He is so young i'm not expecting him to be this young, he must be twenty seven or a bit older. Well yes maybe i'm bit exagerating but still, he is so young to be the ceo. Also, he is one good looking guy, parang mas bagay dito ang maging model. Pero mas gwapo parin ang pierre ko!
Tinapik nito ang hawak na ballpen sa mahogany desk, napansin niya siguro natutulala ako.
"Have a sit miss bustamante" he said in business tone.
"I'm marcus della valle, we're going to make this quick since there still applicants outisde,so.. shall we?"
"Yes sir!" Tumango ito at tiningnan ang resume ko.
"So.. miss bustamante, what's so special about you? And why should i hire you?" Nagulat ako sa tanong nito, akala ko ang walang kamatayang tell me about yourself ang itatanong nya. Pero ano nga bang special sakin? Ako lang naman si thea, isang simpleng babae--
Just be yourself
Naalala ko bigla ang sinabi nung secretary, just be myself, just be me. I sighed secretly..
"To be honest sir... there's nothing special about me" bigla itong nag angat ng tingin sakin at may kaunting kunot ang noo.
"I just want to be useful to someone and be productive in my every waking day, i'm just someone who is eager to prove myself but i haven't done so much yet... nonetheless sir.. if you will give me this chance i promise you that i will give the best that i could possibly give.." i sincerely said every word i hope that is enough to convince him.
He was silent for a moment, but the tension inside me is growing every second. Sumandal ito sa upuan nito, at ngumiti nagulat naman tuloy ako pati ang kaba sa dibdib ko ay humingi ng time freeze.
"I'm impressed... i thought your answer would be another broken record" matagal tagal pa ako nitong tinitigan but i didn't back down! I won't look away! Baka pag nag-iwas ako ng tingin, isipin nya pa weakness ko iyon. Baka maging dahilan pa iyon para hindi niya ako tanggapin. Lalong lumapad ang ngiti nito, nang tumayo ito ay tumayo rin ako.
"You're hired miss thea bustamante, welcome to diadem resort and casino" pormal pero masaya nyang sabi sakin.
"T-thank you sir..." mahina kong sabi pero sa loob ko lang gusto ko nang sumigaw sa sobrang tuwa. Kahit ang paglalakad ko palabas ng opisina niya ay para akong tanga but hell! I'm hired! I don't care if i look weird or stupid!
Pagkalabas ko ng pinto ay agad akong nilapitan ni alex.
"Ano?" Tanong nito bakas ang pag-aalala sa mukha. Bakit? Ano bang itsura ko? Pero di ko na talaga mapigilan, niyakap ko sya at nagtitili doon, di ko pinansin ang mga tingin nila samin, sakin. Masaya ako at di nila ako mapipigilan!.
"Hala! Tanggap ka no? Uy! Tanggap diba?" Pangungulit pa ni alex sakin.
"Oo! Tanggap ako!!"
"Yes!! Magkasama na tayo!" Nagyakapan pa uli kami, maya-maya ay nilapitan kami ng secretary."kaso sa housekeeping department ako".
"kahit na! okay lang yan"
"Congratulations! I'm nick by the way secretary of mr. della valle" may inabot itong listahan at ilang forms sa amin.
"Those are the requirements needed at ilang forms for you guys to sign. Kung may mga tanong kayo don't hesitate to call the number provided there" masayang sabi pa nito samin.
"Salamat sir nick" pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ng diadem. Nagpapa picture pa nga si alex sa harapan, ipo-post daw nya sa fb.
"Pahingi pala ako ng number mo friend!" Sabi ni alex sakin. Agad ko namang binigay tapos pina-ring nya para mai-save ko ang number nya.
"Sa facebook add kita! Anong name mo dun?" Ngumuso ako.
"Wala akong facebook, instagram meron.. saka twitter" nag angat ito ng kilay.
