Chapter 7

14 2 0
                                    

"you see his what?!" eksaheradang tanong ni alex, nandito kami ngayon sa luneta park at tumatambay.

"basta alex ayoko nang ulitin" kinurot ko ang gilid nito pero humalkhak lang ito.

"hay naku it's funny how faith works" nakangising niyang sabi habang nakatingin sa malayo.

"hindi ko naman alam na doon sya nakatira noong mag-apply ako ah.."

"true.. pero ini-stalk mo naman sya sa instagram at palagi.

May dalawang araw na simula nung mangyari sa PH19 at day off namin ngayon. Halos mamutla ako nang pumasok ako sa HK department, sakto naman na kasalubong ko iyong supervisior namin. 

"Did you left the clearance in the room?" mataray na sabay nito.

"yes po" mapanuri ang mata nitong nakaitingin sakin. "you look pale. did something happened?" 

"none sir" nakatungo kog sagot dito. sandali pa akong tinitigan nito bago walang imik na lumabas ng pinto. 


"oo na lang thea" natahimik kami sandali at pinanood lang ang mga kalapati sa pag-tuka at mga kalesang may iba-ibang design. Bigla ay nag-aya si alex na sumakay sa isang parang karwahe.

"you know thea..." napalingon ako rito nang bigla itong magsalita sa tabi ko umaandar na ang kalesa.

"maybe its' faith.. isipin mo sa dinami-rami ng hotel na pwede mong applyan at tirha nya sa maynila ay sa  iisang hotel pa kayo napunta" seryosong sabi nito.

"sa laki ng diadem nagkita parin kayo ng ilang beses diba? ngayon mo sabihin sa akin ang imposible thea" nakangisi ito sa akin ngayon.

anong gusto biyang marinig? na posibleng tama sya? yes nagkita kami ni stephen, nagka-usap at nakita ko pa ang ano niya...  pero hanggang doon lang iyon. paninindigan ko ang pagiging fan nito at  wala ng iba. Para sa akinsiya ay isang pangarap na hindi kailanman magkakatotoo. parang labada lang kami, ako yung decolor na hindi pwedeng isama sa puti dahil magmamansta lang.

sikat si stephen maraming napipisil na ipareha sakanya ang mga fan sa modelling world. at isa lang ang sigurado, hindi ako kasali doon, bukod doon ay isa rin itong successful na engineer, kung tama nga ang nasasaad sa may research ko sakanya ay may sarili na itong kumpanya na pinapatakbo. May haka-haka pa nga na sya ang head sa pagpapatayo ng Diadem. Para lang akong ligaw na bulaklak sa hardin niya kung magkataon na makasalamuha ko sya ng higit pa.

"nasobrahan ka na naman sa mga romantic books alex, ilang beses ko bang sasabihin sayo kami ni stephen imposible hanggang panaginip na lamag iyon! tubig at langis! puti at decolor! langit at lupa! ganun! malinaw na ba sayo?" ngumuso ito.

"ikaw itong negative kung mag-isip! magtiwala ka kay mareng destiny! meant to be talaga kayo ni papa stephen itaga mo iyan sa bato!" i rolled my eyes.

"ang kulit! at hindi ako nega! realistic ang tawag doon!" but she just stick her tongue out.

"magiging kayo thea maniwala ka" nakangiting sabi pa nito pero umiling na lang ako sa kanya.

"sa panaginip siguro alex oo" sabi ko pa sabay tawa, pero inismiran niya lang ako.


May ala-sais na yata nang magpaalam sa akim si alex dahil tinawagan ito ng kuya niya. Ako naman ay nagpunta muna sa night market miss ko na rin kasi ang kumain ng mga street food. Siguro may isang taon na rin mula noong huli kong malasahan ang isaw. Kasi naman, masarap sya oo, pero aminin natin bad for the health yun kahit na ano pang sabihin nila. Kaya talagang at least once or twice a year lang ako kumain.

Diadem Kings Series 1: Darkest LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon