"KUNG bakit po kasi hindi kayo, sinundo ni papa hinayaan niya talaga kayong bumyahe ng malayo at kayo lang mag-isa" atungal ko dito habang binabagtas namin ang daa papuntang airport. Ngayon na kasi ang alis ni lola papuntang Switzerland at hindi man lang umuwi si papa para alalayan si lola sa byahe.
"thea ilang beses ko bang sasabihin na nagkaroon ang papa mo ng aberya sa trabaho kaya imbes na sunduin ako ay pina-upgarde niya na lang sa business class para naman mas maasikaso ako doon kahit pa meron naman na talagang mg staff na umaalalay sa mga senior citizen na bumabyahe" pagkalma pa nito sakin.
"babe, relax aalis na nga at lahat si lola busangot na mukha parin ba ang ipapabaon mo sakanya?" nakasimungot na nilingon ko si Stephen na nagmamaneho.
Wala dapat akong balak na isama ito, pero nang madulas si lola dito noong nakaraang bisita sa bahay ay nag-prisinta na itong mahatid sakanila. Wala namang problema kay lola yun, katunayan nga ay naging close na ang dalawa simula ng malaman ginawang pagtatanggol sakin ni Stephen sa nangyaring nakawan noong nakaaraan. Sa sobrang close nga nila parang ang salitang babe, at baby na endearment sakin nito ay naging second name ko na para kay lola.
"sya nga pala, apo, thea, bago ko makalimutan" napatingin ako uli kay lola, may kung anong nilbas ito sa bag nito.
Isang bracelet ang nilbas nito doon at nilagay sa palad ko, simpleng gold chain band iyon na may disensong cross na nagsisilbing chain. Mayroong palawit na hugis araw sa gitna ng araw na yun ay mayroong emerald stone at sa likod ng araw nay un ay may naka-engrave na initials.
"T.D.V..." mahinang sabi ko at nalilitong tiningnan si lola.
"therese ang ibig sabihin ng unang letra, pangalan ng mama mo pero yung d.v. ay hindi ko alam"
"pero Dizon ang maiden name ni mama diba 'la?"
"oo, hindi naman nababangit sakin ng mama mo ang tungkol dyan"
"nang ipakilala sakin ng papa mo ang mama mo noon ay matagal ko nang napapansing suot niya yan, lagi niya pang nilalaro ang hugis araw na yan noon lalo kapag hindi siya mapakali. Minsang nahuli niya akong nakatingin sa bracelet na yan, ang sabi niya ay bigay daw iyon ng lolo mo sa mama noong sanggol pa lang siya at pina-adujust na lang ng lumaki siya.
Isang araw bago siya manganak ay binilin sakin ng mama mo na ibigay ko yan sayo kapag nasa tamang edad ka na, huli ko nalang natandaan ng paalis na ako at naalala kong maiiwan kitang mag-isa dito. Umaasa ako na kahit iwan kita meron parin namang parte ng mama mo ang maiiwan ko sayo"
"thank you 'la" inabot ko ang kamay nito sa backseat.
"MAG-IINGAT ka dito thea tatawagan mo ako at ang papa mo kapag may kailangan ka o kahit namimiss mo kami ha?" tumango at niyakap ito ng mahigpit. Ito ang unang beses na malalayo ako sakanya.
Yung lola ko na kasama ko sa lahat ng bagay, yung gumamot sa mga sugat kong natamo dahil sa kalikutan ko noong bata, yung matyagang nagtuturo sakin ng lahat nang bagay at may mahabang pasensyang tinutruan ako kung paano tumingin ng oras. Yung nag-aalaga sakin kapag may sakit ako, at yung nagpapatahan sakin at nagtutuyo ng luha ko noon.
"mami-miss kita 'la" hinagod hagod nito ang likod ko.
"naku bata ka... titira lang ako sa papa mo hindi ako mamatay!"
"lola naman eh!" nilapitan nito si Stephen at hinawakan ang dalawang kamay.
"iho, Stephen ikaw na ang bahala sa apo ko ha? Wag mo syang sasaktan dahil kung hindi uuwi talaga ako kasama ang papa niya at sabay ka naming huhuntingin!" pinagtawanan lang ni Stephen ang banta ni lola bago niyakap at bumeso sa pisngi nito.
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
РомантикаPaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...