"Hindi ko maintindihan rina. Sino ba talaga ang batang 'yan?" Naguguluhang tanong ko rito.
Tinitigan ko sya pati ang batang karga karga nya hanggang ngayun.
Mula nang makita nya ako ay dina sya mapakali. Napapansin kong parang may hinahanap sya sa paligid subalit binalewala ko muna 'yun sa ngayun. Kailangan ko syang makausap, para maklaro ko ang lahat lahat sakanya.
Sinabi nyang kapatid nya ang batang karga karga nya. Isa itong bampira subalit sya ay purong mangkukulam. Paano nangyari 'yun? Hindi ko maintindihan.
"Sagutin mo ako rina!" Giit ko na nagpaigtad sakanya. Lumakas ang boses ko dahilan para makuha ko ang buo nyang atensyon.
Takot, pag aalala at kalungkutan ang nakita ko sa mga mata nya nang titigan nya ako. Nakaupo na kami ngayun sa inuupuan ko kanina. Kung paano ay diko na namalayan basta ang alam ko ay hinili ko sya paupo roon.
"Hindi ako ang makakapagpaliwanag sayo nyan kirsten, Patawarin mo 'ko." Yumuko ito.
"Anung ibig mong sabihin? Bakit hindi mo masabi sakin rina? Bakit mo ba tinago saakin ito! Ang paniniwala ko ay isa kang purong tao. Paano mo nagawang itatak 'yun sa kukote ko. Ni hindi mo man lang sinabi na isa kang mangkukulam!" Puno ng galit at hinanakit kong singhal sakanya.
"Patawad kirsten." Umiiyak na sabi nito "Gusto ko namang sabihin sayo eh. Wala lang akong lakas ng loob." Sabi pa nito.
Tumulo na rin ang luha ko "Alam mo bang pumunta ako rito para makapag isip at makapag refresh? Napapagod na kasi ako rina. Gusto ko namang magpahinga! Akala ko dito ko matatagpuan ang peace na hinahanap ko, 'Yun pala mas bibigat pa ang dibdib ko rito." Punong puno na ang utak ko ng mga katanungang di ko masagot sagot. Tapos dadagdag pa ito.
"Hindi ko ginustong pahirapan ka pa alalo kirsten. Maniwala ka, sa sandaling panahon na nakasama kita ay naging mahalaga kana para sakin." Tinitigan ako nito sa mga mata. "Gusto kong ipaliwanag sayo ang lahat pero hindi pwede kirsten. Pili lang ang maaari kong sabihin sayo tungkol sa batang karga karga ko ngayun."
Napabuntong hininga ako "Bakit rina? Bakit hindi mo masabi saakin ngayun?"
Napayuko ito "Dahil magagalit ang inang ko. Magagalit ang ate ko," Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"May iba pang nabubuhay na mangkukulam?"
Tumango ito ng hindi man lang nakatingin sakin "Oo kirsten. Marami pa ang natitira saaming lahi, at hindi totoong naubos ang lahi namin noon." Sabi nito "Ang mga magulang at mga batang nakita mo kanina ay mga mangkukulam rin sila na pilit nagtatago sa huwad na paniniwala ng mga tao't bampira at sa sakim na hari ng dilim."
Kaya pala hindi natakot ang mga ito ng mag-ibang anyo ang bata. Pero sino nga ba ang hari ng dilim? Bakit sila nagtatago rito?
"Hindi ko maintindihan rina. Bakit kayo nagtatago? Bakit nyo inililihim ang nabubuhay nyo pang lahi." Naguguluhan kong tanong.
"Dahil maaaring mawala ng tuluyan ang aming lahi kirsten. Mula nang dumaan ang huling digmaan ay itinuring na kaming mga salot ng mga tao't bampira. Gusto nila kaming patayin at ubusin. At kapag nangyari 'yun ay mapipilitan kaming sumanib sa kasamaan at ipagkatiwala ang aming mga kakayahan sa hari ng dilim."
"Bakit hindi kayo lumapit sa hari at reyna ng mga bampira? Humingi kayo ng tulong sakanila." Sigurado naman akong pakikinggan nila ang mga ito lalo na't malaki ang maitutulong ng mga mangkukulam sakanila.
"Hindi kami maaaring makatapak ng palasyo kirsten. Malakas ang pag amoy ng mga bantay roon at maaari nila kaming patayin ng hindi man lang naririnig ang aming mga sasabihin." Sabi nito saka hinawakan ang kwintas na suot nya "Ang inang ko ang gumawa nito. Hanggat suot ko ito ay walang makakaalam sa totoo kong pagkatao." Hindi ko man lang napansin na may kakaiba sa kinang ng kwintas nya. Sa unang tingin kasi ay kamukhang kamukha ito ng suot na kwintas ng mga purong tao.
BINABASA MO ANG
KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯
VampireShe is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang maging isang ganap na TAO. Nais nyang maging tao tulad ng kanyang ina, Sawa na syang mabuhay ng may dugong bampira. Pagod na sya sa lahat n...