ilang agency na pinuntahan namin mabuti na lang at tapos na kami ngayon. Mamaya ay magpapasa kami ng requirements at magkakaroon rin kami ng introduction at tour sa diadem.

Tiningnan ko na lang uli ang mga picture ni stephen, nitong mga nakaraang araw ay parang madalang itong magpost at karamihan ay puro naka-tag lang sa kanya. May problema kaya sya? O sadyang busy lang? Pinindot ko yung candid picture na kailan lang pinost. Naka side view si stephen at sa likod nya ay sunset nakangiti pa ito doon ng kaunti. Kagaya ng dati sa tuwing nakikita ko ang ngiti nya ay nahahawa at kusang umaangat ang labi ko.

"Ano bang tinitingnan mo dyan at nakangiti ka? boyfriend mo no?" Sabi ni alex sabay agaw ng cellphone sakin.

"Uy!"
"Ang gwapo naman nito, boyfriend mo?" sana nga, kaso malabo yun,gaya nga ng sabi sa mga drama sa tv, langit sya lupa ako.

"Hindi..."
"Oh? Eh bakit parang in love ka saknya? At lock screen mo pa sya.. yung totoo te?"

"Hindi nga lex.. pangarap ko lang sya, okay? Saka imposible kami.. hindi ako bagay sa kanya.." napataas ang kilay nito.

"Masyado mo naman minamaliit ang sarili mo thea. Bakit? Tao rin naman sya ah. Naglalabas din yan ng mabahong amoy sa katawan! May tinapos ka pa at may naghihintay sayo na maganda at marangal na trabaho. Porke ba mas nakaka-angat lang sya sa buhay ay hindi na kayo bagay? Porke ba sobrang gwapo nya pakiramdam mo dapat sobrang ganda rin ang bagay sakanya? Ateng... all is fair in love and war.. hindi imposible na magtagpo ang landas nyo, lalo na kung nakatakda kayo para sa isa't-isa"

May punto si alex, pero ayoko na ng ganun, ayokong umasa sa mga imposiblemg bagay. Sapat na ang pagmasdan ko sya at mahalin mula sa malayo hindi ako bagay sa kanya. Sa akin lang siguro talaga hindi applicable ang true love.

Napabuntong hininga ako.
"Alex.. stop giving me false hope, okay na ako sa ganito na lang" kinuha ko na uli sa kanya ang cellphone at pinagmasdan uli si stephen.

"Hay naku thea, kung alam mo ang worth mo sigurado akong hindi ka magiging ganyan ka-nega, you wouldn't look down on yourself.." hindi ko sya pinansin, tiningnan ko ang oras mag-ala-una na pala.

"Tara na alex mag-ala una na oh" pinagmasdan ako ni alex at pagkatapos ay umiling.

Okay na ako sa ganito. Sapat na to.

Naglalakad na kami ngayon sa corridor papunta sa mga restaurant sa diadem. Inililibot na kami ngayon ni sir nick sa diadem sa mga accessible area para samin. Mabilis lang natapos ang introduction, nabanggit lang ang history at organization chart. Halos malalaking tao pala ang nag-invest doon, pero may ilan na anonymous ang pangalan ng mga nag-invest. Nang may magtanong kanina tungkol doon ang sabi lang ay confidential, kaya lang naman daw nabangit iyon sa amin ay para daw aware kami.

"Now, guys ngayon ko na kayo idi--distribute we have four restaurants here, hindi ko maipapangako na makakasama nyo ang mga kakilala nyo since binatay namin sa attitude and skills nyo ang pagpili" nag-simula nang magtawag ng pangalan si nick.

"Alexandra mayor...." hindi ko na pinakinggan ang ibang pangalang binaggit at pinisil ko ang braso ni alex sa tuwa. Mabuti na lang kahit di kami magakasama, ay malapit lang ang restaurant na assign siya mula sa mga kwarto. 

"All of you will start in three days. I hope that's enough time to get yourself ready, any question?" Nagtaas ng kamay ang isa sa amin.

"Sir how about our uniforms?"
"Ah yes.. at the end of this tour i will accompany you to our seamstress to get your measurements. But don't worry it won't take long since sizes nyo na lang naman ang titinganan para sa mga ready nang uniforms" nagtanguhan na lang kami lahat, at nagpatuloy na sa tour.

