Chapter 6

16 2 0
                                    

Isa.dalawa.tatlo..

Umiling-iling ako, apat na.

apat na linggo ko nang hindi nakikita si stephen. Pagkatapos nang nangyari samin sa basement kahit sulyap sa kanya wala akong nakita. Kaya siguro hindi ko na sya nakikita kasi umalis na ito ng bansa, akala ko pa naman makikita ko sya uli.

"Thea? Bakit ang tamlay mo?" Napalingon ako kay ate ester, isa sa veterans at nakalapitan ko na ng loob. Mag-isang buwan na rin kasi simula na magtrabaho kami dito. Mabuti na lang pala at naka lunch-break kami ngayon.

"Wala naman ate.. si stephen kasi, naalala mo yung kinukuwento ko sayo?"
"Hmm bakit? Ano ba nangyari?"
"Mukhang wala na sya dito sa pilipinas ate ester.. matagal ko na syang hindi nakikita tapos wala rin syang post sa instagram nya" nagmu-mukmok na sabi ko pa kay ate ester.

"Naku, ikaw naman malay mo naman andito parin sya at busy lang" tumabi na ito sakin at nagsimulang kumain.

"Ate naman.. hindi ko na makita kahit anino nya kahit nga amoy nya wala! Siguro wala na talaga sya dito" palagay ko pa ay polo blue yun naaamoy nung minsang ingkwentro namin sa parking lot. Naamoy ko pa iyon nang magpalit ako ng damit pag-kauwi ko. Grabe ang dikit!

"You sound like an obsess stalker" natatawang sabi ni ate ester.

"Ate naman eh! Syempre kapag gusto mo kahit hindi mo pa nakikita nararamdaman mo na agad!" Giit ko pa sa kanya. Edi balik na naman pala ako sa pagtingin sa kanya sa instagram ngayon. Akala ko pa naman ay magkaka-chance na akong makalapit kay stephen pero mukhang mapupurnada pa ata iyon.

"Sinubukan mo na bang mag-ikot sa hotel kapag may time ka?" Umiling ako.

"Ayoko namang magsinungaling kay lola kung aagahan ko ang pasok at maglilibot dito, o kaya naman ay umuwi ng late baka mag-alala lang ang lola ko.." naghihinayang ko pang sabi kay ate ester.

"thea.. wala namang masama sa gagawin mo diba? sundin mo lang ang hinahanap ng puso mo. at para malaman mo na rin kung nandito pa yung love of your life diba?" pangu-udyok pa niya na may kasamang siko ang tulis pa man din ng siko ni ate ester.

sinumulan ko na uli ang kumain, iniisip ko pa kung susundin ko ang payo ni ate ester. kung tutuusin may punto naman sya, wala namang masama sa gagawin ko. tiningnan ko ang relo ko, maaaga pa naman matagal-tagal pa ang break ko magiikot-iko muna ako. wala rin naman masyadong guest ngayon.

binilisan ko ang pag-kain, nang tumayo ako at lumingon si ate ester sakin.

"bakit parang nagmamadali ka?" takang tanong ni ate ester sa bigla kong pagtayo. 
"ate susundin ko ang payo mo! maglilibot na ako ngayon para malaman kung nandito pa sya!" lumawag ang ngiti nito.

"tama yan! go girl! hanapin mo na ang pagsintang pururot mo!" hirit pa ni alex na kanina lang ay tahimik. kahit nagtataka ako sa katahimikan niya kanina ay tumango ako at niligpit na ang gamit ko. Mamaya ko na lang sya tatanungin, nagpaalam na rin ako sa supervisior namin, buti na lang at pumayag ang supervisor namin strikto pa naman iyon. nang makalabas ako ng strockroom ay dali-dali akong pumunta sa may pool side kung saan ko sya unang nakita.


Malaki ang diadem, kaya hindi kinaya ng oras ng break ko ang pagba-baka sakaling makita sya. Napabuntong hininga ako napailing, pinuntahan ko na lahat ng lugar na pwede kong puntahan dito sa diadem,pero wala talaga. siguro nga ay umalis na sya ng pilipinas.

tiningnan ko ang relo ko, malapit nang matapos ang break ko kailan ko nang bumalik.

Nang makabalik ako ay sinalubong ako agad ng supervisor ko, seryoso ang mukha nito. pero bakit? Hindi naman ako late ah at nagpaalam rin ako sa kanya kanina!

Diadem Kings Series 1: Darkest LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon