"thea una na kami ha!" paalam ni alex at ate ester sakin. Mag-gagala ang mga ito, pay day kasi pero hindi na ako sumama dahil antok na antok na ako. Ala-sais na ng umaga nang mag-out kami. Sila alex at ate ester naman ay sadyang graveyard ang shift, ako kasi ang sumalo ng graveyard shift nung isang naming kasama sa houskeeping department dahil nagkasakit ang anak. At ngayon nga talagang tinatawag na ako ng kama ko.
Pupungas pungas pa ako ng lakad, papunta sa kabilang kanto nandoon kasi ang sakayan. Pasalampak akong umupo sa naroong malaking waiting shed, tumungin ako sa kaliwa at kanan marami ang dumaraang pribado at pampublikong sasakyan. Puro punuan pa, palibhasa ay oras na ng pasukan rush hour kaya kanya kanyang pagmamadaling makapunta sa pupuntahan. As for me, hindi naman ako nagmamadali, sobrang antok lang. Bumuntong hininga lang ako, hindi naman siguro masama kung iidlip ako saglit? Five minutes will do i guess? Sumandal ako, niyakap ang bag at pumikit. Wala sanang magtangka sakin. Five minutes lang naman.
Naalimpungatan ako ng may naulinagan akong bulungan, it's like bees are buzzing in my ears. Minulat ko ang mata ko at pinikit uli. Ang init ng mata ko ang hapdi tuloy imulat. Kinusot ko pa iyon bago ko tuluyang nagmulat.
"Oh finally! Sleeping beauty is awake!" Laglag ang panga ko ng makita ang CEO ng diadem.
"Sir!" Madali akong tumayo. "Hello, now go home"
"Yes-"
"Lets bring her home" mabilis kong nilingon ang taong nagsalita sa tabi ko."Stephen!" Bored itong lumingon saglit sakin at tumayo.
"Common' man! We're already running late! We wasted thirty minutes guarding-" pinutol ni stephen ang sasabihin pa ni Mr. della valle.
"And we will be really late if we stay here arguing" sabi nito at deretso nang sumakay sa isang itim na sports car. Bwisit na lumingon sakin si mr. Della valle.
"Just get your ass in the car!" Pagkasabi nun ay tinalikuran na ako nito at dali-dali akong sumakay sa likod.
Agad na pinaharurot nito ang sasakyan.
"Ayy!" Sa biglaang pag-andar nito ng basta ay bigla tuloy akong napasandal sa upuan.
"Tsk" rinig kong puna ni stephen dito.
"What?" Inis namang sabi nito bago ako tingnan sa salamin."San ka ba nakatira?"
"Taga bicutan po ako"
"What? Out of way tayo wala ka bang masasakyan sa mga daraanan natin?"
"Meron sir, kahit dun nyo na lang po ako ibaba, nakakahiya rin po kasi at nasabi nyo ring late na kayo""We will send her home" matigas na sabi ni stephen sa labas parin ng bintana ng nakatingin.
Lalong nangunot ang noo ni mr. Della valle.
"May I remind you how important our meeting is? Also this is my fucking car!" Gigil na ito pero itong si stephen parang wala lang sakanya at nakipag-samaan pa ng tingin nang tumigil ang sasakyan sa red light.
" uhm... seriously po, okay lang talaga ayoko rin pong makaabala" lumingon sakin si stephen blanko ang mukha nito parang nanansta pa.
"Ayos lang stephen... maaga pa naman" malamabot akong ngumiti dito. Sandali pa akong tinitigan nito bago ngumuso at tumingin sa daan.
"The fuck is going on between you two?" Mapanghusga ang mga matang napabalik balik ang tingin samin ni stephen. "Wala po sir ma-magkakilala lang po kami. Ganun naubos ang oras namin sa byahe namin hanngang sa magpababa ako sa pila ng jeep.
"Thank you sir, stephen pasensya na po sa abala" tumango lang ang dalawa bago ko sinira ang pinto.
Hinintay ko pang mawala sa paningin ko ang sasakyan bago ako sumakay ng jeep.
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
RomansaPaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...