"Bakit naman? Walang fb? Well anyway sige follow na lang kita sa IG at twitter ano ba name mo dun?" Binigay ko na rin sakanya pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.
"Lola!!" Sigaw ko nang makapsok ako ng bahay. Lumabas naman si lola mula sa kusina at nagpunas ng kamay. Hinila ko sya pabalik ng kusina at nilapag doon ang cake at take out ko na pagkain.
"Lola! May trabaho na talaga ako!" Masaya kong niyakap si lola pagkatapos.
"Naku! Ang galing talaga ng apo ko! Sana ay magtuloy tuloy ka na dyan" naluluhang sabi nito.
"La? Bakit ka naman po umiiyak?!"
"Masaya lang ako apo, at saka nalulungkot ako dahil maiiwan ka namin mag-isa dito ng papa mo" i heaved a deep sigh."'La naman.. diba napag-usapan na natin ito? Okay lang po ako... wag na po kayong umiyak.."
"Di ko lang mapigilan apo.. kapag nandoon na ako dadalawin mo kami doon ng papa mo?" Kayo lang po ang dadalawin ko doon.
"Syepmre 'la, pero pagiipunan ko pa ang pamasahe ko kapag ganun"
"Humimgi ka na lang sa papa mo thea" nangunot ang noo ko.
"La, may trabaho na po ako.. kaya ko na po pag-ipunan yun" naiiling na lang tuloy si lola.
"Ikaw ang bahala apo pero kung may problema ka andito kami ng papa mo.. naiintindiham mo ba thea?" Tumango na lang ako at ngumiti. Agad kong binuklat ang mga dala kong pagkain.
"Kailan nga pala ang simula mo doon?" Maya-maya ay tanong ni lola.
"Di ko po sigurado 'la baka kapag nakompleto na namin ang requirement namin"
"Namin? Bakit may kasama ka ba kanina?"
"Ay opo 'la nakilala ko po kanina alexandra po ang pangalan pareho po kaming tanggap" masaya kong kinuwento ang kalokohan ni alex kay lola.
Napansin kong nakatitig lang sakin si lola, bakas doon ang saya at pangungulila.
"Bakit 'la? May problema po ba?" hinaplos nito ang pisngi ko at ngumiti.
"Wala naman thea... kamukhang kamukha mo ang mama mo, maliban sa mata..." hinaplos nito ang bandang ilalim ng mata ko.
"Namana mo iyan sa papa mo.." mariin kong nakagat ang labi ko, at pinikit ang mata ko.
Pero hanggamg doon lang ang makukuha ko kay papa. Umiling ako at niligpit na ang mga kinainan namin. Si lola naman ay tahimik lang na nagmamasid sa kilos ko. Nang matapos ako ay agad akong nagpalaam kay lola na aakyat na kwarto.
"Wag kang magalit sa papa mo apo.. nawalan lang sya ng dahilan mabuhay nang mawala ang mama mo..." malungkot ang boses nito, pero ano bang sasabihin ko kay lola? Dahil kahit ako hindi ko alam kung anong nararamdman ko kay papa.. kung galit iyon hindi ko alam..
"Matutulog na po ako 'la magpahinga na rin po kayo.." agad na akong pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay napatingin ako sa salamin, nakuha ko daw ang mata nya..
Pero hanggang doon lang iyon. Ang pagmamahal nya sakin bilang anak nya, hindi ko kailanman makukuha. Sabi ni lola nawalan daw sya ng dahilan mabuhay, e ako ba? Anak nya ako hindi ba ako sapat para maging panibagong dahilan para mabuhay sya?
BINABASA MO ANG
Diadem Kings Series 1: Darkest Light
Lãng mạnPaano mo nga ba aabutin ang lalaking pangarap mo kung abot hanggang milky way ang pader na humadlang sayo? Pero paano kung maglaro ang tadhana at pagtagpuin ang landas ninyo? Posible kaya na ang pangarap mo ay magkatotoo? "Make me fall in love with...