SINUSUKAT ko ang mga kailangan ingredients para sa conrdon bleu na lulutui naming ni Stephen pagdating nito ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko sa sala. Agad kong binitawan ang hawak na measuring spoon at tinakbo iyon, it's alex video calling me.
"hi!" bati ko dito at bumalik sa kusina dala ang cellphone sinadal ko iyon sa bote ng kerchup.
"girl na-stress ako..." simangot na simangot ito sa camera mukhang nasa kwarto ito at nakahiga. "bakit?"
"hayup na exodus yun! hindi ako tinigilan sa trabaho! Maya't maya ang utos sakin hindi naman ako makapag reklamo dahil baka isumbong ako nun sa supervisor natin ma-memohan pa ako!"
"magpa-awa ka kaya? Kunwari pagod ka na"
"pagod na talaga ako! Grabe sya ang sakit ng balakang ko kakayuko"
"mag-paawa ka na ang nga lang kasi, konsensyahin mo!"
"naku walang konsyensya yun! maitin ang budhi nun kilala ko na galawan nun—" gumulong ito sa kama at mukhang hindi natanya ang ikot, napangiwi ako ng mawala ito at parang nag three-sixty ang camera narinig ko pa ang pagkalabog nun sa mic.
"alex? Okay lang?" tinapos ko na ang pag-susukat at tinuoon na ang pansin doon.
"awww, shit na malagkit! Nagulat kasi ako katok dito sa apartment ko ang lakas! Iiba lang sana ako nang pwesto! Hayup talaga sakit ng balakang ko!" imbes na maawa ako dito ay natatawa pa ako sa mga lumalabas sa bibig nito simula kasi nang magkita ang dalawa ni exodus parang bigla ay naging hobby ni alex ang mag-rant.
"sandal lang thea ha?" nilagapag nito ang cellphone kung saan kita ang pintuan ng studio type apartment nito. Hindi ko agad naanig dahil hindi todo ang bukas ni alex ng pinto at medyo against the light. Napataas pa ang kilay ko nang magtaas ng boses si alex.
"anong ginagawa mo ditong animal ka? Paano mo nalaman ang bahay ko? stalker ka na ngayon ha?"
"alex? Sino yan?" ngunot ang noong tanong ko.
"wait lang the—" naputol ito nang bigla ay pwersahang binuksan ang pinto at pumasok doon ang bagong dating.
"exodus?" hinanap pa muna nito ang boses ko bago tumungo sa kung saan nilgay ni alex ang cellphone.
"oh hey thea! Nice seeing you... in the screen" nag-squat ito at para makita ako ng maayos.
"anong ginagawa mo sa bahay ni alex?"
"ahh... kasi inalila ko sya kaya bilang isang mabuting fiancé aalagaan ko muna" narinig ko ang padabog na pag-sara ng pinto tapos ay kita kong hinila hila ni alex si exodus patayo. "hoy bugok ka! Matagal nang tapos ang engagement natin! Hindi na kita fiancé gago!" kita ko ang pag-ngiwi ni exodus sa mga murang lumalabas sa bibig ni alex.
Tinakpan pa nito ng palad ang bibig ni alex. "hmmmp!"
"ikaw Alexandra ha! Kelan ka pa natutong mag mura? Gusto mo bang hugasan ko yang bibig mo— aray!" nanga-lumbaba ako at aliw na aliw na pinapanood ang dalawa, kinagat ni alex ang palad nito magakahalo namang iritasyon at pagkamangha ang bumakas sa mukha ni exodus.
"ulol ka! Ang baho ng palad mo! Saan mo yan pinag-hawak ha?! King-inang 'to, ikaw ang huhugasan ko dahil ang dyan sa baho ng kamay mo!"
"my god Alexandra!" naihilamos nito ang kamay sa mukha, natawa pa akong nang pasimple nitong inamoy ang sariling palad.
"oh yes! Oh my god ka din! Umalis ka nang hinayupak ka hanggang dito ba naman sa pamamahay ko peperwisyuhin mo ko? alis na! alis!"
"ayokong nga!" nawala ito sa camera siguro ay umupo sa kung saan doon. Lumingon sa gawi ko si alex at dinampot iyon.
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomancePaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...