MABILIS na lumipas ang mga araw simula nang komprotontahan na naganap sa bahay, tapos nung nagluluto naman kami ni Stephen ay panay ang pang-aasar at pag-hawak sa akin. Kaya ang kinalabasan ng ibang luto ay sunog mabuti na lang at may ilan parin ang nakain namin, ang akala ko nga ay aalis agad ito pagkakain pero nag-stay pa ito roon at nag-prisintang maghugas nang mga gamit at pinag-kainan namin habang ako ay niready ang sine na papanorin namin sa Netflix.
Minsan talaga ay hindi ko maiwasang magtaka kung paanong naging pamilyar si Stephen sa lahat ng bagay. I get that he did many jobs, but to what extent? Kapag tatanungin ko naman sya tungkol sa mga naging trabaho niya noon ay matipid lang na 'boy', 'assistant' 'contruction worker at waiter daw sa kung saan-saan. Pag naman akma akong magtatanong pa ay ibabaling niya sa ibang topic ang usapan, kaya hinahayaan ko na lang pero sana naman papasukin niya ako sa puso niya ng buo. Alam ko at aminado ako na may iniwan siyang bahagi ng buhay niya sa mga kwento at hindi naman ako ganun ka nosy para pilitin siyang ibunyag niya sakin lahat iyon.
I don't want to just embrace the good things about him, I want to also know his bad sides, his darkness that made him who he is today na kahit anong hirap ang pinag daanan niya ay naging mabuting tao parin siya. Minsan ay naiingit ako kay Penelope dahil matagal niya nang kasama si Stephen ito na rin kasi ang nagsabi na kasa-kasama niya si Penelope nung mga panahong lubog siya. She has seen both the good and the bad side of Stephen Aleje. Minsan naku-kwestyon ko na ang sarili kong tama bang i-claim ko na mas kilala ko si Stephen lubos kanino man mula ng dumatin ang babaeng iyon.
Kaya kahit anong selos ko kapag nakikita kong magkasama ang dalawa ay pinigil ko, I don't him to lose a trusted friend. Ang pinag-papasalamat ko na lang ay kahit hindi aware si Stephen sa mga sintemyento ko ay nagagawa nitong bawiin ang mga alalahanin at pagseselos ko.
Ni minsan hindi siya nagkulang na iparamdam sakin na mahalaga ako at maha niya ako, pero palagi paring kulang para sakin he only present half of himself and not the whole him kaya heto ako ngayon binabantayan at sinusundan siya kasama si—.
"thea I don't think this is a good idea" napalingon ako kay alex sakay kami ng taxi at maingat na pinabubuntutan ang sasakyan ni Stephen.
"wala naman tayong ginagawang masama"
"oh? So ang pagbuntot sa jowa mo nang hindi niya alam ay hindi masama?"
"hindi ko pa sya jowa"
"oh shut up thea! You two are already acting like a real couple would! Label na lang ang kulang sa inyo!"
Hindi ako umimik, totoo naman ang sinasabi nito ayoko pa lang talagang lagyan ng label ang meron kami siguro dahill deep down hindi pa rin ako makapaniwala na kahit anong oras at kahit saan ay mahahawakan ko na ito, mayayakap.. mahahalikan ng walang nagbabawal at kumi-kwestyun. Pero may parte rin sakin na gusto ko munang alamin ang bahagi ni Stephen na pilit nitong itinatago sakin.
Huminto ang sasakyan nito sa may tapat ng isang restaurant nakita ko ang pagbaba nito peo hindi ko inaasahan ang pagbaba rin ng isa pa mula sa passenger seat.
"Penelope..." mahinang bulong ko. "ay, yan yung bruhang bestfriend kinu-kwento mo? In fairnerness maganda siya, sexy" sinamaan ko ito ng tingin. "what? Maldita ako pero honest din ako no" hindi na lang ako nag salita.
Sumunod uli ang tingin ko sa mga ito, kita ko ang pag-alalay ni Stephen sa siko nito nang umakyat sa hagdan, hindi ko na napagilang umakyat ang selos nang pasimpleng hinaplos ni Penelope ang dibdib ng isa.
"kuya, itapat mo ang saksakyan sa tapat ng restaurant na yan pero yung hindi halata..." utos ko sa driver.
"sige po ma'am" tinigil ng driver ang sasakyan sa may dulong tapat ng restaurant kita ko ngayon na may ilan pa namang kasama ang mga ito. Mukhang negosyo ang pinag uusapan, lumipas ang isang oras ay nagsitayuan ang mga ito at nagkamay bago umalis. Ang naiwan na lang ay si Stephen at Penelope magakatapat ang dalawa sa upuan at may ilan sanadaling nagtatawanan. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.

BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomancePaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...