At exactly twelve pm ay nasa diadem na ako. Inagahan ko na talaga dahil sa traffic at usok sa daan at isa pa maganda na ang maaga ako, sabi nga nila daig ng maagap ang masipag. May kalakihan pa ang bag ko dahil andoon ang heels ko at extrang damit na susuotin ko pagkatapos ng interview.
Lumapit ako sa receptionist at nagtanong. "Hi i'm thea bustamante, i'm scheduled today for an interview"
"Alright ma'am let me check please wait for a moment" magiliw na sabi nito sakin. Ganoon talaga sa hospitality kahit gaano kapa ka-badtrip o ka-heartbroken kapag on duty ka na hindi mo pwedeng ipakita o iparamdamn iyon sa guest.
"Ma'am you're quite early for your interview, you're schedule is by two this afternoon but if you want you may wait in the lobby and we'll call you once your interview is up"
"Okay, thank you!" Pero imbes namaghintay ako ay nag-ikot ikot ako sa hotel. Hindi naman ako umakyat sa mga private at mga restricted area.
Habang nagiikot ako ay hindi ko maiwasan ang humanga, bawat sulok mg hotel ay sumisigaw ng karangyaan. Na parang ang mga nararapat lang tumapak doon ay yung mga mayayaman at may kaya sa buhay.
Ang disenyo ng hotel ay parang kinuha sa imahinasyon. Everything looks surreal, even the chandelier looks like they hold diamonds. Kumikinang iyon kahit saang anggulo ko tingnan. Maging ang marble floor ay sadyang ginastusan ang bawat disenyo. Napapangiti tuloy ako nang wala sa oras, para akong gising na nanaginip parang si alice in wonderland kumbaga.
Napabuntong hininga ako nao-overwhelm ako sa saya dahil magkakatrabaho na ako sa tinagal-tagal kong hinintay at idagdag pa na sa ganitong lugar pa ako magtatrabaho kahit siguro janetress ang i-offer nila sakin tatanggapin ko! Para masabi ko naman na hindi ko na kailangan ang tulong ni papa. Unti unti ay nawala ang saya ko tungkol kay papa, siguro nga dahil ayoko na talagang umasa sa kanya kaya ganoon na lang ako ka sabik magtrabaho. In a way siguro nga ayoko na lang talagang magkaroon pa ng utang na loob sa kanya. Dahil siguro pagod na rin akong umasa na balang araw titingnan nya rin ako na may ngiti at pagmamahal.
Napapailing na lang ako, inalala kong interview ko ngayon. Hindi pwedeng ganito ang energy ko, kinuha ko ang cellphone ko sa bag at naglakadlakad na pabalik sa lobby. One thirty na pala ang bilis ng oras, pipindutin ko na lang ang account ni stephen para sumaya ako. nang matumba ako ng bumangga sa akin.
"Aray..." daing ko ang sakit ng pwet ko, agad naman akong inalalayan ng lalaking nakabunggo sakin.
Naka-cap ito at nakatungo kaya hindi ko makita ang mukha nya. Malaki at malapad ang pangangatawan nito pero hindi naman nakakatakot tingnan yun nga lang sa laki nito ay natumba nya ako.
Hinaplos haplos ko pa ang pwet ko, ang sakit talaga.. baka magkapasa ako nito.
"Sorry miss.." husky, malalim at buong buo ang boses nito parang nang-aakit.
"Ahh sige kuya.. okay lang basta next time tingin ka sa dinaraanan mo, ahhm pati na rin pala ako.. sorry nakatingin kasi ako sa cellphone ko" nanlaki ang mata ko! Ang cellphone ko tumalsik iyon sa di kalayuan. Agad ko namang kinuha iyon, may kaunting gasgas ang screen tsk. Nang lingunin ko ang lalaki ay wala na ito doon.
Nagkibit-balikat na lang ako, "weird" bulong ko pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad pabalik ng lobby.
Pagbalik ko sa lobby ay sinamahan ako agad ng receptionist kung saan ang interview. Marami ang applicants, nagsisimula na tuloy ako kabahan, paano kung hindi nila ako tanggapin? Baka mapilitan akong sumama kay papa sa switzerland. Napailing ako, no. Hindi pwede think positive dapat! Nag inhale exhale pa ako to get rid of the nerves.
Mahaba parin ang pila bago ako tawagin, may nakadaldlan din ako na mukhang may experience na.
"Hi! Anong inaapplyan mo?" Tanong nito sakin.
"Ahmm hindi ko alam eh nagpasa lang kasi ako online hindi ko nabasa kung anong vacancy nila ngayon.." paliwanag ko pa.
"Ito list ng vacancy nila pili ka na ako food server ang inaapplyan ko para magalaw at hindi ko na kailangan magpunta ng gym" humagikgik pang sabi nito.
"Ahehe salamat, thea nga pala" pagpapakilala ko sakanya.
"Alexandra.. alex na lang for short"
"Thank you uli alex.. may trabaho ka ba ngayon bago ka nag apply dito?""Wala eh kakaresign ko lang manyakis kasi yung bago naming manger sa restaurant na pinag-trabahuhan ko kaya umalis na ako saka gusto ko rin ng bagong environment"
"Sana matanggap tayo pareho para maakasama tayo at may kakilala na agad ako dito" nangingiti ko pang sabi. Magsasalita pa sana ito pero tinawag na ito sa loob.
"Good luck alex!"
Binasa ko muna ang mga vacancy pero sa huli sa housekeeping department yung sinulat ko sa application form na binigay samin, hindi kasi ako masyadong sanay na humarap sa tao. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa account ni stephen. "Wish me luck.." bulong ko pa.
Nagbasa-basa pa ako nang lumabas si alex at lumapit sakin na malapad ang ngiti. Mukhang tanggap ito.
"Hired ako thea!!! Oh my gulalay!!" Ang higpit pa ng yakap nito sakin. Mabuti naman at tanggap ito, sarili ko na lang ang po-preblamahin ko.
"Friend kaya mo yan ano ka ba! Ang ganda ganda mo kaya kailangan yan sa hospitality tingnan mo ako natanggap!" Naiiling na lang tuloy ako kay alex at sa kalokohan nito.
"Miss Thea Bustamante?" Tawag ng secretary.
"O! Ikaw na! Kaya mo yan friend!!! Hintayon kita dito"
Iginiya ako sa tapat ng isang double door.
"The Ceo will be the one to conduct the interview today, sometimes he let the HR do the job but when he's not that busy he do it himself" tumango tango ako. Mas lalo ata akong kinabahan.
"Now my only advice is be yourself!" May kasamang encourging ang boses nya kaya medyo gumaan gaan ang pakiramdam ko. Pero how to be me ba?? Ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos ay kumatok na ito.
"Come in" narinig ko ang baritinong boses nito. Binigyan ako ng secretary ng huling ngiti.
Isang maluwang na opisina ang sumalubong sa akin, black and white ang theme nun. Sa gitna ay ang mahogany desk ng ceo, nakaupo ito sa isang eleganteng swivel chair. Tumunghay ito, nanlaki ang mata ko! i was expecting a man in his late forty or fifty but not this! Not him!
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomancePaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...