Chapter 9

11 1 0
                                    

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ni Stephen, ni hindi na nga ako kumatok at basta ko na ini-swipe yung key card. Bakit pa? alam naman niyang darating ako, sinabi rin naman ni chelsea Na naka-ilang tawag na rin si Stephen sa kanya at tinatanong ang dumating na ako kaya dali-dali akong pumunta sa storage room para kumuha ng gamit.

"Are you always like this?" ani ni Stephen pagkasarado ko ng pinto niya. Napabuntong hininga ako at nilingon ito. Napasinghap pa ako nang makitang hindi na nito suot ang jacket nito, what's left was semi-fitting sando that hugs all the rigid muscle of his torso. Nakakatuyo rin ng lalamunan ang biceps nitong parang ang sarap pisil-pisilin. Tumikhim ako, at tumungo sigla bafo nilingon uli ito.

"I'm sorry, nag-orient pa sakin ng kaunti ang supervisor namin regarding sa authorization ko dito DKPH, at... napa-kwento ako ng kaunti sa locker room naming, pasensya na ulit" napa-buntong hininga ito.

"You can start now" tumango ako at kumuha ng mga gamit, ngayong nandito sya ay parang naiilang na akong maglinis. Hindi ba ito aakyat sa kwarto at doon na lang tumambay? Ramdam ko ang mga tingin niya sa bawat galaw ko, halos wala nga itong pakialam kahit lantaran kong pinapaalam na alam kong nakatingin sya sakin.

Tinapos ko ang mga linisin ko at tangkang aakyat na ng bigla naman ay tumayo ito sumunod din.

"san ka pupunta?"
"sasama ako sayo itaas, baka may kailangang buhatin o kaya ay may hindi ka maabot, tutulong ako"
"hindi naman kailangan, trabaho ko ito at sanay naman ako magbuhat" nagulat pa ako ng kinuha niya sakin yung maliit na bucket na may ilang panglinis pati ang vacuum ay kinuha niya, leaving no room for argument nang manpansing tumagil ako sa paglalakad ay tumigil sya at iginalaw ang ulo na parang sinasabing mauna ako at susunod lang sya.

"hinahayaan kayong mga babae na magbuhat?" salubong ang kilay nito, mukhang hindi nagustuhan ang ideya.

"oo, pero pag hindi talaga naming kaya, nagtatawag kami ng tulong o pag minsan naman ay magkatulong na lang kami ng kung sino mang ka-partner ko ng araw nay un." Tumango-tango siya.

Pumasok kami sa unang guest room, nagulat pa ako nang mag-umpisa rin siyang maglinis.

"uy, anong ginagawa mo?"

"naglilinis?" puno nang sarkasmong sagot nito. "alam ko, ang ibig kong sabihin bakit? Technically speaking boss kita at nag-request kang nag room service"

"I'm very much aware of that"
"so..?" tanong ko at inuumang ang mga kamay sa gingawa niya. "I want to help and besides, hindi naman ganoon kadumi, ang kwarto, I just really want to see you" nanlaki ang mata ko.

"a-ano?" mautal-utal ako at tinuloy ang pagpupunos sa side table. "you heard me" rinig ko ang mga yabag nitong papalapit.

"I want to apologize for acting the way I did earlier sa break room, I didn't mean to-... well I mean every word but I just really, really hate your recklessness the other day. Tapos ang lakas ng loob mong sabihan akong pahalagan ang mga bagay bagay na importante sa iba-"

"importante sa mga taong mahalaga rin sayo ang sabi ko" putol ko dito.

"same difference! Anyway, I'm sorry for being harsh, the way I said it to you, I mean you just really hit every last nerve in me every time you did something I don't like"

"are you listening to me?" takang tanong nito, tumango ako. Titig na titig lang kasi ako dito, sino bang hindi? Bakas sa gwapong mukha nito ang frustration, sa tinagal-tagal ko siyang nakasalamuha, ay ngayon ko lang sya narinig magsalita ng mahaba.

"thea!" napapitlag pa ako ng sabihin nito ang pangalan ko! "f-first time mong sinabi ang panglan ko..." ako lang ba o parang nag-dilate ang mata nito. Ngumuso pa ito bago iniwas ang tingin sakin.

Diadem Kings Series 1: Darkest LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon