HELLO PIPS! IT'S BEEN A LOOOOOOOOOONG WHILE HAPPY NEW YEAR!
"La alis na po ako" paalam ko kay lola, unang araw ko ngayon sa diadem, ala-singko pa lang ng umaga at mamaya pang seven ang pasok pero mas gusto ko na maaga ako para rin makapag-ikot-ikot ako sa hotel maging pamilyar sa hotel.
"Ingat ka!" Habol ni lola sakin pagkalabas ko ng gate.
Kahit ala-singko pa lang ng umaga ay marami na agad pasahero lahat ay nagamamadali at ayaw maiipit sa traffic para hindi ma-late sa kanya-kanyang appointment at pupuntahan.
Mabuti na lang at isang sakay lang ang byahe ko mula sa amin at sa diadem kaya mabilis akong nakasakay kahit may mamumuno ng traffic ay maaga rin naman akong nakarating sa diadem. Natanaw ko agad si alex sa may employees entrance, ang aga naman ata nya.
"Aga mo ah" bati ko sa kanya.
"Syempre nagpapa-good shot tayo.. first day eh!"
"So kapag, nagtagal magpapa-late ka na?"
"Titingnan..." sabi nito sabay tawa.Pumasok na kami sa loob at nagpalit na ng uniform, may ilan na ring guest ang nalalakad-lakad sa bawat madadaanan naming hallway. Palinga-linga ako sa paligid nagba-bakasakali na makita ko si stephen. Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay hindi ko man lang nakita kahit anino nya. nagpaalam na ako kay alex at dumaresto na sa third floor kung saan located ang housekeeping department.
"Gather around guys!" pagkatapos naming tumulong sa pagse-set up ng mga gamit sa para kwarto ay tinawag na kami ng supervisor.
"Okay, please raise the hands of those new employees" may sampo ata kaming nagtaas ng kamay.
"I will divide you into two groups each group consist of five newbies and three veterans. For the next days your schedule will be the same as the other. For example, the first group will have the a.m shift and the second group will take the p.m. shift. As for the graveyard shift i will pick five from the newbies and two from the veterans. That's how our schedule is going to work, understood?" Strikto ang supervisor namin, it feels like there's no room for mistakes.
"Is there any question?" dagdag pa nito.
"None, Sir" tumanago ito. Tapos ay tiningnan ang hawak na papel.Saktong sa pm shift ako napasama, kaya ang pinagawa lang samin ay konting discussion sa mga do's and don'ts ng hotel at HK Department . Nang may nagdatingan ng mga guest ay pinapasok kami sa isang maliit na opisina at doon binigyan kami ng tag isang binder tungkol sa Housekeepng. Medyo matagal rin kaming naghintay bago ang shift namin, at nang mag-four ay nakasalubong namin ang mga a.m. shift, mukha silang pagod na pagod pero kontento sa unang sabak sa trabaho.
"Kayo naman! good luck guys" sabi sa amin ng isa sa kanila.
Noong una ay naninibago pa ako, pero kalaunan ay nakukuha ko na rin ang technique para sa mabilis na service sa guest mabuti na lang din at palaging nakaalalay ang mga veterans sa amin.
Nag-inatinat ako pagkalabas namin ng diadem ala-dyis na nang matapos ang shift namin. Nakakapagod dahil parang hindi nauubos ang mga guest pero very fulfilling din sa pakiramdam.
"Sige na thea una na ako ha gustong-gusto ko na talagang mahiga" nagka-salubong pa kami ni alex sa exit at nagkamustahan pero agad din kaming naghiwalay.
Maglalakad na sana ako ng may mapansin akong pamilyar na bulto na nagjo-jogging paikot sa diadem. Kusang gumalaw ang paa ko para sundan ang taong iyon. Nilakad-takbo ko ang daan para maabutan ang lalaki, nakita ko syang tumigil at nagstreching. I can see every inch of him with the help of those lamp post.
Binaba nito ang hood ng grey na jacket na suot nito kaya nakita ko ang mukha niya, it was stephen! Why is he up this late? Nilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan ito ng picture, ito na ang pagkakataon ko, na ako mismo ang kukuha ng picture nito at hindi puro save lang galing sa internet.
Pero nanlaki ang mata ko nang mag-flash at may shutter sound pa iyon. Shit!! Kailan ko ini-on ang iyon??!
Lumingon ito sakin, bakas sa mukha nito ang pagkainis. Pagkatapos ay tumakbo na ito uli pero heto ako at parang sira-ulong sumunod parin sakanya. Bakit ko ba sya sinusundan? Baka lalo lang syang magalit sakin at mapagkamalan akong paparazzi! Pero parang may sariling isip ang paa ko at patuloy na sundan ito. Lumiko ito sa may kanto papunta iyon ng parking basement, nang makaliko ito at mawala sa paningin ko ay binilisan ko pa ang takbo. Hindi ko sya makita kahit saan ako lumingon, baka nagtago na iyon at natakot sakin baka akala nya paparazzi ako.
I heaved a deep sigh, para akong tanga, masyado akong sabik sa kanya. Naiiling ako at nagsimula ng magalakad palabas ng basement, pero nakadalawang hakbang palang ako nang may humila sakin. Nakulong sa bibig ko ang sigaw ko ng takpan nito ang bibig ko at pumulupot ang malaya nitong braso sa bewang ko.
Takot na takot ko at nagpumiglas na makawala pero mahigpit ang kapit nya sakin.
"You have a bad habbit of following people around, don't you?" My culprit, whispered in deep and husky voice. Stephen! Nagpumiglas uli ako pero mas humigpit ang hawak nya sakin mas naramdaman ko ang matigas niyang katawa sa likod ko.
"Don't. Move." Mariing sabi nito.
"Why are you following me?" Tanong nito. Anong sasabihin ko sa kanya?'Matagal na kitang gusto kahit sa pictures ko lang nasasaksihan ang buhay mo, kaya nang makita kita sa unang pagkakataon sinuguro ko na susulitin ko ang bawat sandali na masulyapan ka ng personal'
Hindi ko pwedeng sabihin iyon! Siguradong matatakot lang sya sakin lalo. kaso paano sya matatakot sakin? eh ang laki-laki niya?!
"don't scream." Pinakawalan na nito ang bibig ko pero nanatili ang makisig na braso nya sa bewang ko. Kahit hindi ito masasabing yakap, ganun parin ang dating nun sakin! Nakakulong ako sa bisig nya isa sa mga pagkakataong napapanaginipan ko lang noon.
"A-ahmm. Ano. Kasi... fan mo ako" mahina kong sabi tumungo ako sa kahihiyan. Pero at least katangap tangap ang rason ko. Unti -unting lumuwang ang bisig nito sa bewang ko.
No.. wag muna.. don't let go kahit saglit na lang stephen dito muna ako sayo...
Pero hindi ko kakampi ang tadhana ngayon. Tuluyan nya na akong binitawan, pero nanatili akong nakatungo. "look at me", baritonong utos niya na mabilis ko namang sinunos his eyes bore into mine parang may hinahanap sya mata ko abut-abot ang kaba ko at halos manlamig ang kamay ko. Bigla ay nagsalita ito.
"Delete my picture" simpleng sabi nito.. Pero aling picture? Ang dami niya kayang picture sa cellphone ko.
"Quickly!" Utos uli nito sakin, ang sungit naman nito. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nilagay sa hidden documents ang ibang picture nya at tinira ko ang yung kuha ko kanina.
"Ang tagal!" Medyo gigil na sabi nito sakin. Matatas ito sa tagalog, nabasa ko rin iyon sa google dati.
"Ito na ni-delete ko na!" Sabi ko pa sakanya at sa harap nya mismo tinap ko yung delete.
"Okay na?" Tanong ko sakanya. May pagkamasungit pala ito sa personal, pero kahit ganon hindi natitinag ang pagsintang pururot ko sakanya.
Tumango ito at nagsimula nang maglakad paalis doon, tapos na ba ang moment namin? Hindi ba pwedeng dito muna sya? titigan ko lang sya kahit saglit lang.. di ko kasi alam kung kailan ko uli sya makikita.
Tumungo ako at huminga ng malalim, well i guess i'll just see him around. Nag-angat ako ng tingin nagulat ako dahil nandoon pa si stephen at nakatalikod sakin.
"Stop snooping with other people's business that's dangerous" paalala nito.
"It's late... you should head home now" yun lang ang sinabi nito at naglakad na paalis doon. Lumapad ang ngiti ko, mabait din pala ito. Hindi naman nya kailangan pang sabihin iyon dahil hindi naman nya ako kilala, ang alam nya lang isa akong fan na nakasunod sakanya.
Paninindigan ko ang pagiging fan sa paningin nya kung yun lang ang paraan para mapalapit sakanya kahit kaibigan lang. With that thought in mind, i left diadem wearing the brightest smile i could ever have.
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomancePaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...