"sir saan ano po yung malaking kulay black at gold na pinto?" tanong ng isang kasama namin. 

"oh that, no one is allowed there unless authorized kayo. that's all you need to know" tumango kaming lahat. mukhang napaka-restricted ng bahaging iyon ng hotel.

Nagpunta na kami sa may sa may seaside, maraming guest ang nagkalat doon. Pero isang guest ang nakakuha ng atensyon ko, napatigil ako sa paglalakad. Pinagmasdan ko sya ng maigi, mayroon sa loob ko na nagsasabi na nakita ko na ang lalaking iyon. Lumapit ako nang kaunti para mapagmasdan sya, nakatanaw lang ito sa dagat.

His dark brown hair is swaying against the wind, his two o'clock shadow emphasize how pointy his nose is, even his lips looks alluring. He has a mascular body it was pretty obvious since his polo clung to him like a second skin.

Kilala ko sya, hindi ako pwedeng mag-kamali! Even the familliar beating of my heart says it all! Marahil naramdaman nito ang titig ko sakanya dahil lumingon ito sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko! Tama ako kilala ko sya!

His green eyes bores into my hazel eyes. Pakiramdam ko tumigil ako sa paghinga, at ang malakas lang na kabog ng dibdib ko ang naririnig. Totooba ito? Nasa harap ko na talaga sya ngayon ang lalaking pinapangrap ko lang noon at sinusubaybayan ay nandito at ilang pulgada lang ang layo sa akin. Gusto ko syang lapitan pero natatakot ako na baka mawala sya, gusto ko syang hawakan para masiguro na nandito nga sya. Pero hindi ko maigalaw ang paa ko. Napako lang ako sa kinatatayuan ko.

Maya-maya ay nag-iwas ito ng tingin at nagsuot na ng cap pagkatapos ay naglakad na sya sa papunta sa direksyon ko. Lalong kumabog ang dibdib ko, lalapit ba sya sakin? Pero hindi naman nya ako kilala! Naglakad lang ito ng diresto sa gilid ko at nilagpasan ako.

"stephen..." mahinang sabi ko, pero sa palagay ko ay narinig nya ako dahil tumigil ito sa paglalakad at baghayng lumingon sakin narinig ko pa ang pag-'tsk' nito bago umalis doon.

Ilang minuto bago ata kumalma ang sistema ko. Huminga ako ng malalim.

"Nandito sya... iisa na ang lupang tinatapakan namin.. oh my god" i unconsciously smile. Nakalagay parin sa dibdib ko ang kamay ko.

"Thea!! Nandito ka lang pala! Bakit bigla kang nawala?! Pinapakuha na tayo ng measurements halika na!" Nagpahila na ako dito hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi nito. Masyado akong high sa saya para pagtuunan ang ilang bagay.

"Thea! Para kang timang dyan!" Nginitian ko lang sya at umiling. Saka ko na sasabihin sa kanya ang tungkol kay stephen sasarilinin ko na muna ang sayang nararamdaman ko..

Pagkauwi ko ay dali-dali kong tiningnan ang account nito walang bagong post doon pero nakuha uli ng atensyon ko ang picture na may sunset.

How could i have been so dense? Ang sunset na iyon ay kuha sa manila bay! Bakit hindi ko agad napansin iyon? Tiningnan ko ang date niyon, pinost iyon last week. So ang ibig sabihin.. nandito na sya matagal na? Doon ba sya tumitigil sa diadem? Bakit sya nandito sa pilipinas?

"So, now that you guys know the areas of diadem speacially your assigned departments we are hoing for a positive and excellent performance from you all. Also, if you want this job my only advice is stay clear from the restricted areas I mentioned and pointed out earlier. Mind you,  our bosses despise nosy and a privacy freak might I add. If you still have any questions you may talk it our with your superior and thery will relay it to me. I hope you enjoy your job here, and again welcome to Diadem" hindi ko alam kung ako lang pero kinalibutan ako sa huling sianbi ni sir nick, para bang isang bagong mundo talaga itong pinasok namin. 

I'm excited.  

Diadem Kings Series 1: Darkest LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon